Chapter 26
KAPAG UMIBIG ANG PUSO
AVIE'S POV
Naghintay ako ng masasakyan kasama si Ejay. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Sa tuwing naririnig ko ang boses ni Ejay ay naaalala ko ang mga masasakit na salitang sinabi niya sa akin. Nagulat ako ng bigla niya akong kausapin.
Ejay : "May sasabihin ako"
Avie : "Ano iyon Ejay?"
Hindi na itunuloy ni Ejay ang kanyang sasabihin ng biglang may dumating na tricycle. Sumakay na ako hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya. Habang papalayo ako sa kanya ay iniisip ko kung ano kaya ang sasabihin niya sa akin.
Kia : "May napapansin kami Avie habang tumatagal lalo kayong sweet ni Rio"
Elly : "Kayo na ba ni Rio?"
Avie : "Magkaibigan lang kami"
Mia : "Mas okay nga na kayo ni Rio kasi kung kay Ejay baka masaktan ka na naman"
Kia : "Don't tell me na may gusto ka pa rin kay Ejay hanggang ngayon?"
Avie : "Sa katunayan ako na nga ang umiiwas kay Ejay ayoko ng mapalapit sa kanya"
Elly : "Ano ba ang sinisigaw ng puso mo sa tuwing umiiwas ka kay Ejay?"
Mia : "Hindi ka makasagot kasi mahal mo pa si Ejay takot ka lang masaktan ulit sa kanya"
Ayaw kong umupo sa upuan ko kasi magkatabi kami ni Ejay. Ayaw ko siyang tingnan at kausapin. Kaya naman nag focus lang ako sa pakikinig sa klase. Madalas akong makipag usap kay Rio. Iniisip ko pa rin kung sasama ba ako sa paglalaro nila ng basketball o hindi.
Rio : "Ejay? Ang napag usapan natin"
Ejay : "Sige! Sure sa bahay namin"
Rio : "Narinig mo Avie sabay na tayong pumunta sa bahay ni Ejay"
Avie : "Hindi ko alam kung saan"
Ejay : "Sunduin ko na lang kayo"
Avie : "Ang awkward kung ako lang ang babae sa inyo na sasama"
Ejay : "Pupunta si Jea"
Rio : "Pwede mo rin isama yung mga friends mo kung okay lang kay Ejay?"
Ejay : "Sure!!"
Niyaya ko ang mga kaibigan ko na sumama pero lahat sila ay busy. Kinabukasan ay naghintay ako sa plaza kung saan doon kami magkikita ni Rio. Susunduin naman kami ni Ejay. Bumalik lahat ng mga masasakit na alaala ang nangyari sa akin ng makita ko ang plaza. Nabigla ako ng makita ko na mas maagang nakarating si Ejay kaysa kay Rio.
Ejay : "Nasaan na si Rio?"
Avie : "Hindi ko alam"
Ejay : "Kanina ka pa?"
Avie : "Kakarating ko lang"
Nagmamadaling tumakbo si Rio papunta sa amin. Pagkatapos ay sumakay na kami ng tricycle pa punta sa bahay ni Ejay. Malaki ang bahay nila at sobrang tahimik. Nagulat ako ng may dala sila na cake at balloons kay Ejay.
Jea : "Happy birthday Ejay"
Ejay : "Nag abala pa kayo"
Vince : "Okay lang"
Jaypee : "May pang snack na"
Rio : "May dala din akong pagkain"
Nicko : "Maglaro na tayo"
Ejay : "Sige!!"
Naglaro na sila ng basketball sa may court malapit sa bahay nila Ejay. Kami naman ni Jea ay hinahanda na ang snacks. Ngayon ko lang nakita na naglaro si Rio magaling talaga siya. Kaya siguro maraming nagkakagusto sa kanya kaysa kay Ejay. Nahihiya naman ako na wala akong naambag tapos hindi ko pa na greet si Ejay.
Ang saya nila habang naglalaro ng basketball. Kami naman ni Jea ay masaya rin nag uusap. Pagkatapos ni lang maglaro ay pumunta na kami sa bahay ni Ejay. Kumain kami ng snack habang masayang nagkukwentuhan.
Jea : "Ang sarap ng snacks natin"
Vince : "Kaya ngayon ni Ejay naisipang maglaro para may makasama siya sa birthday niya"
Rio : "Nasaan pala ang parents mo?"
Ejay : "May business appointment ang mama ko ang kuya ko naman nag aaral sa cebu"
Avie : "Nasaan ang papa mo?"
Jea : "Mabuti pa kumain na tayo"
Jaypee : "Nagugutom na rin ako"
Bakit hindi nabanggit ni Ejay ang papa niya? Sumakit bigla ang tiyan ko kaya nagpasama ako ni Jea sa cr. Sa dinadaanan namin ay may napansin ako na mga pictures ni Ejay noong bata pa siya. Ang cute at puti niya pero bakit wala siyang picture ng papa niya? Pagkatapos mag cr ay kinausap ko si Jea.
Avie : "May tanong ako sayo"
Jea : "Ano iyon?"
Avie : "Anong nangyari sa papa ni Ejay? Bakit hindi niya ito binanggit kanina?"
Jea : "Ang totoo may iba ng pamilya ang papa niya. Iniwan sila noong maliit pa si Ejay"
Avie : "Hindi na niya nakita o nakausap man lang ang papa niya sa personal?"
Jea : "Pumunta ang papa niya dito ng new year para kumustahin sila pero umuwi din ito agad"
Avie : "Kawawa naman si Ejay"
Jea : "Galit si Ejay sa papa niya dahil sa pag iwan nito. Nasaksihan niya kasi ang hirap na pinagdanaanan ng kanyang mama. Kaya nga naging malungkutin siya at nag iisa parati"
Bumalik kami at ipinagpatuloy ang pagkain. Naglaro din sila ng chess magaling pala si Ejay sa larong iyan. Sa katunayan wala pang nakakatalo sa kanya. Hindi ako naglaro kasi hindi ako marunong. Nag enjoy ako sa buong araw na pamamalagi lagi sa bahay ni Ejay. Hanggang sa kailangan na namin umuwi.
Rio : "Salamat sa pa snack"
Nicko : "Sa susunod ulit Ejay"
Avie : "Happy birthday ulit"
Ejay : "Thanks Avie"
Jea : "Uuwi na kami"
Ejay : "Ingat kayo"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro