Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 41

KAPAG UMIBIG ANG PUSO

AVIE'S POV

Ang hirap talagang kalimutan at pakawalan ng  taong kahit hindi naman naging kami pero siya iyong nagbibigay kasiyahan at bumubuo ng araw ko. Wala na akong magagawa kong ayaw na ni Ejay sa akin. Naguguluhan na ako kung kailangan ko pa bang iwasan si Ejay o hindi.

Jea : "Okay ka lang Avie?"
Avie : "Oo naman"
Rio : "Magbati na kayo ni Ejay"
Avie : "Hindi ko pa kaya"
Jea : "Mahal mo pa ba siya?"
Avie : "Ilang beses na akong nasaktan"
Rio : "Susuko ka na ba?"
Avie : "Ayaw ko na pagod na ako"
Jea : "Paano ang puso mo?"
Avie : "Makakalimutan ko din si Ejay"

Naiinis ako kay Ejay kasi hindi man lang niya ako nilapitan para kausapin. Galit ba siya sa akin? Bakit naman kasi pagkatapos kong magtapat na mahal ko pa rin siya ay bigla na lang akong umalis? Masyado naman akong halata na affected ako sa mga nangyayari. Nasaktan lang ako pero hindi ko kayang mapanindigan ang sinabi ko na iiwasan ko na si Ejay.

Avie : "Hindi ko kayang iwasan siya"
Kia : "Iyan na nga iyong sinasabi ko"
Elly : "Kahit ilang beses kang masaktan"
Mia : "Bumabalik ka pa rin kay Ejay"
Kia : "Kasi umiibig pa ang puso mo"
Avie : "Anong kailangan kong gawin?"
Mia : "Kausapin mo si Ejay ulit"

Madaling sabihin pero bakit ang hirap gawin. Sinubukan kong lumapit pero hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Kaya kailangan kong makaisip ng paraan para makausap ko ulit siya. Nagpatulong ako sa mga kaibigan ni Ejay.

Avie : "Gusto kong kausapin si Ejay"
Vince : "Tutulungan ka namin"
Nicko : "May naisip na ako na paraan"

Naghintay ako ng matagal sa labas ng school pero walang Ejay na nagpakita sa akin. Naiinis na ako kasi bumabalik na naman siya sa dati. Ano bang nangyayari sa amin? Kasalanan ko ito kaya dapat lang pagdusahan ko. Nakita ko ang mga kaibigan ni Ejay na papalapit sa akin.

Jaypee : "Sorry Avie"
Nicko : "Pinilit namin si Ejay"
Vince : "Ayaw niyang pumunta"
Avie : "Ano namang dahilan niya?"
Nicko : "May gagawin pa kasi siya"

Hindi ibig sabihin na gusto kong makipagkita kay Ejay ay nakalimutan ko na ang ginawa niya. Ako na nga ang gumagawa ng paraan para maging maayos ang lahat sa amin. Hindi ko na talaga kaya kailangan malaman niya ang lahat ng sakit na nadarama ko.

Avie : "Bakit hindi ka pumunta?"
Ejay : "Sorry may inaasekaso kasi ako"
Avie : "Hindi ako naniniwala sayo"
Ejay : "Anong ibig mong sabihin?"
Avie : "Bakit mo rin ako iniiwasan?"
Ejay : "Kasi hindi mo ako pinapansin"
Avie : "Kaya ako umalis ng walang pa sabi kasi nasaktan ako Ejay"
Ejay : "Sorry kung nasaktan kita"
Avie : "Hindi ko matanggap ang katotohanan na hindi mo ako mahal"
Ejay : "Gusto mong malaman ang totoo? Mahal din kita Avie"

Mahal ako ni Ejay? Totoo ba itong naririnig ko mula sa kanya o kaya panaginip lang ang lahat ng ito?
Ang lalaking unang nagpatibok ng puso ko ay mahal pala ako. Maraming tanong ang bumubuo sa isip ko na gusto kong mabigyan ng kasagutan galing sa kanya.

Avie : "Kung mahal mo ako bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?"
Ejay : "Hindi pa ako handang malaman mo ang totoo kong nararamdaman"
Avie : "Ang tagal kong hinintay ang pagkakataon na mangyari ito Ejay"
Ejay : "Handa ka na bang maging totohanan ang lahat sa atin?"
Avie : "Mahal na mahal kita"

Mahirap man na paniwalaan pero nangyari na ang isang bagay na matagal ko ng pinapangarap na mangyari. Madalas ko ng kasama si Ejay at  makakwentuhan. Alam na ng mga kaibigan namin ang lahat. Sinusuportahan nila kami sa kung saan kami masaya.

Rio : "Masaya ako para sa inyo"
Avie : "Salamat Rio dahil andiyan ka parati sa tabi ko sinusuportahan mo kami"
Rio : "Sana maging official kayo"
Avie : "Masaya na ako kasi alam ko na may nararamdaman din siya sa akin"
Rio : "Kahit anong mangyari tandaan mo na andito lang kami para sayo"
Avie : "Your such a good friend"

Kahit hindi pa naging official ang lahat pero masaya na rin ako. Kasi pareho kami ng may nararamdaman ni Ejay sa isat isa. Ano kaya ang feeling kapag naging boyfriend mo na ang crush mo? Naisip ko paano kaya kung masasaktan ulit ako kay Ejay?

Mia : "Hindi pa official pero ang sweet niyo ng dalawa ni Ejay"
Avie : "Kaya nga sobrang saya ko"
Elly : "Ang pinapangarap mo nangyari na. Sana hindi ka na masaktan"
Avie : "Paano kung panandalian lang pala ang lahat ng ito sa amin?"
Kia : "Love is about acceptance"
Elly : "Kung sakaling hindi man maging kayo sana'y tanggapin mo na lang ang katotohanan. Maging sayang ka na lang para sa kanya"
Mia : "Kahit na masakit mawawala din iyan kung matatanggap mo ang lahat"

Kailangan kong tanggapin ang katotohanan kung sakaling masaktan man ulit ako kay Ejay. Kasi nagmahal ako dapat handa akong masaktan. Hindi ko rin dapat ipilit ang sarili ko na mahalin ako ni Ejay. Kasi darating din iyan kung marunong lamang tayong maghintay.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro