7
Dei
Mabilis akong nagbihis at halos hindi ko maisuot ng maayos ang blouse ko. Yun pangleeg naisuot ko sa braso ko dahil sa pagmamadali. Binantayan ko talaga siya. Hindi ko inalis man lang sa kanya ang tingin ko dahil baka biglang sumilip. Inihahanda ko pa naman iyon para sa asawa ko tapos makikita lang niya. Pero nakita na niya halos ang kaluluwa ko ng naghubad ako bago ako lumusong sa tubig. Tinignan ko naman kung may tao pero wala akong nakita kanina. Malay ko ba na nagtatago lang pala ang walanghiyang iyon.
Pagkabihis ay agad akong umalis. Habang sinasabi kong aalis ako ay nagmadali akong nanakbo pauwi sa bahay. Narinig ko pa na sumisigaw siya. Pero hindi ko na narinig pa ang sinasabi niya dahil nga nagmamadali ako.
Nasa bahay na ako ng mapansin kong naiwan ko ang pouch ko. Ang malas nga naman ano. Galing ako kala Sir Sam ng napagpasyahan kong dumaan sa tambayan ko. Baka naiwan ko doon sa ilog. Bakit pa kase ako nagpunta-punta dun? Kaya pala hinihila ako ng paa kong umuwi pero matigas ang ulo ko kaya ayan tuloy nawawala ang mga ID ko. Kakainis talaga.
"Nak, baakit sambakol yan mukha mo?"
"Tay, kase yun mga ID ko nawala ata."
"Ano? Saan mo naiwan?"
"Dun sa tabing sapa. Babalikan ko na lang."
"Hay naku, ikaw bata ka, sinabi ko na sayo na huwag kang pupunta dun."
"Nay, naligo lang naman ako. Tsaka ang init oh."
"Kahit na! Dodong, yang anak mo, sabihan mo ha! Ang tigas ng ulo! Paano mo babalikan e magdidilim na?" Sabi ni Nanay.
"Sally, hayaan mo na si Dei." Sagot naman ni Tatay.
"Bahala kayong mag-ama! Kaya ganyan yang batang yan, sinusunod mo lahat ng gusto!" Galit na sabi uli nanay.
Dumirestso na si Nanay sa kusina para magluto ng hapunan namin. High blood na naman ang Nanay ko. Ewan ko kung bakit ayaw niya akong pumupunta dun. Ang ganda kaya sa lugar na yun.
"Nak, pagpasensiyahan mo na si Nanay Sally mo. Alam mo naman yan, ayaw niyang gumagawi ka dun."
"Okay po tatay. Bukas na lang na umaga. Di naman ako pinapapunta sa bahay nila Sir Sam bukas. Next week na daw ako magstart ng training."
"Sige. Magbihis ka dun at basang-basa na yang damit mo. Baka magkasakit ka pa."
"Opo, Tatay. Nga pala, tumawag na ba si kuya Danny?"
"Oh bakit? May ipabili ka na naman ba?"
"Wala naman. Kaya lang hihingi sana ako ng pambaon ng isang buwan. Di pa kase ako susuweldo. Sa Lunes pa ako magsimula."
"Huwag ka ng humingi sa kuya mo. Meron pa akong natirang pera dito. Ako na lang muna ang mag-bigay sayo."
"Naku, Tay pambili ninyo ng gamot yan."
"Meron na po. Pinadalhan ako ng supply ni Danny."
"Sigurado kayo?"
"Oo naman. Maligo ka na at magbihis. Mamaya lang luto na yun hapunan."
Pumasok na ako sa kwarto ko para kunin ang mga damit pamalit. Di ko pa rin malimutan yun nangyari. Dahil sa kapabayaan ko, naiwan ko pa yun pouch ko. Pero alam ko makuha ko uli yun. Sana bukas pagbalik ko, nandun pa yun.
••••••••••
Pagbalik ko kinabukasan sa tabing ilog, hinanap ko kaagad yun pouch ko. Sa kasamaang palad, wala na iyon doon. Di kaya nakuha nung lalaki? Saan ko naman hahagilapin yun lalaking iyon?
Bagsak ang balikat na umuwi ako. Napagalitan na naman ako ni Nanay dahil daw sana hinayaan ko na. Makakakuha naman daw uli ako ng ID.
Noong dumating ang Lunes, pumunta ako sa opisina ni Sir Sam. First day of training namin. Balisa pa rin ako dahil nawala yun mga ID ko. Kaya nagtanong ako kay Pat kung pwede ba uli ako makakuha ng panibagong ID. Sinabi niya na pwede naman. Medyo nakahinga ako ng maluwag. Anyway, yun ibang ID naman dun ay nung college pa ako. Pero yun isa kase Company ID ko sa resort. Madali lang naman at nakakuha uli ako ng panibago.
Nagsimula yun training. Syempre, dahil unang trabaho ko ay makikita ang sipag at tiyaga ko. Masaya ang unang araw ng training. Nakilala ko na ang mga kapwa Managers ko. Si China Munoz ang isa sa babae na manager na nakagaanan ko kaagad ng loob. Si Paolo Cruz, isang bakla at si Juliana Ruiz, yun masungit at tila ayaw makipag-usap sa amin. Mabilis kaming nagkasundo ni Tinay (Christina) at ni Paolo. Nalaman kong bagong graduate din si Tinay at si Paolo ay nagmula sa Maynila. Napagod na daw si Paolo sa trapik kaya gusto niyang magtrabaho sa probinsiya. Sariwa ang hangin at wala pang trapik. Doon ko na-realize, masaya rin pala dito sa amin. Hindi ko na kailangan lumuwas sa Maynila na inakala kong mas magbibigay sa akin ng magandang oportunidad.
••••••••••
2 weeks ang training namin. Nalimutan ko na rin ang naganap sa sapa.
Habang hinihintay namin matapos ang pagpapatayo ng resort ay sa opisina muna kami papasok. Kasama daw kami sa team na mag-interview para sa mga magiging tauhan sa resort.
Nag-enjoy ako sa trabaho. Hindi ko pa man nasisimulan yun tunay na posisyon ng trabaho ko, pero alam ko magiging masaya ako. Magaan kaseng katrabaho ang mga bagong kasamahan ko.
A/N No ganap today. Later I hope.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro