Chapter 34
KAPAG UMIBIG ANG PUSO
Ang bilis ng mga araw natapos na ang semester break at nagbunutan na kami para sa christmas party. Hindi ko muna tiningnan ko sino ang nabunot ko. Masyado pa akong busy sa pagtulong sa eco savior. Pumunta kami sa bahay ampunan para magkaroon ng feeding program para sa mga bata.
Rio : "Sino iyong nabunot mo?"
Avie : "Hindi ko pa alam"
Rio : "Okay ka lang ba?"
Avie : "Oo naman"
Ejay : "Andiyan lang pala kayo"
Rio : "Hinahanap mo ba kami?"
Ejay : "Sabay na tayong mag lunch"
Rio : "Sige Ejay"
Kumain kami ng lunch kasama ko si Ejay at Rio. Hinati kasi ang mga gawain sa organization. Tahimik lamang akong nakikinig sa usapan nila. Bakit madalas mag usap si Ejay at Rio? Dati naman hindi sila ganyan.
Rio : "Bakit ka tahimik?"
Avie : "Kasi napagod ako"
Ejay : "Magpahinga ka"
Avie : "Paano ang feeding?"
Rio : "Kami ng bahala"
Feeling ko magkakasakit ako kasi masama ang pakiramdam ko. Pag uwi ko sa bahay ay natulog kaagad ako. Kinabukasan pumasok ako kahit na may lagnat ako. Kaya ko pa naman hanggang sa bigla na lang akong nahilo mabuti na lang at tapos na ang klase.
Rio : "Okay ka lang Avie?"
Avie : "Nahihilo ako"
Rio : "Dalhin na kita"
Avie : "Huwag na"
Rio : "Tatawagin ko muna ang mga kaibigan mo. Tapos bibili lang ako ng gamot"
Umalis kaagad si Rio hindi nagtagal ay dumating si Mia at Elly. Sinamahan ni Kia si Rio na bumili ng gamot. Pinahiga nila ako sa room at pinatulog saglit. Gigisingin na lang nila ako pagdating ni Rio. Ang tagal dumating ni Rio nakita ko na may papalapit sa akin.
Ejay : "Inomin mo Avie"
Avie : "Salamat Ejay"
Ejay : "Ihahatid kita sa inyo"
Avie : "Huwag na kaya ko"
Ejay : "Hindi mo kaya"
Pagdating ni Rio sa room ay hinatid nila ako kaagad sa bahay kasama ng mga kaibigan ko. Bumuti na ang pakiramdam ko sa gamot na ipinainom ni Ejay sa akin. Naalala ko noong may sakit si Ejay na binigyan ko siya ng gamot.
Mama : "May lagnat ka na pala tapos pumasok ka pa. Mabuti na lang may naghatid sayo"
Avie : "Okay na po ako"
Mama : "Huwag ka munang pumasok at kailangan mong makapagpahinga"
Avie : "Sige po"
Nagpahinga ako buong araw nakakalungkot sa bahay walang tao. Nagulat ako ng may biglang kumatok sa pinto. Nakita ko si Rio na may dalang pagkain. Ano kayang ginagawa niya dito sa bahay? Walang ibang kasama si Rio.
Avie : "Anong ginagawa mo dito?"
Rio : "Binibisita ka"
Avie : "Anong ginawa niyo?"
Rio : "Discussion na naman"
Avie : "Salamat pala Rio"
Rio : "Basta ikaw ayos lang"
Matagal kaming nag usap ni Rio sa bahay. Hindi namin namamalayan na gabi na pala kaya kailangan na rin niya ang umuwi na. Ayaw ko rin na makita siya ni mama sa bahay baka ano ng isipin niya.
Rio : "Aalis na ako"
Avie : "Mag dinner ka muna"
Rio : "Sa bahay na lang"
Avie : "Salamat sa pagpunta Rio"
Rio : "Sige! Mauna na ako"
Avie : Okay mag iingat ka"
Sino kaya ang nabunot ko sa christmas party? Kaya tiningnan ko at hindi ako makapaniwala na si Ejay ang nabunot ko. Ano kaya ang ibibigay ko sa kanya? Sa wakas ay bumuti na ang pakiramdam ko. Makakapasok na rin ako sa klase.
Elly : "Okay ka na Avie?"
Avie : "Oo naman"
Mia : "Nagtanong sa amin si Ejay kung kumusta na ba ang kalagayan mo"
Avie : "Sigurado ba kayo?"
Kia : "Concern siya sayo"
Elly : "Nagbago na talaga si Ejay"
Avie : "Sana nga totoo"
Paano kaya ako makakabawi sa ginawa ni Ejay sa akin? Kahit nasaktan niya ako pero masaya pa rin ako kasi alam kong bumabawi na siya sa akin. Nag iisip ako ng mga possibleng pangregalo ko kay Ejay. Nakita ko siya na papalapit sa akin.
Ejay : "Okay ka na ba?"
Avie : "Siguro"
Ejay : "Alam mo kung masama pa rin ang pakiramdam mo huwag ka ng pumasok"
Avie : "Salamat sa tulong mo"
Ejay : "Kay Rio ka magpasalamat"
Avie : "Sige Ejay"
Napag usapan sa eco savior na wala munang magaganap na christmas party. Ang perang natira sa organization ay ilalaan na lamang bilang pondo para sa valentines week. Sumang ayon naman ang lahat sa meeting na nangyari"
Vince : "Sayang wala ng party"
Jea : "Ang dami kasi nating gastos"
Ejay : "Kaya kailangan lang magtipid"
Rio : "May valentines week pa naman"
Nicko : "Diyan na lang tayo bumawi"
Avie : "Okay na rin ang ganito"
Kasama ang mga kaibigan ko ay inumpisahan na namin ang paghahanap ng pangregalo sa mall. Nilibot namin lahat para makahanap ng magandang ipangregalo. Matapos kong mamili ay kumain muna kami sa restaurant ng mall.
Avie : "May naaalala ako"
Mia : "Ano iyon Avie?"
Avie : "Dito kami kumain kasama si Ejay ng araw din na iyon nagalit siya sa amin dahil alam na niya ang totoo"
Elly : "Huwag na tayo dito"
Avie : "Okay nako"
Kia : "Sigurado ka?"
Avie : "Kailangan ko ng kalimutan ang mga masasakit na nakaraan"
Mia : "Okay na ang lahat magkaibigan na kayo ulit ni Ejay kaya wala ng problema"
Elly : "Ang tanong mahal mo pa ba si Ejay or si Rio na ang mahal mo?"
Avie : "Secret"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro