Part 1 - Stress-free Bride?
SONG FOR THIS CHAPTER: Pasabta Ko by Leela Laburada
You can click the video and listen to the song while reading :-)
******************************************************************************************
"READY na lahat so relax ka lang, Car," siwalat ng wedding coordinator. "Let's do the stress for you, 'yan ang motto namin sa Full Glam and Gloss. So just savor each moment sa journey mo with us. Are you excited para bukas?"
"Sige, kung ganoon, sabihin mo sa akin ngayon kung papaano ako magpapakasal kung walang groom?" walang emosyong tanong ni Carla Love.
Naumid ang dila ng bakla sa gulat ng kanyang sinabi. "C-Car?"
Umalis si Aron." Hindi niya akalaing napakabigat ng pagbitaw niya sa simpleng salita.
"Carla." Lumakad ito at isinara ang pinto bago siya inakay sa isang silya. "Baka cold feet lang 'yan kay Aron. May mga clients akong dahil sa anxiety ay uurong sa araw mismo ng kasal pero pagkalauna'y itutuloy din. Half-day lang siguro ang delays," pabirong sabi nito.
Gusto niyang tumawa sa joke ng coordinator pero wala siya sa mood. "Babayaran niya raw ang lahat-lahat ng nagastos natin sa preparasyon."
Halos lumuwa ang malaing mata ng coordinator.
Nakita niya ang isang garapon ng candy sa lamesa at kumuha siya ng isa. "Sorry Clyde, nasayang ang effort ng team mo. Six months tayong naghanda pero nauwi sa ganito."
Mahinang tinapik siya sa braso ng kausap. "Sure na po ba talaga ang desisyon niyo? Baka pwedeng mahilot pa."
Umiling siya bago isinubo ang candy. "I-deduct mo na lahat ng nagastos niyo pati sa mga meryenda niyo while taking care of me. Isama niyo na rin ang gastos sa transpo, pagkain sa aso, baboy kasi babyo siya, panonood ng sine, tickets sa amusement parks – buwesit! Doon first date namin."
"Hayaan mo, ako ang bahala." Mukhang na stress na rin si Clyde sa balita kaya kumuha rin ito ng candy mula sa garapon at isinubo. "Ano ang gust niyong mangyari sa cake? Prepared na kasi lahat-lahat."
Gusto niyang umiyak nang maalala ang six foot wedding cake na may temang Lord of the Rings. Excited pa naman siya kasi ito ang highlight sa kasal. "Kung gusto mong ibenta ay pwede rin para naman magamit niyo ang pera. Pwede ring i-donate niyo sa charity. Tawagan mo na rin ang caterer na ipamahagi ang pagkain sa kung saan nila gusto. Sayang din naman."
"Car, maiintindihan namin kahit ano ang gusto niyong gawin sa mga orders niyo po," mahinahong sabi ni Clyde.
Nanigas ang mukha ni Carla nang maalala ang oras at effort ng mga tao para sa happiest day of her life sana. "Ayokong itapon ang mga finished products. Pinaghirapan niyong gawin iyan at maganda talaga ang mga gawa niyo. It's just so unfortunate na ganito ang mga nangyari."
Nag discuss pa sila ng kung anu-anong pwedeng gawin sa flowers, kung paano tawagan ang simbahan, ang resort para sa venue, ang hotel kung saan mag stay ang bisita, kung paano i-contact ang family, friends, former co-workers, mga ninong at ninang at i-announce sa kanila na hindi matutuloy ang kasal. Ipapa-refund pa niya ang mga tickets sa mga bisitang naka book na ng flight.
"Alam mo Clyde, okay lang sana siguro kung nakipag break siya sa'kin pero sana hindi sa ganitong paraan," mahinang sabi niya. "Ako nga ang naiwan, ako pa ang haharap sa mga tao at linisin ang kalat na ginawa niya."
Akala ni Carla na mahirap paghandaan ang kasal. Hindi niya akalaing mas mahirap pala i-cancel ang kasal kung nakahanda na ang lahat.
Matamlay na umuwi siya ng bahay at nadatnan ang kaniyang inang umiiyak. Kumurot ang kaniyang dibdib kasi alam niya na nasasaktan ito para sa kaniya. Ayaw ng nanay niya na matulad siya rito – iniwan nung mabuntis.
Single mom ang ina niya at ni minsan hindi niya nakita ang ama o ang pamilya nito. Pagod na rin siyang magtanong kasi nakikita niyang nasasaktan pa rin ang ina kahit papaano sa tuwing babanggitin niya ang tungkol sa ama. Kaya nahihiya siya kasi gumuho ang desire nitong makita siyang lumakad sa simbahan.
"Anak, magpahinga ka muna. Anong gusto mong kainin?" tanong nito. Dali-dali itong nagpunas ng mga luha at kinuha ang shoulder bag niya.
"Saan na sila?" Tukoy niya sa mga relatives na naki-stay sa kanila para sa kasal.
Kaninang umaga lang, napakaingay ng bahay sa excitement. Masaya ang buong angkan para sa kaniya kasi ikakasal na ang eldest na babaeng apo sa side ng nanay niya. Pero umuwi siyang tahimik ang paligid.
"Ahhh. They decided to stay out muna," ingat na sabi nito.
Alam niya ang dahilan - ayaw nilang makita siyang nasa pinaka-vulnerable state. Nagpasalamat din siya sa ginawa ng mga ito kasi hindi rin niya kayang mag break down sa harapan nila.
"Busog pa po ako, Nay," tipid niyang sagot. "Papahinga muna ako at may pupuntahan pa kami ni Clyde bukas para i-contact 'yong mga hindi namin na-cancel today."
Hinalikan niya ang noo ng ina bago pumasok sa kaniyang silid. Humiga siya sa kama at napatingin sa ceiling. Blangko. 'Yan ang salitang gustong bumalot sa kaniya ng mga sandaling 'yon kahit na tahimik na dumadaloy ang mga luha niya.
Pero tila ilap ang salitang emptiness lalo na't naalala niya ang mga sinabi ng kaniyang ex-fiance kaninang hapon. Alas tres kwarenta y dos – nakatatak pa rin ang eksaktong oras nang umiiyak itong kausapin siya sa loob ng kotse.
"I'm very sorry. I did not mean it. It just happened. Nagkita kami ni Ruby sa Cebu and – " Pulang mga matang humarap ito sa kaniya. Halatang matagal itong umiyak. "We're going to elope."
Uso pa ba ang tanan sa panahon ngayon? Gusto niyang itanong dito. At humihingi ba ng pahintulot kapag nagtatanan?
Si Ruby ang ex-girlfriend ni Aron.
Kaklase ni Aron ang babae sa college noong sa Cebu ang mga ito nag-aral. Ang sabi ng lalaki, si Ruby daw ang first na babae na nagpakatino sa pagiging player nito. Hindi naman sinabi ng lalaki sa kaniya kung bakit naghiwalay ito at si Ruby. Since wala rin naman siyang nakitang lingering feelings ni Aron para kay Ruby kaya she didn't mind about his past relationship at all.
And now? Hindi niya akalaing matatapos ang dalawang taong relasyon nila sa loob ng kotse ng lalaki.
Hindi niya mawari kung ano ang dapat niyang maramdaman sa mga oras na 'yon pero sinubukan pa rin niyang maging neutral ang boses. "It did not just occur in an instant you know – you let it happen Aron. What do you want now?"
"I want to elope with her. No – I'm scared about what's going to happen with you – with us." Napasinghot ang lalaki. "I d-don't know! Maybe I need time to think about this."
Namilog ang mga mata niya. "Time? Bukas na ang kasal natin, Aron!"
Nanginginig ang mga kamay ng lalaki na napahawak sa manubela. "Can we postpone it for a while and then move it to later dates? I mean – this is all the favor I want to ask from you, Carla. A cool off, a space..."
Cool off? Space? Pwede pa ba 'yon lalo na't bukas na ang kasal nila? Baka gusto nito na kapag hindi successful ang pagtatanan nila ni Ruby ay babalikan siya nito? Baka akala nito na aso siya na maghihintay kung kailan babalikan ng amo?
She sighed. "Let's cancel the wedding, Aron. Let's end this right now."
Hinawakan siya nito sa braso at napaatras siya sa gulat. Pero hindi namalayan ng lalaki ang kanyang reaction at nagpatuloy itong makiusap sa kaniya." I'm not asking you to end our relationship..."
Tama ang kaniyang hinala.
"It's a practical decision, Aron. You can think without any strings attached." She pushed his arm away, combed her hair with her fingers as if it would made her better. "I'd better go and talk with the wedding planner about this decision. Goodbye."
"Carla..."
Akala siguro ni Aron na wala siyang emosyon at hindi siya nasasaktan sa mga sandaling 'yon. Hindi alam ng lalaki na sa bawat pag apak ng paa niya sa lupa ay parang may punyal na sumasaksak sa puso niya sa sobrang kahihiyan at sama ng loob.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro