4
Dei
Ngayon ang araw ng interview ko para sa posisyong Manager ng Resort. Kinakabahan ako. Dumayo pa ako sa kabayanan para puntahan ang opisina ni Mr. Samuel Gogna. Siya ang may-ari ng resort na itatayo sa lugar namin.
Naghintay pa ako sa pagdating ni Mr. Gogna. Nanggaling pa daw ito sa Maynila para sunduin ang Contractor na gagawa ng resort. Naikwento lang sa akin ng Secretary nitong si Miss Patty.
Habang naghihintay ay nagkwentuhan muna kami. Nabanggit niyang binata ang boss niya at type niya ito. Alam daw niyang hindi mangyayari yun pinapangarap niya dahil si Mr. Gogna ay mayaman, samantalang siya ay hamak na sekretarya lamang. Hindi nga daw siya napapansin nito.
"Miss Patty, I'm sure pagnatitigan ka ng boss mo, mahuhumaling sayo iyon. Ang ganda ganda mo kaya. Sexy pa."
"Naku bolera ka ha! Ikaw din, ang ganda mo!"
"Di naman masyado Mam. Slight lang. Hahaha!"
"Alam mo, magkakasundo tayong dalawa. Pag nagawa na ang resort, dun na rin kami mag-opisina. Magkakasama tayo dun kapag natanggap ka."
"Naku, sana nga, Miss Pat. Kailangan ko talaga ng trabaho dito sa probinsiya natin."
"Bakit? Di ka ba nag-apply sa Manila?"
"Ayaw kase ng Tatay at Nanay ko. Dito na lang daw. Buti nga magtatayo dito ng resort, kahit nga cook o kaya resort staff okay na sa akin. Basta dito lang ako sa atin makapagtrabaho."
"Matanong kita ha, gusto mo ba na dito na lang? Kase parang walang pag-asenso dito sa lugar natin."
"Kung ako masunod, gusto ko sa ibang bansa magtrabaho. Gusto ko naman mabigyan ng magandang buhay ang pamilya ko. Pero sabi ni kuya di daw masaya na malayo sa pamilya. Kaya ayun nagbago ang isip ko. Saka na siguro ako mag-abroad."
"Ang bait mong anak. Teka, may boyfriend ka na ba?"
"Naku, Miss Pat, wala pa. Hindi pa pwede. Kailangan maayos muna ang buhay namin."
"Mahigpit ba parents mo?"
"Hindi naman. Ako lang ang may gusto. Saka na. Bata pa naman ako e."
"Kunsabagay, ay andiyan na si Boss. Upo ka lang muna diyan. May kasama pang kliyente. Pagkatapos nila mag-usap, tsaka kita isingit ha."
"Sige Miss Pat."
"Huy, Patty na lang. Dei Capili diba? Dei na lang itawag ko sayo."
"Sige Patty."
Naupo lamang ako habang hinihintay na matapos ang meeting ni Mr. Gogna. Pagdating kase nito ay dumiretso agad ito sa opisina niya.
Matagal-tagal din si Patty sa loob ng room ng boss kase marahil naglilista siya ng mga pinag-uusapan ng mga nasa loob.
Naiinip man ako pero kailangan kong maghintay. Kaya ang ginawa ko na lamang ay nagbasa-basa ng magazine.
Halos matapos ko na ang lahat ng mababasa sa waiting area ay wala pa rin si Patty. Di kaya nalimutan na niya ako na naghihintay.
Di ko namalayan na napaidlip ako sa upuan ko dahil sa sobrang inip at paghihintay ng bigla akong magulat dahil tinapik ako ni Pat. Nakita kong mag-alas 12 na ng tanghali at nakaramdam na ako ng gutom.
"Uy, sorry Dei natagalan. Umalis na yun mga kausap ni Boss. Tara na. Maglunch break na yun. Isingit na kita."
"Naku sorry nakatulog ako. Sige sige. Teka maayos pa ba ang itsura ko?"
"Oo naman. Tara."
Sumunod ako kay Patty. Pagpasok ko ay iginala ko ang paningin ko sa opisina ni Mr. Gogna.
"Sir, andito na po yun applicant natin sa resort, this is Miss Dei Capili." Bungad ni Patty.
"Good morning Sir."
"Good morning. Sit down please."
Umupo ako sa upuan sa harap ng mahogany table ni Mr. Gogna. Tumingin ng diretso sa
kanya.
"So, you're applying for the managerial position?"
"Yes, Sir."
"I believe this would be your first job pagnatanggap ka dito?"
"Yes, Sir."
"Why do you choose to apply here well in fact madaming magandang opportunity sayo sa ibang lugar like sa Manila. I might say, I'm impressed sa credentials mo. You're Magna Cum Laude. You graduated at the top of your class."
"Sir, Naniniwala po kase ako na bago ako maglingkod sa ibang bayan ay dito muna sa aking bayan. And I want to be a good example to other young people like me to be a productive person para sa ikauunlad ng bayan niya."
"Well, how heroic ha! Pero are you sure, you want to stay here?"
"Sir, to be honest, I wanted to work abroad to earn more, pero after weighing things over, it's much better to stay here. I wanted to still be with my parents. No one will look after them after my brother left us to work as a CPA in Manila. Though he said that he is earning a higher compensation compared to the rates offered in our province but still, he feels unsatisfied because he lives far away from his family. So, upon thinking about my situation, I decided to stay."
"Okay. So I wont make this meeting long. I'm hiring you as one of the Managing staff of my resort. But for the mean time, habang hindi pa naitatayo ang resort, you will have to undergo trainings and seminars. Pero hintay pa tayo ng konti ha, kase kailangan ko ng 3 more managers. And as of now, ikaw pa lang ang natatanggap."
"Naku, sir Thank you! This means so much to me. Salamat!"
"Youre welcome. O paano, maglunch ka na. Tanggap ka na!"
"Thank you Sir."
"See you soon. I'll let my secretary call you as soon as we have hired the three other Managers para sa resort. But for now, enjoy mo muna yun pagiging graduate mo."
"Sige po, Sir. Thank you po uli."
As soon as lumabas ako, napatili ako ng walang sound.
"Yes!"
"Huy, Dei, ano? Natanggap ka?"
"Oo! Salamat Patty ha! Hulog ka ng langit!"
"Bakit? Wala naman akong ginawa."
"Basta! Ikaw ang lucky charm ko. Thank you ha."
"Sige. Friends na tayo?"
"Friends."
Iyon lang at nagpaalam na ako kay Patty.
Kasabay ng paglabas ko sa maliit na opisinang iyon ay ang pagsilay ng magandang bukas sa aking buhay. Salamat sa Panginoon.
A/N I hope you're enjoying. Baka bukas na po ako makapag-update uli dahil may coffee date ako sa high school friends ko. Anyway, Good Night
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro