Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18

KAPAG UMIBIG ANG PUSO

Pinagmamasdan ko ang cross stitch habang tumutulo ang mga luha ko. Hindi ko masisi si Ejay sa ginawa niya sa bigay kong gift. Kinuha ko ang cross stitch at nilagay sa bag pagkatapos ay umalis na ako sa office. Nakita ko si Ejay na papunta rin ng office kaya ako ng umiwas para hindi kami magkita.

Jea : "Avie! Can we talk?"
Avie : "Tungkol saan?"
Jea : "Sinabi sa akin ng mga kaibigan mo ang lahat ng nangyari. Are you okay?"
Avie : "Okay pa naman ako Jea no need to worry naiintindihan ko naman si Ejay"
Jea : "Kung nasasaktan ka na huwag mo ng ipilit. Kasi may mga bagay talaga na hindi pwede"
Avie : "Dapat na ba akong mag let go?"
Jea : "Wala kang kasalanan Avie kaya huwag mong parusahan ang sarili mo"

Ang pinakamahirap na part kapag umibig ay ang mag let go. Madaling sabihin pero bakit ang hirap gawin. Kahit anong gawin ko pilit pa rin siyang minamahal ng puso ko. Ayoko ng umasa pa pero hindi pa ako handang iwan si Ejay.

Vince : "Kumusta ka na Avie? Matagal na kitang hindi nakakausap."
Avie : "Okay lang naman ako busy lang sa daming requirements malapit na ring matapos ang school year"
Vince : "I have a good news kinakausap na ako ni Ejay. Kayo ba nakapag usap na rin?"
Avie : "Hindi! Nagtatampo pa rin siya sa akin"
Vince : "Gusto mo kausapin ko siya to talk to you? Kailangan niyo ng magkaayos din"
Avie : "Huwag na baka lalo lang niya akong hindi pansinin. Alam kong may tamang panahon sa lahat ng bagay"
Vince : "Kaya nga boto ako sayo kay Ejay dahil sa pagka positibo mo"
Avie : "Salamat Vince sa lahat ng tulong mo"
Vince : "Walang problema basta ikaw"

Sa huling pagkakataon gusto kong kausapin si Ejay. Kahit ilang beses pa niya akong paalisin babalik at babalik parin ako sa kanya. Kaya naman ako na ang gumawa ng paraan. Kinausap ko si Nicko na makikipagkita ako kay Ejay para makipag usap. Gusto kong pumunta si Ejay kahit sandali lang hihintayin ko siya.

Avie : "Makikipagkita ako kay Ejay"
Kia : "What? Paano kung hindi siya pumunta?"
Avie : "Maghihintay ako sa kanya"
Elly : "Gusto mo samahan ka na namin?"
Avie : "Huwag na gusto kong mag usap kami ni Ejay na kami lang dalawa"
Mia : "Sige Avie! Panahon na rin para sabihin mo sa kanya lahat"

Nakita ko na magkausap si Jea at Ejay. Ano kaya ang kanilang pinag uusapan? Pinagmamasdan ko sila sa malayo nakita ko na lamang na biglang umalis si Ejay at naiwan si Jea. Kaya nagmadali akong sundan si Ejay kung saan siya pupunta. Nasa labas na ako ng school nakikita ko na naglalakad si Ejay pero nasa malayo na siya.

Nakatitig lamang ako kay Ejay habang patawid na ako sa daan ng biglang may kotse pala na papalapit na sa akin. Muntik na niya akong mabangga mabuti na lang at nakatakbo agad ako. Bumaba ang driver na nagmamaneho ng kotse.

Driver : "I'm sorry po ma'am nasaktan ba kayo? Dadalhin ko na kayo sa clinic"
Avie : "Okay lang po manong sa susunod huwag niyo na lang bilisan ang pagmamaneho"
Driver : "Heto kasing amo ko nagmamadali"
Rio : "Hi! By the way I'm Rio"
Avie : "Hello! I'm Avie same school lang pala tayo. Bakit kayo nagmamadali?"
Rio : "Yeah! Hindi mo na ba ako natatandaan? May emergency kasi kaming pupuntahan mauna na kami"
Avie : "Wait! Nagkakilala na ba tayo?"
Rio : "Masayado ka ng  makakalimutin"

Pumasok na si Rio at ang kanyang driver sa loob ng sasakyan. Pilit kong inaalala kong saan ko ba siya nakita kasi wala akong maalala. Nakalimutan ko na sinusundan ko pala si Ejay tumingin ako sa paligid pero hindi ko na siya nakita.

Nicko : "Kinausap na namin si Ejay payag siya pero gusto niya sa weekend"
Avie : "Sige! Sinabi niya ba sayo kung saan niya gustong makipagkita?"
Jaypee : "Maghintay ka lamang sa plaza may pupuntahan pa kasi siya bukod sayo"
Avie : "Maraming salamat talaga sa inyo"
Nicko : "Sana magkabati na talaga kayo"

Ginawa ko muna lahat ng requirements sa school. Nag aral na rin ako ng advanced para sa darating na final exam. Gusto ko maayos muna lahat pag magkita kami ni Ejay. Bago paman ako pumunta ay dinala ko ang cross stitch na bigay ko sa kanya.

Naghintay ako sa plaza buong maghapon para hindi ako mainip sa kakahintay ay nagbabasa ako ng libro. Ilang oras na ang lumipas pero hindi pa rin siya dumating kaya naisipan ko ang umuwi na lang. Paalis na sana ako ng bigla kong nakita si Ejay.

Ejay : "Hindi ako magtatagal Avie sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin"
Avie : "Hindi na ba natin maibabalik ang dati na magkaibigan tayo?"
Ejay : "Pwede kong ibalik lahat depende sa magiging sagot mo. Avie? Mahal mo ba ako?"
Avie : "Dati gusto ko lang makipag kaibigan sayo pero ng nakilala kita at naging magkaibigan tayo umasa ang puso ko. Mahal kita Ejay"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro