Chapter 12
KAPAG UMIBIG ANG PUSO
Kahit saan kami magkita ni Ejay ay pinapansin at ngumingiti siya sa akin. Napapasaya ni Ejay ang araw ko. Niyaya ako ni Jea na pumunta ng mall kasi may bibilhin siya. Ang hindi ko alam kasama nya pala si Ejay. Nagulat na lang ako ng makita ko si Ejay na nasa mall naghihintay.
Ejay : "Hi! Okay lang ba na sumama ako?"
Avie : "Okay lang walang problema"
Jea : "Libutin na natin ang mall"
Kinikilig ako habang naglilibot kami sa mall kasi kasama ko si Ejay. Kumain kami kasama siya at pagkatapos ay naglaro sa toys play. Nanalo siya ng teddy bear kaya agad naman niya itong ibinigay kay Jea. Kahit hindi niya sa akin ibigay ang makasama lang si Ejay ay ayos na.
Jea : "Matagal na tayong friend pero hindi ko alam kung kailan ang birthday mo"
Avie : "Tapos na hindi kasi ako mahilig mag celebrate ng birthday"
Jea : "Bakit naman?"
Avie : "Normal na araw lang naman iyan at edad lang ang nagbabago"
Ejay : "Dapat mag celebrate ka kasi once a year lang nagaganap ang birthday"
Jea : "May next year pa naman"
Kinikilig ako habang isinusulat sa diary ko lahat ng nangyari sa mall. Feeling ko si Jea ang lucky charm friend ko. Naisipan kong mag bake ng cookies para ibigay kay Ejay gaya ng dati. Maaga ulit akong pumasok para maibigay ang cookies kay Ejay.
Vince : "Nahuli rin kita ikaw pala ang nagbibigay ng mga cookies sa kanya"
Avie : "Vince! Pwede bang huwag mong sabihin kay Ejay ang tungkol dito"
Vince : "Hindi ko sasabihin kung magsasabi ka lang ng totoo. May gusto ka ba sa kanya?"
Avie : "Matagal ko na siyang gusto"
Vince : "Wala ka bang balak na sabihin sa kanya ang totoo?"
Avie : "Naghihintay lang ako ng tamang panahon para sabihin sa kanya ang nararamdaman ko."
Vince : "Huwag kang mag alala hindi ko sasabihin sa kanya"
Avie : "Thank you! Mamaya ililibre kita"
Nilibre ko ng lunch si Vince pagkatapos ay pinakiusapan ko siya ulit na huwag sabihin kang Ejay ang totoo. Bakit kasi hindi ako nag ingat nahuli tuloy ako ni Vince.
Avie : "Alam na ni Vince ang totoo"
Mia : "Paano niya nalaman?"
Avie : "May ibinigay kasi ako na cookies kay Ejay tapos nahuli niya ako"
Elly : "Paano kung sabihin niya kay Ejay?"
Avie : "Pinakiusapan ko si Vince"
Kia : "Alam naman natin na close ang dalawa. Kaya ba ni Vince ilihim ang kanyang nalalaman kay Ejay?"
Elly : "Muiwas ka na lang muna sa kanila Avie"
Ayaw ko muna magpakita kay Ejay. Pero bigla kong naisip na humingi ng tulong kay Vince. Para tuluyan na akong mapalapit kay Ejay. Naghihintay ako ng pagkakataon na walang ibang kasama si Vince saka ako lalapit sa kanya.
Avie : "Vince! Pwede mo ba akong tulungan?"
Vince : "Paano naman kita matutulungan?"
Avie : "Close kayo ni Ejay kaya alam mo kung anong mga gusto at ayaw niya"
Vince : "Ano gusto mong gawin ko?"
Avie : "Pwede bang sabihin mo sa akin lahat ng nalalaman mo tungkol kay Ejay?"
Vince : "Pag iisipan ko pa"
Avie : "Please! Tulungan mo akong mapalapit pa sa kanya"
Naghahanap ako sa mall ng pang regalo para sa christmas party namin sa room. Naalala ko ng makasama ko si Ejay dito sa mall. Nagulat ako ng makita ko si Ejay at ang mga kaibigan niya.
Nicko : "Anong ginagawa mo dito Avie?"
Avie : "Bibili ng pang regalo"
Vince : "Kami din kaso wala pa kaming napili"
Jaypee : "Pwede mo ba kaming samahan?"
Avie : "Kung okay lang sa inyo?"
Ejay : "Oo naman walang problema"
Sinamahan ko sila kahit saan sila magpunta. Naghahanap din sila ng pang regalo kaya tinulungan ko silang makapagpili.
Vince : "Ano bang magandang pang regalo?"
Avie : "Depende sa gusto ng taong pagbibigyan mo ng regalo"
Nicko : "Nakakagutom maglibot sa mall kumain na lang tayo pagkatapos natin mamili"
Kumain kami sa isang sea food restaurant. Ang sarap ng mga pagkain nila. Napapansin ko na tahimik lamang si Ejay. Habang masayang nag nagkwentuhan ang mga kaibigan niya.
Avie : "Okay ka lang Ejay?"
Ejay : "Okay lang naman napagod lang ako ng kakalibot sa mall"
Vince : "Salamat Avie sa pagtulong sa amin na makapili ng pang regalo"
Nicko : "Mabuti at nakita ka namin sa mall"
Jaypee : "Pwede bang samahan mo kami sa susunod? Magaling ka kasing mamili ng pang regalo Avie"
Avie : "Sure! Pag hindi ako busy"
Pagkatapos naming kumain ay nasipag uwian na kami. Ang saya ko kasi nakasama ko na naman si Ejay sa mall. Mabuti naman at hindi sinabi ni Vince kay Ejay ang totoo. Gusto ko pa kasing mas lalo kaming mapalapit bago ko sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.
Vince : "Avie? Pumapayag na ako"
Avie : "Tutulungan mo na ako kay Ejay?"
Vince : "Sasabihin ko lahat ng nalalaman ko"
Avie : "Salamat Vince"
Marami akong nalaman kay Ejay lahat ng mga gusto at ayaw niya. Sinulat ko ito sa diary notebook para hindi ko makalimutan. Masaya ako dahil tinulungan ako ni Vince para mas lalong mapalapit pa kay Ejay.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro