35
RJ
Madaming trabaho akong dinatnan sa opisina matapos kong ihatid si Dei sa bahal ng kuya niya. Ayoko sanang pumasok para makasama siya kaya alng pinilit ako ni Dei na huwag mag-absent. Di ko alam kung bakit kinakabahan ako.
Nagpakabusy na lang ako buong araw. Occasionally tinetext si Dei o kaya tinatawagan kapag pagod na ako sa trabaho.
Sinabi niyang nasa Mall sila ngayon ni Ate Camille para mamili ng mga damit ng baby.
Nabanggit niya na hindi na rin siya magpapasundo dahil ihahatid na lang daw siya ng kuya niya pauwi. Bagay na tinututulan ko kase gusto ko nga na sunduin siya. Wala rin akong nagawa dahil mapilit. Ayoko namang mag-away kami kaya hinayaan ko na lang. Mag-aalas kwatro pa lang ng hapon ay ata t na akong umuwi.
Tinawagan ko siya kaya lang cannot be reached amg cellphone. Saan naman kaya nagsuot yun.
Tinawagan ko ang kuya niya at tinanong kung nagkausap na ba sila ni Dei pero sabi nito, umalis daw ng 3pm sa kanila. Naghalf-day daw siya para sunduin ang dalawa sa mall. Doon na daw sila naghiwalay dahil may aayusin pa si Dei. Nagtataka ako kase wala naman siyang kakilala sa Maynila at bakit may pinagkakaabalahan siya. Nabother ako kase baka kung napaano na ang mahal ko.
I tried calling her habang nagdrive ako pauwi. Good thing sinagot na niya.
"Mahal, san ka na? Kanina pa kita kinokontak."
"Dito na ako sa condo mo. Kakadating lang. Naubos amg charge ng phone ko kaya di ka makatawag."
"Okay ka lang ba? Pauwi na ako."
"Okay naman. Bilisan mo ha! Miss na kita."
"Miss na rin kita. 5 minutes nandiyan na ako."
"Can't wait, mahal. Baba mo na yun call. Baka maaksidente ka pa sa pagtawag e nagdriv ka."
"Okay, see you." Nagmadali na akong makauwi. Hindi na ako dumaan kung saan dahil gusto ko ng makita si Dei.
Pagdating sa condo ay binuksan ko ang pinto pero wala siya sa sala.
"Dei, mahal?"
"Wait, mahal. Hintay ka lang diyan. May inaayos lang ako."
"Anong inaayos mo?"
"Basta. Close your eyes mahal."
"Kinakabahan ako sa pasurprise mo. Ano ba yan?"
"Basta close your eyes. Di ko ibigay ang surprise ko sige ka!"
"Eto na po, nakaclose na. Bilis, excited na ako."
Naramadaman ko na lang na palapit na siya.
"Open mo na.."
Pagdilat ko ng mata, bumungad sa akin ang Mommy ko. Napaluha ako. Tumayo at niyakap ang babaeng nagluwal sa akin.
"Paano?"
"Nakita ako ni Dei sa mall. Tinulungan niya ako na makita ka. Anak andito na ako."
"Mommy, miss na kita. Kung alam mo lang kung gaano kota hinanap. Mommy..."
"Anak, ako din. Halos ikamatay ko ang pag-alis ninyo ng Daddy mo pero kinaya ko kase alam ko magkikita pa tayo. Eto na yun anak. Hindi na tayo maghihiwalay."
"Mommy, ang saya ko! Buhay ka! Kala ko nawala ka na, pero andito ka."
"Anak hinanap kita. Noong nagkapera ako,hinanap kita kaya lang di kita nakita. Buti nakilala ko si Dei, kundi hindi na tayo magkikita. Mabait na bata yang nobya mo anak."
Tumingin ako kay Dei na naluluha rin sa nasaksihan niya. Tumayo ako para yakapin siya at pasalamatan.
"Mahal, salamat. Napakalaking sorpresa ang binigay mo sa akin. Ang saya ko. Salamat, mahal."
"RJ, mahal gusto kitang lumigaya. Nagpapasalamat din ako dahil nakatulong ako para makita mo ang Mommy mo. Salamat po Panginoon."
Niyakap ko ang dalawang babaeng mahal ko. Hindi ako makapaniwala na makakasama ko ang mommy ko.
Nagkwentuhan pa kami ni Mommy. Nagbalik tanaw sa mga nakaraan,sa mga nangyari sa buhay namin habang magkahiwalay kami.
"Anak, patawad,wala ako sa tabi mo ng nasasaktan ka."
"Mom, okay lang yun. Naging matatag ako dahil doon."
"Ang daddy mo? Kamusta na siya?"
"Ayun, hiwalay na sila ng asawa niya. Mabuti na rin yun dahil puro hirap lang dinanas niya kay Tota Malou."
"Anak, hayaan mo na si Daddy mo. Alam kong natuto siya sa pagkakamali niya."
"Sana nga Mommy."
"Dei, iha, halika dito. Salamat iha. Kundi dahil sayo, malamang hindi pa kami magkikita ng anak ko. Malaki ang utang na loob ko sayo."
"Walang anuman po iyon, Tita. Para po kay RJ, gagawin ko ang lahat."
""Kaya mahal kita, Dei e."
"Ako din naman. Mahal na mahal kita."
"Mga anak, kelan kayo magpapakasal?"
"Naku,Tita kasisimula pa lang po namin ni RJ."
"O e ano. Bagay kayo. Masaya kayo sa isa't-isa. Pwede na siguro. Nakikita ko naman na nagmamahalan talaga kayo."
"Wala pa po akong trabaho. Magsimula pa lang. Ayoko naman pong umasa na lang kay RJ."
"Anak, hayaan mong ang lalaki ang kumilos. Kumikita naman ng maganda si RJ. Isa pa, ang lahat ng pag-aari ko, ipapamana ko sa inyong dalawa."
"Naku,Tita nakakahiya po."
"Anak,gusto kita para sa anak ko. Alam kong magiging mabuti kang asawa sa kanya. Kaya hindi ako papayag na hindi kayo magkatuluyan. Ako ang gagastos kung kinakailangan."
"Salamat po pero,hindi pa ho nagtatanong si RJ."
"Rj, anak, huwag mo ng pakawalan si Dei. Siya lang ang gusto ko."
"Oo naman Mommy. Ngayon pa na nakita na kita. Lubos na kaligayahan ko. Kuntento na ako. Lwede na akong mag-asawa."
Kinurot ako ni Dei ng marinig niya ang sinabi ko. Pero nangako ako na yayayain ko siyang magpakasal kapag natagpuan ko na si Mommy. Ihahanda ko na lang yun proposal ko. Gusto ko na maging engrande iyon, para sa babaeng hulog ng langit para sa akin.
Pinagmasdan ko ang dalawa, masaya silang nag-uusap na parang magbiyenan o mag-ina na talaga. Nakita ko yun kasiyahan ni Mommy dahil na rin sa tulong ni Dei. Pakakawalan ko pa ba si Dei? Hindi na! Magtatapat na ako. Pero bago ang lahat may aayusin pa akong isa.
A/N Bukas na po uli. Medyo masakit na ang mata ko at daliri. Pahinga lang ng konti at dalawa itong inaupdate ko.
Thanks sa comments and votes.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro