Chapter 3
KAPAG UMIBIG ANG PUSO
"The way to the man's heart is through his stomach". Kaya naman nag baked ako ng cookies para kay Ejay. Nilagay ko ito sa maliit na box na para lang talaga sa kanya. Maaga akong dumating sa school para mailagay ko agad sa upuan niya ang cookies. Pagkatapos ay pumunta na ako ng room.
Kia : "Avie! Sabay na tayong mag lunch"
Mia : "Sa canteen tayo kakain"
Elly : "Please sumabay kana sa amin"
Avie : "Okay!"
Kumain na kami sa canteen nakita ko si Ejay tinitingnan ko kung may dala ba siya na maliit na box pero hindi ko nakita. Habang kumakain ay tumitingin ako sa kanya.
Kia : "Nakatingin ka na naman kay Ejay"
Avie : "Huwag kayong maingay baka may makarinig sa atin"
Naisip kong gumawa ng love letter kasama ng cookies na ibibigay ko kay Ejay. Kaya nag effort akong gumawa ulit ng cookies nilagay ko sa loob ng box ang kasama ang letter. Sinabi ko kay Ejay na gusto kong makipag kaibigan sa kanya pero nihihiya ako. Ginagawa ko ito araw araw hindi ako napapagod na gawin ito para sa kanya.
Wala akong nabalitaan tungkol sa bigay kong cookies at letter kay Ejay. Dumaan ako para silipin ang box pero hindi ko na ito makita. Tinitingnan ko rin ang mga basurahan baka tinapon niya pero wala rin akong makita.
Kia : "Wala pa rin bang paramdam si crush?"
Avie : "Wala pa rin"
Elly : "Kumilos ka na Avie"
Avie : "Paano?"
Kapag gusto mo ang isang tao dapat malaman mo ang mga gusto at ayaw niya ng sa ganoon alam mo kung ano ang gagawin mo. Tinulungan ako ng mga kaibigan ko na makakuha ng impormasyon tungkol kay Ejay. Marami akong nalaman tungkol sa kanya.
Mia : "Kailangan na nating mag aral malapit na ang exams natin"
Avie : "Bakit sa library? Pwede naman siguro kung sa loob ng room na lang tayo magbasa"
Elly : "Tahimik kasi sa library"
Avie : "Kayo na lang pumasok sa library"
Kia : "Sigurado ka?"
Nakita ko na pumasok sa library si Ejay kasama ang mga kaibigan niya. Kaya sumama na lamang ako sa loob ng library.
Kia : "Kailangan mapansin ka niya?"
Avie : "Paano?"
Elly : "Magbasa ka ng libro"
Mia : "Kukuha siya ng libro sundan mo"
Agad kong sinundan si Ejay naghanap din ako ng libro. Kumuha ako ng libro na science. Lumapit si Ejay sa akin naramdaman ko na napakabilis ng tibok ng aking puso. Hindi ko alam ang gagawin ko pinagpapawisan na ako.
Ejay : "Mahilig ka pala sa science?"
Avie : "Hindi naman"
Ejay : "Magbasa ka para makasagot ka na sa susunod na oral"
Avie : "Sige! Salamat"
Lumakad siya papunta sa reading table. Habang ang mga kaibigan ko ay nag aaral ng mabuti. Ako naman ay nakatulog ng bigla akong ginising ng mga kaibigan ko. Napasigaw ako ng malakas kaya lahat ng mga nasa library ay nakatingin sa akin.
Sa wakas ay na tapos na ang lahat ng examination. Lumabas ako para magpahangin pero may narinig akong kumakanta sa section ni Ejay. Sumilip ako nakita ko siya na may hawak na gitara at dahan dahan siyang kumanta. Pinakinggan ko ang boses niya bigla akong kinilig.
Vince : "Anong ginagawa mo dito"
Avie : "Tiningnan ko lang kung sinong kumanta"
Nicko : "Si Ejay gwapo na nga talented pa"
Avie : "Kaya pala maraming may crush sa kanya"
Nicko : "Ikaw ba crush mo ba si Ejay?"
Avie : "Hindi! Iba ang gusto ko at hindi siya"
Vince : "Okay lang naman na maka crush ka sa kanya ang hindi okay yung tinatago mo yung nararamdaman mo para sa kanya"
Avie : "Wala talaga akong gusto sa kanya. Babalik na ako sa room may gagawin pa ako."
Umulan ng sobrang lakas naiwan muna ako sa room dahil sa may ginagawa pa ako. Pagkatapos ay lumabas na ako nakita ko si Ejay na hindi makauwi dahil sa lakas ng ulan. Kinuha ko ang payong at lumapit ako sa kanya.
Avie : "Wala ka bang payong?"
Ejay : "Wala! Maghihintay na lang muna ako na tumigil ang ulan"
Avie : "Sumabay ka na sa akin"
Ejay : "Okay lang ba? Nakakahiya naman"
Avie : "Huwag ka ng mahiya kaysa naman hindi ka makauwi. Malaki naman tong payong ko."
Pinayungan ko si Ejay sabay kaming lumabas sa school. Ang bango bango niya pa rin. Kinikilig ako habang naglalakad kaming dalawa sa daan. Sobrang lakas ng pagkabog ng puso ko. Sana araw araw na lang umulan para makasabay ko siya.
Ejay : "Maraming salamat pala"
Avie : "Hintayin na lang kita hanggang sa makasakay ka"
Ejay : "Paano ka? Okay lang ba sayo?
Avie : "Okay lang sa akin"
Ejay : "May tricycle na kailangan ko ng umalis. Salamat!"
Avie : "Sige! Ingat ka"
Ejay : "Ingat ka rin Avie"
Sobrang saya ko talaga kasi nakasabay ko si Ejay at nakausap ko pa siya. Pero kinikilig talaga ako kasi alam niya ang pangalan ko. Agad ko itong ibinalita sa mga kaibigan ko. Ibig sabihin malaki ang chance na mapalapit ako sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro