Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

13 | mga maleta

Ako'y nakatayo't pinagmamasadan ka
Hindi na umasang ika'y babalik pa
Ako'y hindi lumingon habang ako'y sumakay
Sinubukang wag kang maalala habang upua'y nakalatay
Oo, ako ang duwag at ako ang tumakbo
Pero, ibig sabihin ba noon ay traydor na ako?
Hindi, hindi naman siguro
Isa lang naman ang gusto ko: pakawalan mo ako
Para nama'y malaman ko ang mga bagay
Na nagtulak sayong iwanan akong sablay
Ipaalam ang tunay na dahilan
Kung bakit mga maleta ko'y dala sa daungan

Wag ka nang umasang ako'y babalik
Dahil alam kong matagal nang nawala ang iyong sabik
Pero, hindi maitatanggi na ikaw ang kukumpleto
Kung wala ka, wasak na ang aking mundo
Ano ba ang nangyari at ako'y iyong naging deboto
Anong ginawa, bakit ako'y nabihag mo?
Nandoon ka, ngunit ako'y narito
Ang panahon ang naghiwalay sa ating kwento
Ikaw na ang kurtinang hindi ko mahawi
Kahit gusto ko nang lumisan at umulit muli

Kinuha ang gamit at patuloy na lumakad
Dinala ang mga maleta habang damdami'y sadsad
Segundo'y parang pagong sa pagdaloy
Hanggang ang lahat nang pinagsamahan ay sa isip sumasaboy
Ang mga tawanan, bawat ngiting ibinigay
Mga oras na kasiyahan lang at walang lumbay
Lahat ng oras na tayo'y magkasama
Kumakanta ng 'Magbalik' at sumasayaw ng 'Macarena'
Ikaw ay isang diyamanteng di ko maisangla
Pero tinapon ko lang, sige na, ako ang tanga
Kung kaya pang mabuhay nang may pagsisi
Kapag masakit na'y hahanap ng lunas sa hapdi
Pero habang papalayo ay naisip ko bigla
Kaya kinuha ang mga maleta at dali-daling bumaba

At nakita ko ang iyong muka
Napatigil ako, hakbang ay napatda
Lahat bumagal, laht nanigas
Nang makita kita, ako'y nawalan ng lakas
Ang pagmamahal mong sinayang ko lang
Tiniis mo, pinuno ng pag-ibig ang aking pagkukulang
Ngayon ko lang nalaman kung ano ang nararamdaman
Ako'y napaluhod sa iyo'y nanahan
Humingi ng tawad at hindi na umasang mapagbigyan
Alam kong nadala ka na sa mga kasinungalingan
Nakita ko ang mga maletang pinuno mo ng iyong luha't lagaslas
At nalaman kong ako'y iyong minahal sa mga taong nakalipas

Salin ng tulang Suitcases. Basahin ang English translationg makikita sa Stories of the Undaunted.

Anong masasabi mo sa tulang ito Magcomment sa baba. :)


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro