Chapter 7
KAPAG UMIBIG ANG PUSO
Tinititigan ko si Jea maraming lumalapit sa kanya para magpakilala. Nasa kanya na lahat ng mga katangian na hinahanap ng isang lalaki. Hindi ako makakapayag na wala akong gagawin. Kailangan kong mapalapit kay Jea para malaman ko ang totoo.
Avie : "Hi! I'm Avie your Jea right?"
Jea : "Yes! I'm Jea nice to see you"
Avie : "Pwedeng bang makipag kaibigan?"
Jea : "Sure! No problem"
Nag umpisa kaming mag usap at kilalanin ang isat isa. Sinasamahan namin si Jea kahit saan niya gustong magpunta. Sabay kaming kumain ng lunch at pati sa pag uwi. Sa katunayan masaya siyang kasama at higit sa lahat napakabait niya. Maaga akong dumating sa room ng may narinig akong nag uusap napahinto ako at pinakinggan ko sila.
Lovely : "Alam mo ba na si Jea ay bestfriend ni Ejay na naging girlfriend niya for 6 months."
Blanche : "Ayoko sa mga babaeng gaya niya"
Evelyn : "Tumahimik na kayo andiyan na yung isa sa friend ni Jea."
Wala na silang ibang topic kung di si Jea. Naawa na ako kay Jea kasi kung ano na lang ang pinagsasabi nila tungkol dito. Kaya kinausap ko ang mga kaibigan ko tungkol dito.
Kia : "Avie? Si Jea ba yung babaeng nakita mo na kasama ni Ejay sa mall?"
Avie : "Oo siya nga"
Mia : "Ano ng plano natin ngayon?"
Avie : "Gusto kong malaman ang totoo mula kay Jea. Mas maniniwala ako sa kanya kaysa sa mga tsismosang classmate natin."
Kitang kita ko na magkasabay pumasok si Ejay at Jea masayang masaya sila habang nag uusap. Hindi kaya ng puso ko na tingnan silang dalawa. Kaya naman hinintay ko si Jea na makapasok sa room.
Avie : "Hi Jea! Kakaiba ang ngiti mo"
Jea : "Hello Avie! Mamaya sabay tayong mag lunch. May ipapakilala ako sayo"
Kinakabahan na ako sa sinabi ni Jea. Sino kaya ang ipapakilala niya sa akin? Sana si Ejay pero ayaw ko naman mag third wheel sa kanila. Lunch time na magkasama kami ni Jea sa canteen ng biglang dumating si Ejay. Napakagwapo talaga niya sa malapitan.
Jea : "Ejay! I want you to meet my friend"
Ejay : "Matagal ko na siyang kilala"
Avie : "Magkasama kasi kami sa eco savior organization"
Jea : "That's great! I'm a new member also"
Avie : "Talaga?"
Ejay : "Kinuha siya ni Ms. Villa"
Jea : "Kaya makakasama nyo na rin ako"
Kahit hindi nila sabihin sa akin nararamdaman ko na mahal pa nila ang isat isa. Ang dami nilang pinag usapang dalawa habang ako tahimik na nakatingin lang sa kanila.
Jea : "Kanina ka pa tahimik sa canteen Avie"
Avie : "Hindi kasi ako nakakarelate sa inyo"
Jea : "Alam mo Avie ganyan talaga kami ni Ejay mag usap"
Avie : "Can I ask you a question?"
Jea : "Ano bang tanong mo?"
Avie : "Nililigawan ka ba ni Ejay?"
Jea : "You will know it soon"
Bakit hindi na lamang niya sabihin sa akin ang totoo? Ano ba talagang meron sa kanila ni Ejay? Masakit pala kapag ang crush mo may kasamang iba. Lahat ng gusto kong sabihin ay nilagay ko sa diary notebook ko.
Narinig ko na naman na pinag uusapan ng mga classmate kong chismosa si Jea. Kaya lumapit na ako sa kanila at kinausap ko sila para ng sa ganoon matigil na maling balita tungkol kay Jea.
Blanche : "Ang landi talaga ni Jea"
Lovely : "Inaakit niya si Ejay"
Evelyn : "Gusto niya kasing magkabalikan sila"
Avie : "Hindi naman ganyan si Jea"
Lovely : "Yun ang akala mo"
Avie : "Mag bestfriend si Jea at Ejay"
Evelyn : "Bakit mo ba pinagtatanggol si Jea?"
Avie : "Kasi iba siya sa inaakala ninyo mabait si Jea at masasabi kong swerte si Ejay sa kanya."
Natahimik sila sa sinabi ko pero bakit ako nasasaktan? Hindi ko maintindihan ang puso ko. Sa tuwing nakikita ko naman si Ejay nagiging masaya ako pero pagkasama niya si Jea nagseselos naman ako. Marami akong nalaman kay Jea pero mas pinili ko na lang paniwalaan na mag bestfriend lang talaga ang turing nila sa isat isa.
Avie : "Okay ka lang?"
Jea : "Actually I'm not okay but I just want to say na thank you na pinagtanggol mo ako"
Avie : "Kanino mo nalaman?"
Jea : "They already confronted me and ask about Ejay. I tell them the truth"
Avie : "Anong sinabi nila?"
Jea : "Nag apologized sila sa akin"
Avie : "Ano ba talaga kayo ni Ejay?"
Jea : "Bestfriend kaming dalawa noong elementary. Grade 6 ng magkarelasyon kami ni Ejay pero 6 months lang. Now we're trying to fix our friendship"
Avie : "Mas mahalaga talaga ang friendship"
Natapos din sa wakas nalaman ko mismo sa kanya na bestfriend lang talaga sila ni Ejay. Natutuwa naman ako na nakikita si Ejay na masaya. Naglalakad ako sa pathway ng makita ko si Ejay lumapit siya sa akin.
Ejay : "Totoo ba ang narinig ko na ginagamit mo lang si Jea? Please! Ituring mo siyang kaibigan maging totoo ka naman sa kanya. Kasi kapag totoong ginamit mo lang siya ako na mismo ang makakalaban mo."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro