Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17

KAPAG UMIBIG ANG PUSO

Pinipilit kong maging masaya kahit hindi naman talaga ako masaya. Niyaya ako ng mga kaibigan ko na kumain doon ay ikinuwento ko sa kanila ang nangyari. Hindi sila makapaniwala na sasabihin iyon ni Ejay.

Mia : "Naiinis na ako sa Ejay na iyan"
Avie : "Okay lang naman sa akin atleast nasabi niya ang totoo"
Elly : "Kailan ka magpapakatanga sa lalaking iyan?"
Kia : "Sana sinabi niya sayo in a good way"
Mia : "Marami pang lalaki diyan Avie"
Avie : "Pero si Ejay lang ang mahal ko"

Maraming ginagawa sa organization kaya naisipan ko na tumulong sa ibang committee. Natutuwa ako kasi nakikita kong pinapansin na ni Ejay si Vince. Pero sa tuwing nakikita ko si Ejay hindi nawala sa isipan ko ang mga sinabi niya sa akin. Kahit sa organization ay iniiwasan niya ako.

Avie : "Okay na pala kayo ni Ejay?"
Vince : "Hindi pa masyado pero atleast ngayon kinakausap na niya ako"
Avie : "Mabuti naman kung ganoon"
Vince : "Pinapansin ka ba niya?"
Avie : "Hindi pa rin pero okay lang"

Bago matulog ay gumawa ako ng cross stitch. Gusto kong ibigay ito kay Ejay kasi hindi ko na ibigay ang regalo nung christmas party. Naglalaan ako ng isang oras tuwing gabi para maging maganda ang kinalabasan ng gawa ko.
Nasa room ako nakikipag usap sa mga kaibigan ko ng biglang sumali si Jea sa usapan.

Jea : "Kumusta ka na Avie?"
Avie : "Okay naman"
Kia : "Hindi siya okay Jea"
Elly : "Bakit hindi mo sabihin kay Jea ang ginawa ng crush niyang si Ejay?"
Avie : "Huwag na okay lang naman sa akin"
Jea : "Ano na namang ginawa ni Ejay sayo?"
Mia : "Nilinaw ni Ejay lahat na hindi niya mahal si Avie at hinding hindi niya ito magugustuhan"
Elly : "Okay lang naman sabihin niya iyon pero in a good way naman"
Jea : "I'm very sorry Avie sa ginawa ni Ejay"
Avie : "Okay lang naiintindihan ko siya"

Nakahanda na ang booth na gagamitin namin para sa valentines week. Sa wakas ay natapos na rin ang cross stitch na ginawa ko para kay Ejay. Handang handa na ako na maibigay ito sa kanya. Dumating na ang valentines week nakakainis high school pa lang pero napakaraming sweet sa paligid ng school.

Mia : "Sinong ka date niyo?"
Elly : "Naghahanap pa"
Kia : "Single tayong apat sa squad"
Mia : "Ano bang balak mo Avie?"
Avie : "May ibibigay ako kay Ejay"
Kia : "Ano naman ang ibibigay mo Avie?"
Avie : "Cross stitch"
Elly : "Wow! Ang effort mo naman"
Mia : "Sana huling bigay mo na iyan"
Kia : "Kasi ayaw ka naming nasasaktan Avie"

Ang daming naganap sa organization booth. Ang ginagawa ko naman ay tagahikayat sa mga students na pumunta sa booth. Hinahanap ko si Ejay pero hindi ko siya makita. Kaya naisipan ko na pumunta sa office doon ay nakita ko siyang mag isa. Nilapitan ko si Ejay at iniabot ko sa kanya ang gift ko.

Avie : "Gift ko iyan sayo Ejay sana huwag ka ng magtampo sa amin."
Ejay : "Hindi ko kailangan ng gift"
Avie : "Humihingi ako ng sorry sayo"
Ejay : "Napatawad ko na kayo"
Avie : "Bakit mo kami iniiwasan?"
Ejay : "Ang dami mong tanong pwede ba tumahimik ka na? Just leave me alone"

Umalis ako pero iniwan ko ang gift sa kanya. Pilit ko paring iniintindi si Ejay kahit ilang beses na niya akong sinasaktan. Pagkatapos ko sa organization ay naisipan kong umuwi na agad. Napagod ako sa dami ng ginagawa namin. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Mia : "Avie! Bakit ka umuwi agad?"
Elly : "Alam mo ba na hinanap ka namin?"
Avie : "Sorry! Napagod kasi ako kaya umuwi na ako kaagad"
Kia : "May nangyari bang hindi maganda Avie sa pagbigay mo ng gift sa kanya"
Avie : "Kinausap ko si Ejay pagkatapos ay pinaalis niya ako. Pero iniwan ko ang gift ko sa kanya"
Elly : "Sino ba siya sa tingin niya? Siya na nga ang binigyan ng gift at iniintindi mo"
Mia : "Avie! Pabayaan mo na si Ejay"
Avie : "Ako ang may kasalanan dahil sa ginawa ko kaya siya nagkakaganyan"
Kia : "Huwag mong sisihin ang sarili mo Avie. Ilang beses ka ng nag sorry sa kanya"
Elly : "Marami ka ng nagawa kay Ejay"

Tumahimik na lamang ako sa sinabi ng mga kaibigan ko. May point naman sila pero hindi ko maiwasan na mag alala kay Ejay. Kumakabog na naman ng malakas ang puso hindi ko maintindihan kung bakit. Dumaan ako sa room nila nakita ko si Ejay na kinakausap na niya si Vince. Sa tingin ko maaayos na rin ang lahat.

Lovely : "Hi Avie! Okay ka lang?"
Avie : "Okay lang naman ako Lovely"
Blanche : "Kung kailangan mo ng makakausap andito lang kami"
Evelyn : "Huwag kang mahihiya na lumapit sa amin Avie"
Avie : "Salamat sa inyo"

Pumunta ako sa office para maglinis dahil nakaasign ako sa cleaners. Ang daming nakakalat na mga papel kaya naman itinapon ko ito sa basurahan. Nagulat ako sa aking nakita ang pinagpaguran kong cross stitch nasa basurahan. Hindi ako makapaniwala sana hindi ko na lang ibinigay kay Ejay ang gift kung itatapon niya lang pala sa basurahan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro