Chapter 37
KAPAG UMIBIG ANG PUSO
Sana ngayong pasko ay maalala mo pa rin ako. Hinahanap hanap pag ibig mo. Ang sarap pakinggan ng kanta habang kumakain kasama ang pamilya. Christmas is the time to expend with your family. Masaya ako kasi kompleto ang pamilya ko. Iniisip ko kung masaya ba ang christmas nila Ejay? Kahit hindi kompleto ang pamilya niya.
Bagong taon na naman ano kaya ang mangyayari sa buhay ko? Sana naman maging masaya ang lahat. Ilang araw ang lumipas at balik na naman kami sa pag aaral. Excited ako para sa bagong taon habang naglalakad ako sa daan sa pathway ng school ay nakasalubong ko ang mga dating kaklase ko.
Evelyn : "Hello you look so fresh"
Avie : "Thanks kayo din"
Blanch : "Hindi tayo magkatulad"
Avie : "Anong ibig mong sabihin?"
Lovely : "May nabalitaan kami"
Avie : "Ano naman iyon?"
Evelyn : "Ang landi mo"
Avie : "Ako malandi? Paano?"
Lovely : "Kunwari walang alam"
Avie : "Anong pinagsasabi nyo?"
Blanch : "Malalaman mo rin"
Lovely : "Let's go girls"
Paano nila nasabing malandi ako? Hindi naman ako sumasama sa kahit sinong lalaki. Naiinis na talaga ako sa mga chismosang iyon. Lahat na lang ginagawan ng chismis sa susunod hindi ko na talaga sila papansinin. Malungkot ako pero biglang sumaya ang puso ko ng makita ko ulit si Ejay.
Ejay : "Hi Avie! Malungkot ka ba?"
Avie : "Hello! Hindi ako malungkot"
Ejay : "Bakit ka nakasimangot?"
Avie : "Kasi may narinig ako na hindi maganda tungkol sa akin"
Ejay : "Huwag mo silang pakinggan"
Avie : "Anong gagawin ko?"
Ejay : "Iwasan mo sila kung sa tingin mo hindi naman sila importante sa iyo"
Avie : "Salamat Ejay"
Ejay : "Mag smile ka na ulit"
Bakit ba napalitan agad ang lungkot ko ng kasiyahan? Tinitigan ko si Ejay at napakagwapo pa rin niya. Minamahal parin siya ng puso ko hanggang ngayon. Isang masayang Rio ang sumalubong sa akin. Napansin ko na may babaeng nakatingin palagi sa akin. Sino kaya siya at bakit niya ako tinitingnan?
Rio : "Sinong tinitingnan mo?"
Avie : "May babae kasing kanina lang nakatingin sa akin sa labas ng room"
Rio : "Kilala mo ba?"
Avie : "Hindi kasi nasa malayo siya"
Rio : "Alam mo gutom lang iyan may pasalubong ako sa iyong chocolates"
Avie : "Salamat Rio"
Kumain kami ng mga kaibigan ko habang masayang nag uusap sa canteen. Pumasok ang mga chismosa tiningnan ko sila at nakatingin sila sa akin. Naalala ko ang sinabi ni Ejay sa akin na huwag ko na silang pansinin. Ikinuwento ko sa mga kaibigan ko ang nangyari at nagalit sila.
Kahit saan ako magpunta ay andiyan ang mga magkakaibigan na chismosa. Minamasdan nila ang bawat kilos ko kahit na anong gawin ko. Ano ba ang problema nila sa akin? Nag uusap kami ni Jea ng bigla silang lumapit sa amin.
Blanch : "Pwede bang sumali?"
Jea : "Ano bang pag uusapan natin?"
Lovely : "Ang tungkol sa kalandian ni Avie. Ano ang feeling mo ngayon?"
Avie : "Hindi ako malandi at hindi ko kasalanan kung may mga kaibigan akong lalaki. Palibhasa kayo wala kasi iyan lang ang alam ninyong gawin ang manira ng kapwa ninyo"
Evelyn : "How dare you?"
Jea : "Kung nandito kayo para makipag away mabuti pa ang umalis na lang kayo. Kasi wala kayong lugar dito"
Lovely : "Kayo ang umalis tingnan lang natin ang tapang ninyo"
Galit ang mga kaibigan ko ng sinabi ni Jea ang buong nangyari. Gusto nila itong sugurin pero pinigilan ko sila. Alam kong hindi nila ako titigilan kaya dapat handa ako sa kanila. Pauwi na ako ng may isang babae ang biglang lumapit sa akin.
Andrea : "Ikaw ba si Avie?"
Avie : "Namumukhaan kita ikaw yung babaeng kausap ni Rio"
Andrea : "Nasaan si Rio?"
Avie : "Umalis na kanina lang"
Andrea : "Kayo na ba?"
Avie : "Magkaibigan lang kami"
Andrea : "May magkaibigan ba na nagyayakapan? Hinahatid pauwi at sabay kumakain. Alam ko lahat tungkol sa iyo Avie"
Avie : "Kung ano man iyang iniisip mo nagkakamali ka wala kaming relasyon"
Andrea : "Kung nagawa mong lokohin lahat. Huwag ako Avie hindi mo ako kilala"
Kailangan kong malaman kung sino Andrea sa buhay ni Rio? Kaya nagpatulong ako sa aking mga kaibigan na malaman ang totoo. Madalas ko rin kausapin si Rio tungkol sa kanyang nakaraan pero wala siyang naikwento tungkol kay Andrea.
Avie : "Nagkaroon ka na ba ng girlfriend? Sa dami ng may crush sayo"
Rio : "Hindi ko na consider na relationship kasi ilang weeks lang kami"
Avie : "Anong pangalan niya?"
Rio : "Nakalimutan ko na Avie. Bakit mo ba naitanong? May gusto ka bang malaman?"
Avie : "Sino si Andrea?"
Rio : "Classmate ko noong 1st year"
Avie : "May relasyon ba kayo dati? Ano ba ang meron sa inyo?"
Rio : "Bakit mo tinatanong? Bakit mo kilala si Andrea? May sinabi ba siya sayo?"
Avie : "Kinausap kasi niya ako nagtatanong siya tungkol sayo"
Rio : "Ang totoo girlfriend ko si Andrea umabot kami ng isang buwan. Minahal ko siya ng sobra pero iniwan niya ako at pinagpalit sa iba. Ngayon gusto niya muling makipagbalikan sa akin"
Rio : "Naiintindihan kita Rio kasi mahirap naman talaga ang magmahal sa taong hindi ka kayang mahalin"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro