Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

KAPAG UMIBIG ANG PUSO

Umalis agad ako pagkatapos sabihin ni Ejay sa akin iyon. Nasaktan ako ng sobra alam ko sa sarili ko na nagpakatotoo ako kay Jea at hindi ko siya ginagamit. Gusto ko lang malaman ang totoo tungkol sa kanila ni Ejay. Buong araw kong iniwasan si Jea hindi ko alam ang gagawin ko.

Mia : "Hindi kami makapaniwala na sa sabihin ni Ejay iyon sayo"
Elly : "Bakit hindi ka sumagot sa kanya?"
Kia : "Pinagtanggol mo na nga si Jea tapos ikaw pa ngayon ang manggagamit"
Mia : "Sino kaya ang nagsabi nito kay Ejay?"
Elly : "Ang mga chismosa baka gusto ka niyang gantihan Avie sa pagtatanggol mo kay Jea"
Kia : "Gusto nilang sirain ang pagkakaibigan na meron kayo ni Jea"
Mia : "Kaya naman gumagawa sila ng chismis"

Tumahimik na lamang ako nag iisip kung ano ang gagawin. May meeting na magaganap sa eco savior kaya kailangan kong pumunta. Iiwas na lamang siguro ako kay Ejay. Pagdating ko sa office nakita ko si Ejay at Jea nag uusap. Tiningnan ko sila pero hindi ko kinaya niyakap ni Ejay ng mahigpit si Jea. Parang sasabog ang puso ko sa nakita ko kaya agad akong tumakbo palayo.

Avie : "Ayoko na kay Ejay nasasaktan na ako"
Mia : "Ganyan talaga pag nagmamahal"
Kia : "Crush is paghanga pero nasaktan ka na  love na iyan"
Avie : "Bakit kasi sa kanya pa umibig ang puso?"
Elly : "Kung pwede lang pagsabihan ang puso kaso mahirap"
Kia : "Kailangan mo lang tanggapin ang totoo"
Mia : "Ipakita mo rin na hindi ka affected"

Hindi ako makatulog dahil sa nangyari hanggang ngayon kasi naaalala ko pa rin ang sinabi ni Ejay at ang nakita kong yakapan nila sa office. Binuhos ko lahat ng sakit sa diary notebook ko. Kahit na nasasaktan ay tuloy parin ang buhay. Patuloy kong iniiwasan si Ejay sa school.

Jea : "Are you okay Avie?"
Avie : "Okay lang ako"
Jea : "I'm sorry to what happen sinabi na sa akin ni Ejay lahat. Alam ko na hindi mo ako ginamit at alam ko rin na totoo ka sa akin bilang kaibigan"
Avie : "Sorry din kung iniiwasan kita"
Jea : "Okay lang Avie naiintindihan ko kasi kung ako ang nasa kalagayan mo magagalit din ako. Pwede na ba tayong maging friends ulit?"
Avie : "Sure Jea"

Bumalik na ang lahat sa dati sa aming dalawa ni Jea. Nagpapansinan na kaming dalawa at sinasamahan ko na siya parati. Hindi maiiwasan na makita ko si Ejay sa school kaya naman ako na ang umiiwas para hindi na ako masaktan pa.

Uwian na pero naisipan ko na hindi muna umuwi sa bahay. Naiwan ako sa room ng mag isa. Nagbabasa ako ng mga libro ng biglang magsara ang pinto ng room. Kinilabutan ako kaya tumuyo ako para buksan ang pinto. Nagulat ako ng pagbukas ko sa pinto ay naroon si Ejay.

Ejay : "Hi! Hindi ka pa uuwi?"
Avie : "Pauwi na"
Ejay : "Galit ka ba sa akin?"
Avie : "Medyo kasi naniwala ka kaagad sa sinasabi ng iba. Hindi mo man lang pinakinggan ang sa sabihin ko."
Ejay : "Sorry hindi ko sinasadyang sabihin sayo iyon. Nabigla lang din ako sa nangyari"
Avie : "Okay lang basta huwag mo ng uulutin"
Ejay : "Hindi ko na uulutin pangako. Sabay na tayong umuwi"

Kumakabog na naman ang puso ko kay Ejay. Madaling masaktan pero madali ring magpatawad. Habang naglalakad ay nag usap kami tungkol sa organization meeting.

Ejay : "Bakit hindi ka pumunta sa meeting?"
Avie : "Marami kasi akong ginagawa sa bahay kailangan kong umuwi ng maaga"
Ejay : "Magkakaroon tayo ng outing"
Avie : "Kailangan ko pang magpaalam sa parents ko baka hindi sila pumayag"
Ejay : "Sana pumayag sila kasi masaya iyon"
Avie : "Kailangan ko ng sumakay"
Ejay : "Sige Avie mag iingat ka"
Avie : "Ikaw rin Ejay"
Ejay : "Sorry ulit!"

Kinikilig ako sa nangyari gusto kong magtuloy tuloy na ang pagkakaibigan namin. Bago ko sabihin kay mama na may outing kasi sa school ay naglinis muna ako sa buong bahay. Lahat ng utos nila sinusunod ko para payagan nila ako.

Avie : "Mama? May sasabihin ako sayo?"
Mama : "Ano iyon?"
Avie : "May outing kasi kami sa school gusto kong sumama"
Mama : "Kaya pala nilinis mo ang buong bahay"
Avie : "Papayag po ba kayo?"
Mama : "Pumapayag ako pero kailangan mong mag ingat"
Avie : "Salamat mama"

Pagdating ko sa school ay ibinalita ko sa mga kaibigan ko ang nangyari sa amin ni Ejay. Pagkatapos ay pumunta ako sa eco savior office para magpa register na sasama ako sa outing. Inspired ako na pumasok sa klase at mag take ng exams.

Kia : "Ang saya mo yata ngayon Avie?"
Avie : "Kasi mataas ang scores ko sa exam"
Elly : "Dahil din kay Ejay"
Mia : "Si Ejay ang strength and weakness mo"
Avie : "Nasaktan man ako atleast naging masaya ulit ako ngayon"

Nagprepare na ako ng mga gamit na dadalhin ko sa outing. Excited na ako iniisip ko kung ano kaya ang mga mangyayari. Sa wakas ay makakasama ko si Ejay sa outing. Sana ay mas lalo pa kaming mapalapit sa isat isa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro