Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

1 | sa pagtakbo ng oras

Ang orasan ay buhay, saktong hatinggabi
Oras ay dumaan, lahat nasasangi
Minuto'y lumipas, walang anu-ano'y gumagalaw
Segundo'y tumatakbo at hindi napapanglaw
Deretso sa bahay, noon ako'y tumakbo
Pilit kalimutan mga ala-ala't pagkakamali ko
Pinunasan ang mga luhang pilit tumutulo
Hinihiling na sana ay hindi nagkamali sa'yo
Sinubukan ko, totoo, sinubukan ko talaga
Pero alam kong ito'y mauuwi sa wala
Nagkamali nang hindi maitago and nararamdaman
At inaamin kong hindi ko kaya, kahit simula pa lang

Ang orasan ay buhay, marahan, madilim at maliwanag
Oras ay dumaan, patuloy at di natitinag
Minuto'y lumipas, walang anu-ano'y tumatakbo
Segundo'y humahabol na parang sundalo
Deretso sa bahay, noon ako'y nahulog
Kalimutan sana ang ala-ala gamit ng tulog
Tayo sana kung hindi ka nag-sinungaling
Kaya ako'y nandito naghihintay mamatay sa dilim
Ang mundo'y naghihirap at nagdurusa
Ngunit ang kasalanan ay tila walang kwenta
Dahil pinilit natin na dapat tayo na sana
Ngunit hindi talaga tayo para sa isa't-isa

Ang orasan ay buhay at ikaw ay tama
Oras ay dumaan, ika'y walang ligaya
Minuto'y lumipas, walang anu-ano'y tumuloy
Segundo'y tumatakbo kahit pigilin ang daloy
Deretso sa bahay, bumisita ang lungkot
Hinayaang dumaan ang kapayapaan, poot ay sinangkot
Paulit-ulit, paulit-ulit na lang
Na parang mga ala-ala'y bumabalik kung saan
Kung saan ako'y tumayo, muka'y namumutla
Kung saan ika'y huling nakita, sana'y tama
Sinubukang lumapit, hawakan kang muli
Pero ika'y lumayo, at sa aki'y tumanggi

Nasaan ang Oras kung kailan ko ito kailangan?
Tulungang ibalik ang panahon noon ang bunga pa'y kasiyahan
Tumatawag sa mga bagay na di maari, dumidilim ang gabi
Akala ko'y kaya ko na, pero ako'y iyong sinawi
Hindi na kayang balikan, mga mali ng nakaraan
Pero sinubukang gawin ang lahat ng mahahawakan
Ang Oras ay may ibang gustong gawin
Ito ay ang paguhuin at ako'y patumbahin
Ang orasan ay buhay, saktong hatinggabi
Ang oras ay dumaan, ilaw man ay di dumampi
Minuto'y lumipas, baka walang anu-ano'y bigla kang humalik
Segundo'y tumatakbo, at ako'y humihiling na ang oras ay ibalik

Iba yung naging meaning nitong tulang ito mula sa English counterpart niya. Ito nga pala ay ang salin ng tulang Variations of Time na nasa Stories of the Undaunted collection.

Wala na akong ibang masabi kundi mali yung ibang mga tugma sa mga stanza. Nakakahiya. Buti na lang ay tinuruan kami noong guro namin noong Senior High kung paano gumawa ng tulang Tagalog. May mga specifics pa pala iyon. Haha.

So ayun. Anong masasabi ninyo sa tulang ito? Magcomment sa baba. :)


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro