36
Dei
Masaya ako para kay Richard. Alam kong matagal na niyang gustong makasama ang Mommy niya.
Hinayaan ko lang silang mag-ina mag-usap. Time nila iyon para sa isa't-isa. Ayokong pumagitna sa kaligayahang nararamdaman nila ngayon.
Nandito lang ako sa tabi habang pinagmamasdan sila. Kaya lang lumapit si RJ para pasalamatan ako. Ganun din ang Mommy niya. Humiling pa ito na magpakasal na daw kami. Nagulat ako pero, alam kong dadarating din naman kami dun. Sigurado na naman ako kay RJ e. Walang duda. Yun nga lang dapat ipagpaalam muna niya ako sa mga Nanay at Tatay ko. Kung gagawin niya iyon, baka sakaling pumayag na ako. Kahit di pa ako nagsisismula sa trabaho. Pwede ko pa rin naman gawin yun kahit mag-asawa ako.
Pero, hangga't di ako tinatanong ni RJ, tuloy ang buhay ko.
☆☆☆
Hinatid namin ni RJ ang Mommy niya sa lobby ng condo. Ibinigay nito ang address niya kay RJ para alam ni RJ kung saan pupuntahan ang Mommy niya.
Walang sisidlan ang sayang nararamdaman ni RJ.
"Mahal, thank you ha! Pinasaya mo ako! Napadali pa ang paghahanap ko sa Mommy ko dahil sayo." Papaakyat na kami sa unit niya habang nakasakay sa elevator.
"Mahal, di ko naman sinadyang makita si Mommy mo, naawa lang ako sa kanya kanina kase ang bigat ng mga pinamili niya. Tinulungan namin ni Ate Camille at ayun nga nagtanong siya kung ano daw ang pangalan ko. So nung sinabi ko, tinanong ko din siya kung ano ang pangalan niya. Naalala ko yun sinabi mo na Rosario Reyes ang pangalan niya kaya ayun, sinabi ko na nobyo kita. Kung nakita mo lang mahal ang reaksiyon niya kanina, naku sobrang saya. Naiyak nga siya sa sobrang ligaya. Matagal ka na daw niya gustong makita."
"Ako din naman mahal, nung nakita ko si Mommy, halos di ako makapaniwala. Ikaw pa talaga ang nakahanap sa kanya. Samantalang ang laki na ng nabayad ko para ipahanap siya, ikaw lang pala makakatagpo kay Mommy. Kaya salamat mahal."
"Walang anuman yun, RJ. Basta para sayo." Nakapasok na kami sa unit niya at dumiretso ako sa kusina para kumuha ng tubig.
"Teka, kamusta yun pamimili ninyo ni Ate Camille?"
"Okay naman. Ang gaganda nga nung mga nabili namin. Ang cute nga e."
"Tayo kaya, kailan tayo mamimili ng para sa baby natin?"
"Hindi pa tayo kasal, hoy! Teka,naalala ko lang, diba sabi mo may nagpadala sayo ng mga baru-baruan ng bata? Yun sabi mo galing sa Mommy mo?"
"Oo. Kaya nga ipinahanap ko siya e."
"Kase sabi sa akin ni Tita Rose, hindi daw siya ang nagpadala nun. Sino kaya ang magpapadala ng mga yun sayo? At bakit siya nagpadala ng ganun? Saan niya nakuha yun?"
"Mahal,di ko alam. Pero buti sinabi mo. Kailangang paimbestigahan ko yun. Dapat malaman ko kase baka may masamang balak ang taong nagpadala nun."
"Mag-ingat ka mahal. Baka kung anong balak nung gumawa nun."
"Oo mahal. Para sayo. Papakasalan pa kita."
Niyakap niya ako. Ramdam ko ang pagmamahal niya at pasasalamat.
Sana nga lang wala ng maging problema. At sana yun taong nagpadala ng package na yun kay RJ ay mahuli para malaman kung ano ang motibo niya. Natatakot akong baka masama ang balak ng taong yun kaya ginawa niya yun. Pero sana, gusto lang niyang tumulong kay RJ. Na bigyan ng pag-asa si RJ na buhay pa ang nanay niya at dapat niyang hanapin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro