Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

5

RJ

Business is at it's finest this week. Madaming projects ang pumasok sa kumpanya. I assigned one of my junior engineers sa project with Ms. Santillan. But I personally looked into the project myself. Gusto ko kaseng maging maayos ang pagsisimula ng pagtatayo ng bahay niya.

Actually, feeling ko Ms. Santillan si flirting with me dahil sa mga pagpungay ng mata niya sa tuwing kinakausap ko regarding the building of her house. Iniiwasan ko nga siya dahil talagang sadyang di ako pumapatol sa mga tulad ng lahi niya. Bukod sa mataba ay maliit lang din siya. So dahil sa mga pagpapacute niya sa akin na dahilan para iwasan ko siya ay nag-assign ako ng bagong engineer na mamamahala sa pagtatayo ng pundasyon ng bahay. Siguro kapag finishing na ay saka lang ako gagawi doon.

On the other hand, dahil sa dami ng trabaho, hindi ako nakasama sa pagsilip sa lupang papatayuan ni Mr. Gogna ng kanyang resort. Pero personal akong naroon sa contract signing. Ibang engineer naman ang pinasama ko sa kanya para i-inspection ang lugar.

As for me, tigil muna ako sa mga escapades ko. Sa dami ng trabaho ay di ko man lang magawang lumabas. Halos bahay-opisina muna ako. Ayos lang naman sa akin dahil hindi ko naman hinahanap-hanap ang pag-uuwi ng babae.

I was busy signing all pertinent documents para sa mga projects na sisimulan ng may tumawag sa business phone ko.

"Hello? Reyes Construction?"

"Yes. How may I help you?"

"This is Patricia Tumulak, secretary po ako ni Mr. Samuel Gogna, he is inviting you to visit the site po this coming Saturday. Baka daw po free kayo? Hindi daw po kayo nakasama sa mga contractor nun last visit nila dito."

"Ah yes. Tell Mr. Gogna , I'd look into my schedule. I'll call his office kapag nakita ko na yun weekend plans ko. Baka kase may mga meetings or events akong naka-list sa planner ko."

"Ah Sir, Mr. Gogna said, he won't take no for an answer. Gusto daw niya na ikaw mismo ang makakita sa site."

"Ganun ba?"

"Yes, Sir."

"Okay, just tell him I'll be coming over sa Saturday. I'll just cancel my other plans if ever meron."

"Sige po. I'll tell Mr. Gogna na it's a deal. See you, Sir."

"Sige.Bye!"

May mga kliyente talaga ang ganun. Gustong maging hands on sa pagpapatayo ng kanilang buildings. Sila yun nagbabantay pati sa trabaho upang masunod yun kanilang gusto. Kaya hindi rin ako makatanggi dahil sanay na ako sa mga ganung klase. Buti na lamang ay may background ako sa sales. It's a must na maging magiliw sa kanila. Sila kase yun mga passionate clients. And Samuel Gogna is one.

•••••••

Saturday, 5:00 am.

I woke up early. Gusto ko kaseng umalis ng maaga para makauwi rin ako kinagabihan. Anyway, 3 1/2 hours  to 4 hours lang naman ang biyahe mula sa Maynila papunta sa Borawan, Quezon. Sandali lang ako mag-stay and maybe by mid-afternoon ay makauwi ako. Alam kong may beach sa lugar bukod sa mountainous ito. Kaya nagdala ako ng 2 extra shirts at 1 board shorts at isang khaki shorts if in case magyaya si Mr. Gogna na magswimming.

Mga 9am ay dumating ako sa rest house nila Mr. Gogna. Magiliw ang mga tauhan niya. Nagserve agad sila ng breakfast sa  gazebo sa tabing dagat. Sa likod kase ng resthouse ay naroon ang white sand beach ng Borawan. Borawan dahil pinaghalong, Boracay at Palawan. Tunay ngang maganda ang lugar.

Pagkatapos kumain ay inikot namin ni Samuel ang buong hasyenda sakay ang kanyang 4×4 truck.

Namangha ako sa ganda ng lugar. Kaya pala gusto niyang ako mismo ang mamahala dahil ayaw nitong masira ang ganda ng hasyenda. It is a 40 hectare land na overlooking the sea, a small river on the middle of the forest at ilang mga mini falls sa kagubatan.

Napakaganda ng lugar.

"Engineer, okay lang ba na imbitahan kitang dito na magpalipas ng gabi? Magpapaluto kase ako sa bagong empleyadong nahire ko para sa resort.

"Hindi po ba nakakahiya?"

"Please call me Sam. Nakakatanda yun formalities. Hindi nakakahiya. I insist."

"Sige po. Kung yan ang gusto ninyo. Buti na lamang ay may dala akong mga damit sa kotse. For emergency din kase."

"Good! It' s settled then?"

"Yes."

Wala na akong nagawa. Gusto ko man umuwi ay ayokong tanggihan si Sam.

Mabait pala ang taong ito, nalaman kong halos magkasing tanda lang kami. Maganda ang rest house niya. Iisa siyang anak kaya lahat ng mana ay sa kanya napunta. At dahil sa mahilig siya sa nature trip ay naisipan niyang magtayo ng resort sa probinsiya. At maswerte akong ako ang napiling gumawa noon.

••••••••

I was walking by the beach when, lunch was served.

"RJ, kumain ka ng kumain ha."

"Oo. Masarap lahat yun food. Sino nagluto?"

"Ah, yun bagong hire kong manager."

"Manager?"

"Oo, si Dei. Siya yun magiging head Manager ng resort. Magaling siya at maganda pa. Mabait pa. Magugustuhan mo siya."

"Sir, naku hindi ako naghahanap ng girlfriend."

"Ay, sorry. Basta ipapakilala kita. Kung okay lang naman."

"Okay lang."

Lingid sa kaalaman ni Sam ay may tumatakbo ng kawalanghiyaan sa isip ko. Ano nga kaya ang lasa ng babaeng probinsiyana?

A/N Maharot ang utak nito ni RJ. Magkita na sila. Malaman kung anong mangyari.

About DTBY, ang galing ni Maine. Naawa ako sa kanya sa ibang eksena pero alam kong siya ang bida.



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro