12 | nawala't nahanap
Ako'y pumarito at pumaroon
Umaasang makakahanap ng sa aki'y tutugon
Nagtago, naglayag, naghanap ng malalim
Nanalanging sana'y di na bigo sa hanapang lagim
Sinubukang takpan ang pinanggalingan
Nangarap na hindi ito kasinungalingan
Lahat ay itinago ngunit makikita rin naman
Dahil sa loob-loob, sa pansin ako'y nangangailangan
At nadoon ka naman palam aking pangarap
Narito ako, dati nawala at ngayo'y nahanap
Ito ang panahon na masaya
Mga sandaling hinihiling na tumagal at humaba
Tadhana't swerte ay biglang gumalaw
Para sirain natin ang isa't-isa, nawala ang ilaw
At ito ang ating kinatatakutan
Nang mawala ang lahat, puso'y nasaktan
Nawala ang lahat nang umihip ang hangin
Naubos ang ala-ala't kasiyahang pilit uulitin
Ito ang kaparusahang dapat pagdaanan
Nawa'y malampasan at makarating sa katapusan
Umaasa, nanalangin, naghanap, sumisigaw
Lahat ginagawa para maibsan ang uhaw
Sinusubukang maniwala na hindi pa tapos ang lahat
Kahit sa puso ko'y alam kong kalungkutan ang buhat
Siguro'y dapat tumalikod at tumahak ng ibang landas
At ito'y masakit, dahil pag-ibig ay nalagas
Sa ating kamalian, tiwala'y madaling nadurog
At alam kong pipilitin parin nating mahulog
Ayos lang ako, kahit masakit na
Nawala, nahanap, winala ulit, ano ang mapapala?
Ayos lang, kahit ilang puso pa ang mabasag
Kahit makita ko ang likod mong unti-unting nalalaspag
Nakitang paalis na't malayo ang tingin
Nagkukunwaring walang pakialam dahil sa akin
Kumuha ng babasahin, yun pala'y ako'y hinahanap
Patuloy na umaasang tumigil ang ras at mawala ang hirap
Nagpatuloy ang lahat, maiwan ang pag-ibig
Mga landas at ala-ala, tinapon sa sahig
Tumayo ako roon, at unti-unting nawala
Hanggang sa maglaho at ako'y hindi na muling makikita
Ang salin ng tulang pinamagatang Lost and Found. Matatagpuan niyo ito sa koleksyong Stories of the Undaunted.
Ikaw, anong masasabi mo sa tulang ito? Mag-comment sa baba. :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro