Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

KAPAG UMIBIG ANG PUSO

Maaga akong nagising kaya maaga rin akong pumasok. Papasok na ako ng gate sa aming school ng bigla kong nakita si Ejay. Nagdahan dahan ako sa paglalakad para maabutan niya ako at para makasabay ko siya sa paglakad. Pero bigla akong tinawag ni Kia kaya agad akong lumingon sa likod nakasunod lang din pala si Ejay sa akin. Kaya gumawa ako ng paraan at binati ko siya.

Avie : "Good morning Ejay"

Dumaan lang siya sa harapan ko. Hindi niya ako binati gaya ng pagbati ko sa kanya o kahit ngumiti man lang. Huminto muna ako para hintayin si Kia ng makarating siya sa kinatatayuan ko ay kinumusta niya ako.

Kia : "Hindi ka ba niya pinansin?"
Avie : "Baka hindi lang niya siguro narinig"
Kia : "Huwag kang mag-alala aalamin namin ang tungkol sa kanya"

Nagkaroon kami ng quiz sa science hindi ako makapag concentrate. Bigla kong naalala ang ginawa kong pagbati kay Ejay kanina. Pagkatapos ng quiz ay lumabas ako ng room. Naglakad ako papunta sa section ni Ejay. Hinahanap ko kung saan siya nakaupo pero hindi ko siya makita. May biglang humawak sa balikat ko at tinanong ako.

Ejay : "Sino bang hinahanap mo?"
Avie : "Wala naman napatingin lang ako"

Pumasok na si Ejay sa room niya habang ako nakangiti na ibinalita sa mga kaibigan ko ang nangyari sa akin. Bigla akong kinilig ng nahawakan niya ang balikat ko. Pagkauwi ko sa bahay ay isinulat ko ka agad sa diary notebook ko ang kilig na nararamdaman ko para kay Ejay.

Kinabukasan maaga ulit akong pumasok nilagay ko ang bag ko sa loob ng room. Lumabas ako para sumilip sa section ni Ejay nasa pintuan ako nakasilip. Nakita ko siyang nagsusulat pinagmasdan ko siyang maagi. Nagulat ako ng biglang may nagsalita sa likod. Agad naman na lumingon si Ejay.

Vince : "Bakit ka nakasilip?"
Avie : "Wala lang"
Vince : "Tinitingnan mo ba si Ejay?"
Avie : "Hindi! Bakit ko naman siya titingnan?"
Vince : "Ganoon ba? papasok na ako sa loob"

Pumasok na si Vince sa loob ng room nila. Ako naman dahan dahan na naglakad patungo sa room ko pero napatigil ako ng marinig ang boses ni Ejay.

Ejay : "Hinahanap mo ba ako?"
Avie : "Hindi! Bakit naman kita hahanapin"
Ejay : "Akala ko hinahanap mo ako sabi kasi sa akin ni Vince"
Avie : "Tinitingnan ko lang yung room nyo"
Ejay : "Papasok na ako sa loob. Bye!"

Parati akong dumadaan sa section ni Ejay bago at pagkatapos ng klase. Sa tuwing nakikita ko si Ejay ay pinagmamasdan ko siya. Mas lalo siyang gumagwapo pag nakangiti siya. Pinapakilig niya lalo ang mga araw ko. Habang nagtuturo ang aming guro ako naman ay nagsusulat sa diary notebook.

Ms. Daph : "Out of 40 students 32 ang pumasa at 8 naman ang bagsak sa inyong quiz. Sana pumasa na kayong lahat sa susunod na quiz"

Hindi ako nakapasa sa quiz namin sa science. 8/50 ang nakuha ko na score habang ang mga kaibigan ko naman pasado silang lahat. Natapos na ang klase nag desisyon ako na maunang umuwi sa mga kaibigan ko. Habang naglalakad sa pathway iniisip ko ang nakuha kong score. Nakita ko sa Ejay kasama si Vince papalabas na sila ng gate. Kaya agad akong tumakbo para makasabay ko sila. Pero sa hindi inaasahan nadapa ako.

Ginamot ni mama ang sugat ko sa bahay. Sa sobrang pagod ko ay nakatulog ako ka agad. Weekends kaya inutusan ako ni papa na ako muna ang magbantay sa tindahan namin. Habang nakabantay ay isinulat ko sa diary ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko si Ejay.
Panibagong araw na naman ang nagdaan lahat ay nagbabasa ng libro pagdating ko sa room.

Mia : "Nag aral ka na ba?"
Avie : "Anong meron?"
Elly : "May pa oral si Ms. Daph sa science"
Kia : "May quiz pa sa math at araling panlipunan"

Nagmamadali akong kumuha ng libro ko sa science. Pero biglang dumating si Ms. Daph. Pinatago niya sa bag ang libro.

Ms. Daph : "Alam nyo na ang mangyayari pag hindi kayo nakasagot sa oral ay mananatili kayong nakatayo"

Nag umpisa na ang oral sa science lahat ng tinawag ay nakakasagot ng tama. Dahan dahan kong binuksan ang bag ko para kunin ang libro ng bigla akong tinawag ni Ms. Daph.

Ms. Daph : "Avie! What is the branch of science that study of chemical reactions and properties of matter?"
Avie : "I don't know the answer ma'am"
Ms. Daph : "Okay! remain standing"

Mag isa akong nakatayo sa klase. Bigla pumasok sa room namin si Ejay may inabot na papel kay Ms. Daph. Nahihiya ako dahil nakita niya akong nakatayo. Narinig ko ang usapan ng mga ka klase ko na nasa unahan nakaupo.

Rhea : "Ang gwapo talaga ni Ejay"
Shaina : "Mabait at matalino pa"
Jen : "Kaya nga maraming nagkakagusto sa kanya."

Hindi maalis sa isipan ko ang nangyari sa akin. Gusto kong mapalapit kay Ejay kaya gagawa ako ng paraan para mapalapit ako sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro