Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16

KAPAG UMIBIG ANG PUSO

AVIE'S POV

Kumain muna kaming lahat bago mag usap. Napansin ko na konti lang ang kinain ni Ejay. Pagkatapos naming kumain ay biglang may kinuha si Ejay sa bag niya. Nagulat ako ng ilagay niya sa lamesa ang mga sulat na bigay ko sa kanya. Napatingin ako bigla kay Jea habang nakatingin sa akin si Ejay.

Ejay : "Ang mga sulat na ito ay galing sayo Avie. Alam ko na ang totoo."
Jea : "Paano mo nalaman baka nagkakamali ka lang Ejay?"
Ejay : "Pinasundan ko si Avie kay Nicko at tama nga ang hinala ko"
Avie : "Sorry kung hindi ko agad sinabi sayo"
Ejay : "Matagal mo na pa lang alam Vince bakit hindi mo sinabi sa akin?"
Vince : "Sorry!!"
Avie : "Kasi pinakiusapan ko si Vince na huwag sabihin sayo. Gusto kong ako mismo ang mag sabi ng totoo"
Ejay : "Alam nyo na pala ang totoo. Kailan nyo balak sabihin? Hanggang kailan nyo ako naniniwalain? Mauna na ako magkita na lang tayo sa school"

Naunang umalis si Ejay habang naiwan kami sa restaurant. Hindi ako makapaniwala na alam na niya pala ang totoo. Ang masakit pa dito ay nadamay si Vince at Jea hindi nila kasalanan ang nangyari.

Avie : "Sorry kung nadamay kayo"
Vince : "Okay lang Avie wala kang kasalanan"
Jea : "Don't worry maaayos din ang lahat"
Nicko : "Sorry Avie kung nasabi ko kay Ejay ang totoo. Hindi ko naman alam na ikaw pala ang nagpapadala ng mga cookies at letter sa kanya."
Jaypee : "Kakausapin namin si Ejay"
Jea : "Nagtatampo lang si Ejay kaya bigyan muna natin siya ng pagkakataon na makapag isip."

Iniisip ko ang mga sinabi ni Ejay kung sinabi ko na lang sa kanya. Wala ng madadamay pang iba. Hindi muna ako nagpakita kay Ejay. Lahat ng mga gusto kong sabihin sa kanya ay isinulat ko na lang sa diary ko. Kinausap ko rin ang mga kaibigan ko tungkol sa nangyari.

Mia : "Okay ka lang Avie?"
Avie : "Actually hindi kasi maraming nadamay ng dahil sa kagagawan ko"
Kia : "Mahirap naman talagang magtago ng feelings lalo pa kung mahal mo na"
Avie : "Naiintindihan ko naman si Ejay kahit ako magtatampo sa nangyari"
Elly : "Nangyari na ang dapat mangyari"
Mia : "Ano ng gagawin mo Avie?"
Avie : "Kakausapin ko si Ejay"

Nasa library ako at ng mga kaibigan ko. Nakita ko sa kabilang table si Ejay na mag isa lang. Gusto ko siyang lapitan para kausapin pero naisip ko na baka hindi pa siya handa na kausapin ako.

Sa tuwing nakikita ko si Ejay sa school ay pinapansin ko siya. Ang sakit pala na yung crush mo na naging kaibigan mo ngayon ay hindi ka na pinapansin. Iniiwasan na rin ako ni Ejay sa tuwing nakakasalubong ko siya. Wala akong magawa kung di ang tanggapin sa sarili ko ang katotohanan.

Vince : "Avie? Okay ka lang"
Avie : "Hindi ako okay Vince"
Nicko : "Umiiwas nga rin sa amin si Ejay"
Jaypee : "Nag aalala na nga kami sa kanya"
Vince : "Kakausapin ko si Ejay magpapaliwanag ako ulit sa kanya"

Sa kakaisip ko kay Ejay pati mga exams ko naapektuhan. Hindi ako pumasa sa mga exams. Ano ba itong nangyayari sa akin? Kailangan ko na itong maayos sa lalong madaling panahon. Meeting sa organization para sa darating na valentines day. Pumunta ako nakita ko si Ejay na maraming ginagawa lumapit ako sa kanya.

Avie : "Tulungan na kita Ejay"
Ejay : "Huwag na kaya ko na ito"
Avie : "Pwede ba tayong mag usap"
Ejay : "Marami akong ginagawa"

Tumulong ako sa organization na assign ako sa booth. Nagtulong tulong kami para mabilis itong matapos agad. Pagkatapos ay niyaya ako ni Jea na kumain sa labas dahil may sasabihin daw siya sa akin.

Avie : "Okay na ba kayo ni Ejay?"
Jea : "Actually hindi pa kami okay ni Ejay matagal kasi iyang magtampo. Simula noong elementary pa kami kapag may kaaway siya hindi niya na ito pinapansin. Umiiwas na lamang siya ayaw niya kasing awayin siya ulit ng taong nakaaway niya"
Avie : "Sa tingin mo may pag asa bang bumalik ang lahat sa dati?"
Jea : "Oo Avie alam ni Ejay ang ginagawa niya. Kaya pabayaan na lamang muna natin siya"

Hindi ako sana'y na nakikita si Ejay na mag isa. Kaya ako na mismo ang gagawa ng paraan para maayos na ang lahat. Hinintay ko na matapos ang klase ni Ejay. Pagkatapos ay sinundan ko siya sa labas ng school.

Avie : "Ejay? Kailangan nating mag usap"
Ejay : "Para saan pa Avie?"
Avie : "Sorry sa lahat Ejay sana'y magbati na kayo kaibigan mo sila"
Ejay : "Hindi ganoon kadali iyon Avie"
Avie : "Sa akin muna isisi lahat ako naman talaga ang may kasalanan"
Ejay : "Mabuti na ang malinaw Avie tatapatin na kita. Hindi kita mahal at hinding hindi kita magugustuhan Avie"

Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Ejay sa akin. Sobrang sakit na sabihin at iparamdam ng taong mahal mo na hindi ka niya mahal. Hanggang kailan iibig ang puso ko kay Ejay? Kung alam kong masasaktan lang ako sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro