Simula
- S I M U L A -
Katipunerang Gangster
Ako si Diana, hindi Subiri kundi Diana Javier. Hawak ko ang Rank 2 spot sa pinaka-kinatatakutan na Gangster sa buong campus. Kaya kong guluhin ang buhay mo sa isang pitik lamang. I can ruin your world, kaya 'wag kang haharang-harang if you don't wan't to mess the Legendary Soon to be Queen of Queen of All Gangsters.
—-—
Ako si Juanita Jasmin (Hasmin) Hernandez. Ang tagapag-tatag ng MMM. Matatag at Matibay na Mamamayan. Ako ang pumalit sa hinahanggan kong si Bonifacio. Ako kauna-unahang babae na nakatakdang tumalo sa mga Kastila, sa ngalan ni Rizal at Bonifacio.
—-—
"Teka! What's happening here!? Bakit ang daming weird na tao dito? And wait, what!? Are they wearing Barong tagalog? So cheap, Eww!"
—-—
"Anong pamayanan ito? Bakit may magagarang makinarya at karwahe dito? Teka! Tagong base militar ba ito laban sa aming mga katipunera? Dapat malaman ito ng mga kasamahan ko hangga't maaga. Hindi puwedeng magtagumpay ang mga kastila!"
—-—
"Totoo po ba 'yon Ma'am?"tanong ng isa sa mga kaklase namin. Oo nga, parang hindi naman totoo. Nagkapalit ng mundo 'yung dalawang tao? Si Diana at Juanita? Isang galing sa 1869 at 2017?
"Well, that's the story in the book. Totoo man o hindi, walang mawawala. Nasa inyo na kung maniniwala kayo," malokong sabi ni Ma'am Lozaga. "Okay, class dismiss," pagkasabi niya noon, nagtayuan na kaming lahat at nagayos ng gamit.
Naunang lumabas ang mga kaklase ko. Ako naman, nagaayos pa ng gamit. Napatingin ako sa bintana, kung saan nakatapat ang upuan ko. May isang babaeng nakatayo sa labas, at kung hindi ako nagkakamali, nakatingin siya saakin. At may sinabi. . .
"Ibalik sa ayos ang dapat, hanggat hindi pa nahuhuli ang lahat. Taong kasalukuyan, 'wag gawing kamatayan. Taong kamatayan, 'wag gawing kasalukuyan. Kapag nangyari ang hindi dapat, maaaring maisabago ang lahat."
—
Paalala :
Lahat ng nangyari dito ay walang kinalaman sa history ng Pilipinas o ng kahit anong bansa sa mundo. Ano mang laman ng librong ito ay gawa lamang ng imahinasyon ko. The story is still unedited. Typos, grammatical errors and such are visible throughout the story.
Plagiarism is a Crime!
—Katipunerang Gangster
Akda ni: abdiel_25
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro