Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

39

RJ

Inihatid muna namin si Mommy kala Sam. Sinabi ko kay Dei na maglakad-lakad muna kami sa dalampasigan bago ko siya ihatid pauwi sa kanila tutal, alas kwatro pa lang naman ng hapon.

"Mahal, anong masasabi mo sa usapan nila Mommy at ng mga Tatay mo?"

"Mahal, masaya ako na payag na sila Nanay. Kaya lang ano kase.."

"Ano?"

"Mahal, huwag mo muna akong tanungin ha. I mean huwag ka munang mag-propose. Hindi ko pa kase alam ang sagot ko."

"Mahal mo ba ako?" May lungkot na tanong ko.

"Oo naman. Mahal na mahal kita. Kaya lang kase, ayoko namang mabago yun plano ko sa buhay. Gusto ko pa kaseng makatulong kala Nanay. Isa pa, sasandali pa lang tayo."

"Kahit na."

"RJ? Pakinggan mo ng muna kase ako."

"O sige, ipaliwanag mo."

"Ayun nga. Papayag naman ako,huwag lang muna ngayon?"

"Gaano katagal?"

"Malapit na. Basta malalaman mo rin kapag oras na."

"Paano ko malalaman?"

"Basta."

"Dei, willing akong maghintay. Kaya lang huwag namang matagal. Nahihirapan akong hindi kita kasama. Lagi na lang kita naiisip. Tutal okay na kami nila Mommy. And eventually maayos na yun sa kay Dad. Ikaw na lang ang kulang."

"Alam ko naman yun, mahal. Pero huwag kang mag-alala. Tapat ako sayo. At ikaw lang ang mahal ko. Ikaw lang. Please trust me naman."

"Sige. Pero, mahal tandaan mo, mahal na mahal kita. Wala na akong ibang nanaisin kundi makasama ka habang buhay."

"Aysus! Senti ka mahal. Pero don't worry, malapit na. Relax ka lang. Magsimula na pati ako sa isang linggo ng trabaho. So ibig sabihin, malapit mo ng makuha ang sagot mo."

"Talaga?"

"Oo naman."

"Buti na lang pinamadali ko trabaho sa resort. Kaya nga nagdagdag ako ng tauhan para matapos na para mapakasalan na kita."

"Kaya pala ang bilis matapos. Konti na lang tapos na. Pero sabi ni Patty, pinasisimula na ni Sam ang opening next week."

"Good. Magleave ako ng isang linggo. Sama ko si Mommy sa opening."

"Sira ka talaga! Yun trabaho mo?"

"May mga tauhan ako remember?"

"Oo ikaw na may-ari ng kumpanya. Yabang!"

"Mahal, kapag kasal na tayo, magiging may-ari ka na rin."

"Tama na nga. Tara doon tayo sa malaking bato. Gusto kong mag-upo doon."

Hinila na niya ako para puntahan ang malaking tipak ng bato. Paborito kase naming tambayan yun kapag narito kami sa resthouse ni Sam.

Alam kong konting panahon na lang ang hihintayin ko. Everything will fall into place just like what I imagined it would be.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro