Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

10 | paraiso

May mga ilaw na lumuluningning sa'yong mata
Na parang bituin sa mga madidilim na langit
Lahat ng ito'y bago sa aking panlasa
Pero alam kong dapat maghanda nang nagpupumilit
Tayo'y nagkasama na noon pa
Pero, bakit wala tayong maidagdag sa ating istorya?
Paano kung tayo'y tumanda at mawalan ng kwenta
Paano na kung ang kagandaha'y wala na sa pahina?
Ngunit malinaw na walang makakapagtago
Ng katotohana'y ito'y ating magiging paraiso

Lahat maganda, malakas at malinaw
Makulay ang nasa ilalim ng ilaw
Ika'y nagpakasaya ng walang humpay
At ika'y tumingin sa akin, ang puso'y kumampay
Ang mga mata mo'y maliwanag at luntian
Tumingin ako at nalunod sa dagat ng kahalinan
Ang nangyari ay pag-ibig na tila itinadhana
At tayo'y naroon at narito, tinapos ang magagawa
Maliban sa isa, ang pusong nagtatago ng pangako
At ito ang ating maganda at perpektong paraiso

At ito ang ating tatahaking landas
Na kitang-kita natin pag tumitingin sa labas
Tayo'y sumulyap ng malalim sa isa't-isa
Ito'y inosente at puro, pang habang-buhay na kaya?
Tayo'y patuloy na nahulog sa lugar ng pagmamahal
Na dapat tayo'y tumagal at ang pangako'y singtigas ng bakal
At ito ang ating kinahihinatnan
Na ang pag-ibig ay mauuwi sa pagmamahalan
Walang iniisip kung 'di kunin ang eksakto
Para makuha ang pagkakataong itayo ang ating paraiso

Ika'y naroon, bihis sa kagandahan
Ang lahat ng purselas at kwintas ay tinitignan
Buhok mo'y ayos at madaling makapangtukso
At iyong ngiti ang nagsisilbing pangkumpleto
Ikaw ang simbolismo ng pagkaperpekto
At lahat ay gustong magpakulong sa yakap mo
Ang mga manliligaw mo ay hahanap-hanapin ka
At, swerte naman, dahil ako ang nauna sa kanila
Ganito sana tayo hanggat gumagana pa ang pulso
Sana'y itinayo at pinuri na ang ating paraiso

Ang isang tao'y sinuwete 'pag ang pag-ibig mo'y nakuha
Lahat na ay ginagawa kahit magpakamatay sa tuwa
Ano ba ang nagtulak para ika'y magsimula
Nang isang imoral na pamumuhay, maaari ba?
Pero, ang pinagpala ay ang taong nag-aangkin ng pag-ibig
Ang pang-langit na kagandahan, nakamtan sa isang himig
Ikaw ang kagandahan, at ang tuktok nito
At ako'y nawalan ng pag-asang makuha ang puso mo
Kayamanan, kapangyarihan, ako'y wala ng mga ito
Ngunit ako'y iyong pinili at aking buha'y ginawang paraiso

Pero ito na iyon, ito ang pagbabago
Kung saan lahat natatapos, nasisira ang mga pangako
Kapag ang pag-ibig ay natapos sa pagpapalit ng anyo
Kung kailan ang pagsasama ay hindi na nakakasuyo
Ikaw pa naman ang aking tinitingala
Ngunit ngayon, ang katauhan mo'y nasira
Ano nga ba ang ginawa ko para ako'y iyong mapansin
Ano ang ginawa mo para ako'y paslangin?
At ito na nga, kung kailan magugunaw ang mundo
Pahina nang pahina ang ating tinayong paraiso

Lahat, kasuklamsuklam, tahimik at madilim
Lahat ay naglaho at nabaon sa lagim
Humiling tayo na ito'y isa lamang panaginip
Pag-ibig, ito lang ba ang meron tayo?
Wag kang mag-akalang dito gagaling ang iyong sakit sa ulo
Pag-ibig, para lang tayong mga ulirat sa daan
Wawasakin ka hanggang mga piraso mo'y nayayapakan
Anong naisip mo't tinago mo ang basag mong puso
At panuorin akong madurog sa loob ng ating paraiso?

At ito ang ating nasirang tadhana
Kapag wala na ang lahat, tsaka hihingi ng pagpapala
Ano pa ang dapat ibigay para sumaya ang lahat
Wala na tayong ari kundi ang ating balat
Pero ito'y sadyang tama lang
Sa isang katulad kong natalo sa laban
Ano pa ang dapat kunin ng nakaraan
Dahil kayamanan at kapangyarihan ay hindi ako nabigyan
Anong pagkakataon pa ang aking makakamit sa dulo
Kahit ang lahat ay wala na sa ating paraiso

Ang panahon ay lumipas
Nakakita ng isang anino sa landas
Itong sakit na dating ako'y pinahirapan
Ngayo'y nanigas sa puso kong batugan
Pero kahit na, ako'y nangangarap na hindi ka sana umalis
Na hindi ka dapat tumingin sa iba't daan mo'y lumihis
Nananalangin akong sana'y ako'y minahal mo
Nang sapat at tuluyan para sana ako'y makuntento
Na magbayad ng nararapat na halaga ng sustento
Sa pagtatayo ng ating perpekto ngunit malungkot na paraiso

Isa ito sa mga pinakapaborito kong tula dahil sa kwentong nakapaloob dito. At saka, nakakaantig ng damdamin ang pinakahuling linya, hindi ba?

Ito ay salin ng tulang pinamagatan kong Paradise.

Ikaw, anong masasabi mo sa tulang ito? Magcomment sa baba. :)


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro