Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 30

KAPAG UMIBIG ANG PUSO

EJAY'S POV

Bakit kaya parating magkasama si Avie at Rio? Gusto kong tanungin si Jea pero nahihiya ako. May relasyon na kaya silang dalawa? Kung tutuusin maraming nagkakagusto kay Rio dahil sa gwapong itsura niya. Hindi malabong isa na si Avie doon.

Jea : "May hindi ka sinasabi sa akin. Kasama mo pala si Rio at Avie na nagsnack"
Ejay : "Nagkataon lang iyon"
Jea : "Niyaya mo pa si Rio na maglaro ng basketball. I'm sure sasama si Avie.
Ejay : "Kaya nga sumama ka kasi nandoon si Avie. Para naman may makausap siya"
Jea : "So it means okay na ba kayo ni Avie? Hindi ka na ba nagtatampo sa kanya?"
Ejay : "Siguro! Tumahimik ka na Jea ang dami mong tanong"
Jea : "Iba talaga pag destiny"

Sa mismong araw ng birthday ko ay maaga akong nagising. Wala si mama kasi may business appointment siya. Binigyan lang niya ako ng pera panlibre sa mga kaibigan ko. Bumili ako ng pang snacks at pagkatapos ay pumunta ako sa plaza. Nakita ko si Avie bigla akong nahiya dahil sa mga nasabi kong masasakit na salita sa kanya.

Gusto ko ng kausapin si Avie pero nahihiya ako sa kanya. Mabuti na lang at dumating si Rio kaya pumunta na kami sa bahay. Nagulat ako sa supresa na cakes at balloons ng aking mga kaibigan. Masaya kaming naglaro ng basketball. Pagkatapos ay kumain at nagkwentuhan kami.

Vince : "Okay na ba kayo ni Avie?"
Ejay : "Inimbitahan ko siya it means okay na kami. Pero ayaw niya akong kausapin"
Jaypee : "Panahon na rin para magkabati kayong dalawa. Kalimutan nyo na ang mga nangyari"
Nicko : "Kausapin mo na si Avie"

Bakit hindi alam ni Avie ang birthday ko? Bakit wala siyang gift sa akin? Hindi na ba niya ako mahal?  Magkatabi kami sa room pero si Rio ang palagi niyang pinapansin at kinakausap. Kahit na busy ako sa mga gawain sa school ay napapansin ko pa rin ang panlalamig ni Avie sa akin.

Nagkaroon ng groupings sa room by three para sa project. Kasama ko sa group sina Rio at Avie. Nag volunteer ako na sa bahay na gumawa ng project. Unexpected kasi kababalik lang ni mama galing sa business appointment. Nakita niya si Avie at niyaya pa niya itong kumain kasabay namin. Napansin ko na malaki na ang pinagbago ni Avie.

Mama : "She's a nice girl"
Ejay : "What do you mean mama?"
Mama : "Kung magdadala ka ng babae dito sa bahay gusto ko kagaya ni Avie"
Ejay : "Focus muna ako sa pag aaral ko mama. Wala pa sa isip ko iyan"

Pinapansin ko si Avie sa room kahit muiiwas na siya sa akin. Niyaya ko siyang kumain kasama ang kaibigan ko pero ayaw niya. Basketball game bilang pag support ay nanuod ako. Nakita ko si Avie na pinapanuod niya si Rio. Pagkatapos ng laro ay nagulat ako ng biglang niyakap ni Rio si Avie.

Vince : "Bakit kaya niyakap ni Rio si Avie? Ano sa tingin nyo?"
Ejay : "Wala naman sigurong masama kasi mag kaibigan lang sila"
Nicko : "Sa ngayon magkaibigan pero paano bukas naman bukas?"
Jaypee : "Sa tingin ko may gusto si Rio kay Avie. Hindi na ako magtataka kung magkakaroon sila ng relasyon"

Bakit parati kong iniisip si Avie? Hindi naman ako dating ganito. Papasok na ko sa room ng marinig ko ang pag uusap ng mga kaibigan ni Avie. Birthday niya pala ngayon. Gusto kong mabigyan siya ng gift para makabawi man lang ako sa lahat ng sakit na nasabi ko sa kanya.

Ejay : "Birthday ni Avie"
Vince : "Really?"
Jea : "What's the plan?"
Nicko : "Bibili tayo ng gift"
Ejay : "Ako na ang bibili"
Jaypee : "Sige!"
Vince : "Kami na ang bibili sa cake"
Jea : "Surprised natin siya mamaya"

Inimbita ako ni Avie mag dinner kaya may rason na ako para maibigay ang gift. Nagmamadali akong pumunta sa mall para maibili si Avie ng special na regalo. Pagdating ko sa room ay nandoon na si Ma'am Codina. Mabuti na lang at nagkaroon lang ng botohan para sa maging representative sa room sa Ms. MLHS pagent.

Jea : "Nabili mo na ba?"
Ejay : "Tapos na"
Jea : "Sino binoto mo?"
Ejay : "Ikaw"
Jea : "Mas bet ko si Avie"
Ejay : "Bakit naman?"
Jea : "Feel ko lang"

Nagsinungaling ako kay Jea ang totoo si Avie ang binoto ko. Nahihiya akong sabihin ito kay Jea. Pagkatapos ng klase ay dumiretso na kami sa restaurant. Kung alam mo lang Avie na ako ang bumili ng gift nato para sayo. Pero hindi ko pwedeng aminin ang totoo baka hindi mo tanggapin. Dumating si Rio na may dalang flowers at gift.

Jea : "Ang sweet naman ni Rio"
Vince : "May flowers at gift pa"

Nakita ko sa mukha ni Avie na masaya siya. Kumain kami at masayang nag usapan. Gabi na pala kailangan na namin ang umuwi. Hinatid kami ni Rio may dala kasi siyang sasakyan. Sa matinding pagod ay nakatulog si Avie. Ginisang ko siya ng makarating kami sa bahay nila. Ako ang huling hinatid ni Rio kaya naglakas loob na akong magtanong sa kanya.

Ejay : "May gusto ka ba kay Avie?"
Rio : "Malalaman mo rin"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro