Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 5

Kabanata 5 : Pag-asa
Ayesha's Point of View

Kanina pa ako naguguluhan sa mga sinasabi nitong batang kaharap ko. Hindi ko na nga alam ang iisipin ko. Akalain mo ba naman ang mga sinasabi saakin? Hindi ko siya maintindihan. At lalong hindi ko siya maiintindihan.

Una. Nagpakita siya saakin sa fieltrip namin. Kung saan nakilala ko si Juanita at Diana. Pero wait, alam ko nagising ako no'n, 'dI ba? So it means na panaginip 'yon? Basta ewan.

Pangalawa. Napunta ako sa San Delfonso na isang nayon sa Laguna. Hindi ko alam ang iisipin pero meron pa ba sa panahon ngayong Nayon? At isa pa. Pangatlo, sinadya ba o dahil nga sa sinasabi niyang nasa '1869' kami kaya ang luma ng mga outfit ng tao dito?

Ni mag-english nga ata wala. Si Lilia nga lang yata ang narinig kong nag-English.

"Alam kong hanggang ngayon ay hindi ka parin makapaniwala, kaya para bigyan ka ng relief, bakit hindi mo sagutin ang mga tanong mo?" Nakangiting ani ni Lilia saakin. Loko-loko na ba talaga ang batang 'to?

"Alam mo Lilia? Mabait naman talaga ako. Kaso mukhang masisiraan na talaga ako ng bait ng dahil sa'yo. Hindi na talaga kasi kita maintindihan. Sa tingin mo, pa'no ko masasagot ang mga tanong ko kung ako mismo hindi ko alam ang sagot?"pag-susungit ko dito.

Naglalakad-lakad kami dito sa eskinita na pinasok namin. Mukhang pamilihan ito. Gaya ng mga nauna, makaluma din ito. Madami na nga akong nakitang kabayo na may nakasakay na tao. Kung hindi naman nakasakay, hinahatak nila ang kabayo.

Huminto kami sa paglalakad nang may isang batang tumakbo sa harapan namin. Muntik ko na nga siyang matabing kanina kung hindi lamang ako huminto.

"Siguro masasagot NITO ang tanong mo," talagang diniinan niya pa ang pagkakasabi ng 'Nito'. Tumingin ako sa kaniya. She's smiling while holding the mirror. Tumaas baba pa ang kilay niya.

"Seryoso ka bang kayang sagutin ng salamin na 'yan ang mga tanong ko?"tanong ko kay Lilia. I was supposed to ask questions in that mirror a while ago nang habulin kami ng mga Katipunero.

"Oo naman. Subok 'to!"pag-mamayabang pa niya. Nagsimula na ulit kaming maglakad.

"Saan ba galing 'yan? Kinuha mo ba 'yan kag Snow White? O baka naman pumasok ka sa mundo ng Beauty and the Beast at kinuha 'yan kay Belle?" Alam kong nakakaloko na ang mga tinatanong ko pero sinasakyan ko nalang si Lilia.

Alam ko naman talaga na niloloko lang niya ako. Actually, naisip ko na nga na baka mamaya susulpot ang nanay nito at sasabihing 'Anak naman! Bakit kung saan saan ka nagpupunta?' Kaso naisip ko nagpakilala na saakin ang nanay niya kanina, although lola niya talaga 'yon.

"Ahm. . .ano kasi e,"hindi niya masabi. Mukha ngang ninakaw niya ang salamin na hawak niya ngayon.

"Kaya ba tayo hinahabol ng mga katipunerong iyon e dahil sa. . ."binigyan ko siya ng isang makabuluhang tingin. Hindi siya tumingin sa mga mata ko pero tumango siya.

"Eh kasi ginagamit nila ito sa kasamaan,"pagtatanggol nito sa kaniyang sarili.

"Sabi mo kanina pumunta ka sa taon ko 'diba? Edi parang ginamit mo na din 'yan sa masama?"sabi ko dito. Hindi parin ako makapaniwala na 1869 ang taon dito. Iniisip ko nalang na baka sira ang orasan dito o kaya nama'y nananaginip lang ako.

"Siguro. But, the General use this mirror badly more than I do," sabi nito.

"Teka nga. Bakit nga pala parang ikaw lang ang marunong mag English dito sa lugar niyo? Bakit 'yung iba e hindi ko naman naririnig na nasasalita ng English? Ipinagbabawal ba 'yon?"tanong ko sa kaniya.

Lumiko kami sa isa pang eskinita. Kaunti na lamang ang mga tao dito.

"Hindi sa ipinagbabawal pero, sa pagsasalita ng Ingles, kailangan maharlika ka muna bago ito gamitin. Kung hindi ka mayaman at nagsalita ka ng Ingles, tiyak kong papaslangin ka nila," ani niya.

Tumango na lamang ako. "Pero bakit ikaw? Nagsasalita ka?"tanong ko sa kaniya.

"Tayo lang naman ang nakakarinig. At isa pa, mukha kang maharlika kaya mapag kakamalan nila tayong maharlika," aniya. Mukhang tuwang tuwa pa siya sa nangyayari.

Ngayon ko lang napansin na hangganb ngayon ay nakatingin parin saamin ang mga tao dito. Specifically saakin. Siguro akala nga nila maharlika ako. Hindi ba nila alam na kung nasa panahon 'ko' lang ako e baka pinagtawanan na ako sa soot ko?

"At tsaka sabi saakin ni Kuya Niko, kung makakapag aral ako, kakailanganin ko ang wikang Ingles," dagdag pa niya.

Tumango na lamang ako. Saan ba kami pupunta at kanina pa kami naglalakad? "Ah, Lilia. Saan nga pala tayo pupunta? Hindi ba tayo babalik sa inyo?"tanong ko kay Lilia.

"Pag bumalik tayo sigurado akong may nagbabantay sa kung saan tayo dumaan at huhulihin tayo," sumeryoso ang mukha nito bago kami tumigil sa isang malaking puno. Malayo ito sa mga tao pero tanaw mo mula dito ang mga kabahayan.

"What's with that look?"tanong ko. Seryoso siyang nakatingin saakin.

"Kailangan ko ng tulong mo. Marahil naguguluhan ka parin sa mga nangyayari pero. . .ang buhay namin dito sa pamayanang ito ay isang malaking banta," makahulugang sambit niya.

Napakunot ang noo ko. "Anong banta?"

"Ginamit ng Heneral ng pamayanang ito ang Salamin ng Panahon upang paalisin si
Juanita dito at hindi na makapang-gulo pa sa mga balak ni Heneral Santiago. Dahil dito, wala na ang aming pag-asa. At mukhang parating na ang digmaan laban sa Espanyol at Pilipino," sabi nito.

"Anong Laban sa Espanyol at Pilipino?"

"Bago tuluyang paalisin si Juanita, nakapag-pulong pa kami noon sa aming gagawin. Ang lahat ng taong nakikita mo ngayon ay kasabwat namin at may kaniya-kaniyang gagawin upang talunin ang Heneral. . ."

"If I knew, Kahit talunin niyo ang Heneral, wala parin kayong magagawa dahil may mas nakakataas pa sa kaniya? Tama ba?"curious na tanong ko.

Tumango siya. "Ang lider ng mga Heneral? Hindi ko alam. Pero pagkatapos naming talunin ang heneral, pupunta kami sa sikretong lugar, kung saan kami namumuhay noon."

"Sikretong lugar?" Gulong-gulo na ako. Hindi ko alam kung anong iintindihin ko. Panaginip lang naman ang lahat 'di ba?

"Pinilit kami na pumunta dito ng mga kastila dahil sa pangako nilang hindi kami sasaktan, ngunit mukhang hindi nila tinupad ang mga pangakong iyon. Madami na ang namatay, at madami pa ang mamamatay. . ."

Nagsi-tayuan ang mga balahibo ko. Ang kahinaan ko kasi ay makakita ng patay at ng dugo. Gusto ko ng magising kung panaginip nga lang ito.

"Bakit mo sinasabi saakin ang mga ito?"tanong ko sa kaniya ng hindi diretsong nakatingin sa mga mata niya.

"Dahil ikaw ang pag-asa namin."

---

An : This is the last sample chapter. If you want to continue reading, you can read the full story on Dreame. Just click the links in the Intro part of this story. Thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro