Kabanata 3
Kabanata 3 : San Delfonso
Ayesha's Point of View
Masakit ang likod, ulo at batok. Ngalay ang mga binti at braso. Sa paanong paraan ko igagalaw ang mga parte ng katawan ko kung sila mismo ang tumatanggi sa pagkilos?
Minulat ko ang mata ko ng matutukan ito ng sinag ng araw. Samu't saring sigaw ang naririnig ko. May ilang tugtog, pero mas nangingibabaw ang mga boses.
Pagkamulat ko ng mga mata ko, laking gulat ko sa aking nasilayan. Madaming kalesa. May mga babae na nakasoot ng mahahaba, at may suot namang cami tsino ang mga lalaki.
Ako naman, nakahiga dito sa gitna ng kalsada. Kaya naman, kahit hirap ay pinilit kong tumayo. Pero pag-katayo ko, isang tao ang nakabangga saakin. Nag-sorry pa siya pero tinignan ko lamang siya.
"Teka, ikaw 'yung bata—"
"Ate, 'wag ka pong maingay. Bawal po nila malaman na lumipat ako sa oras niyo," sabi nito habang hinahatak ang damit ko sa kung saan. "Ano nga po palang pangalan niyo?" Bibong tanong nito.
"Ayesha," nakangiting tugon ko. "Ano ba 'yung sinasabi mo kanina na bawal nila malaman na lumipat ka sa oras ko?" Tanong ko dito. "Tsaka bakit kapag nakikita kita umaalis ka?" Umupo na din ako para magkalebel nalang kami.
"Ah. Ikukwento ko po sa inyo mamaya. May kinalaman po kasi iyon sa tanong niyo na kung bakit niyo po ako nakikita pero tumatakbo ako," ani niya. Hinatak niyang muli ang aking kamay kaya napatayo ako.
Nag-palinga linga ako sa paligid habang hinahatak ako ng bata. "Ano nga palang pangalan mo?" Tanong ko dito. Lumingon siya saakin at nginitian ako.
"Lilia Hermoso Del Jose Mendoza Jimenez Alfonso y Carin," natutuwang sambit niya, hatak-hatak parin ang aking kamay.
"Ang haba naman ng pangalan mo," sabi ko.
"Ah opo. Dito po kasi, ang apelyido ng lolo't lola mo ay kailangang kasama sa apelyido mo," pagpapaliwanag niya habang nakatingin sa daan.
"Tanong ko lang, nasaan ba talaga tayo? Bakit ganiyan ang suot niyo?" Napansin kong maging siya ay mahaba ang suot. Lahat na din ng dinadaanan namin ni Lilia ay tinitignan ako at nagbubulungan.
"Dito po sa San Delfonso. Ang maliit na nayon sa Laguna," ani ni Lilia. Huminto kami sa isang maliit na kubo. "Nandito na po tayo sa bahay namin," bibong sabi niya.
Kumatok muna siya ng tatlong beses bago pumasok. "Nay! Tay! Mayroon po tayong bisita," sabi ni Lilia. "Maupo ka muna," alok nito saakin. Pinaupo niya ako sa upuang gawa sa kawayan.
Kung tutuusin, mukhang kubo ang bahay nila sa labas, pero kapag nasa loob ka na ng bahay nila, ang laki pala at wala ng makikitang bakas ng kubo. Pero teka, paano nga pala ako ulit napunta dito?
"Lilia? Sino ang ating bisita?" Tanong ng isang matandang babae. Siguro nasa sixty plus na siya. Nakita niya akong nakaupo kaya napatayo ako. "Naku iha, maupo ka lang, ayos lang," nakangiti nitong ani.
Hindi ako umupo dahil inaayos ko ang damit ko mula sa pagkakaupo ko. Bakit ba naman kasi ganito kahaba ang suot ko? Sa pagkakatanda ko ay hindi ganito ang suot noong—
Noong?
Noong? Tama! Hindi ganito ang suot ko noong ma-aksidente ang bus namin. Subalit nasaan na ako? Ang sabi ni Lilia nasa isang maliit na nayon kami sa Laguna. E paano na ito?
Paano ba kasi ako napunta dito? Gusto ko man irewind kung paano ako napunta dito, hindi din natuloy sapagka't may dumating na Apat na lalaki. Siguro ang bawat isa ay nasa 18 years old na.
"Ate Ayesha, sila nga pala ang pamilya ko. Si Nanay Clarita," pakilala ni Lilia sa matandang babae. "Lola ko siya pero dahil matagal niya kaming kinupkop, parang nanay na namin siya."
"Ikinagagalak kitang makilala, Ayesha?" Nakangiting sabi niya. "Kita mo nga naman, paiba na ng paiba ang mga pangalan ng dalaga sa nayon natin. Maganda ka iha, ilan ba ang nangliligaw sa'yo?"
Natahimik ako. Hindi ba sila aware na ganito na ang mga pangalan ng tao sa Pilipinas? "Ah, wala po akong manliligaw," nahihiyang sabi ko. 15 palang ako. Bakit ko naman aatupagin ang bagay na 'yan?
"Siya si Kuya Niko, Si Kuya Hechos, Kuya Juan at si Kuya Khan," pagpapakilala niya. "Si Kuya Niko ang pinaka matanda sa aming lima. Nakapagtapos ng pag-aaral sa Europa. Kaso lang, nang dumating siya dito, nagkasakit siya kaya hindi niya nagamit ang propesyon na nais niya. . ."
". . .Si Kuya Hechos naman ang pinakatahimik sa aming lima. Madalas na nag-iisa. Ayaw kasi niya sa gulo. Pero masipag naman 'yan. Si Kuya Juan ang pangatlo sa matanda. Matalino kaso isip-bata. Eto naman si Kuya Khan. Anak siya ni Papa sa isang hapon na babae. Iniwan sa kaniya at hindi na sila binalikan."
Sa lahat ng sinabi niya, tango lang ang tinugon ko. "Ayesha, base sa iyong kasuotan, isa ka bang maharlika?" Tanong ni Nanay Clarita.
Umiling ako. "Hindi po," ani ko.
"E bakit ganiyan ang kasuotan mo?" Tanong ni Juan. Nagulat ako sa boses niya, napahusky. Bakit ganito, parang ang gwapo pati ng boses niya.
"Hindi ko din alam," agad silang napakunot ng noo. "Lilia, kailangan kitang makausap," sabi ko sabay lingon kay Lilia. Hinatak ko siya palabas ng kubo.
"Bakit Ate Ayesha?" Inosenteng tanong niya.
"Nasaan ba talaga ako?" Tanong ko dito. Nakaluhod akong muli habang hawak ang magkabila niyang balikat.
"Sinabi ko po sa inyo, nandito po tayo sa San Delfonso," sabi niya.
"Hindi. Teka, 'diba nagpakita ka saakin sa mapunong lugar noon? Sa Panaginip ko! Nasa fiedltrip kami noon. Malayo 'yon dito sa Laguna, kaya paano ako napunta dito?" Maging siya ay naguluhan.
"Hindi niyo po ba alam?"
"Ang alin?" Gulong tanong ko.
"Sumunod ka po saakin," sabi niya bago magsimula maglakad. Madami paring tao ang nakatingin saakin, siguro marahil sa suot ko. Maganda sana ang mahabang kasuotan na ito kaso para namang mahihirapan maglaba ang maglalaba nito.
Habang naglalakad, unti-unting nawawala ang mga bahay. "Lilia, saan ba tayo pupunta?" Tanong ko habang yumu-yuko kapag kailangan. Madami kasing sanga dito kaya 'di maiwasang madaanan mo.
"Dito," sabi niya bago huminto.
"Anong meron dito?" Tanong ko. "Mabibigyan ba nito ng sagot ang mga tanong ko?"
"Oo, at hindi lang sagot sa tanong mo ang ibibigay niya. Kundi isang babala," sabi ni Lilia.
"Babala? Ano bang meron dito?"
Agad siyang umalis sa kinatatayuan niya. Kaya nakita ko na ang kaninang itinatago niya. Isa itong salamin. "Anong kaya niyan gawin?" Tanong ko dito.
"Magtanong ka lang."
Huminga ako ng malalim bago magsalita. "Na—"
"Hanapin ang bata! Ginagamit nito ang ipinagbabawal na salamin ng Hacienda!"
"Nako, lagot na," bulong ni Lilia.
Anong meron?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro