33
RJ
Parang nakajackpot ako at kasama ko ngayon si Dei.
Iniwan ko muna siya sa kwarto niya at magtoothbrush daw muna. Kaya ginawa ko na rin ang evening rituals ko bago kami matulog. Wala naman akong balak gawing masama dahil ayokong matakot si Dei. Iginagalang ko siya.
Maya-maya ay kumatok na si Dei.
"Mahal? Tulog na tayo." Tanong niya.
"Tara na dito. Gusto mo ba magbukas ng TV para pampatulog?"
"Hindi na. Matulog na tayo. Gabi na pati. Anong oras na ba? May pasok ka pa bukas."
"Maaga pa naman. Pero kung ayaw mo, tara higa na tayo." Inalalayan ko siya na mahiga sa parteng kanan ng kama.
"Gusto mo bang isara natin ang kurtina para hindi mo makita yun labas?" Tanong ko uli sa kanya.
"Okay na yan. Naaaliw nga ako sa ilaw. Leave it that way."
"Okay. Tara na?"
"RJ, sobrang lakas ata ng aircon, ang lamig grabe!" Napansin niyang nilakasan ko yun aircon kase gusto ko ngamg sumiksik sa kanya mamaya pagtulog.
"Malamig ba? Naiinitan kase ako e." Pero sa totoo lang malamig talaga.
"Teka, balik ako sa kwarto, kuha ako ng medyas."
"Meron ako dito. Hindi pa gamit. At saka aanhin mo yun medyas?"
"Aba, maginaw e. Sandali."
"Huwag na. Meron nga ako." Kumuha ako ng medyas sa walk in closet ko at inabot ko sa kanya. Isinuot naman niya at nahiga na. Lumapit ako sa kanya. Bago ko pa man siya mayakap ay..
"Sandali. May rules tayo ha."
"Rules? Anong rules?"
"Hindi ka pwede humawak sa katawan ko. Bata pa ako. Bawal dumagan. Hanggang yakap lang pero di pwede mahigpit. Bawal gumapang ang kamay kung saan. Tapos ang kiss, hindi pwede matagal."
"Dami naman niyan. Pwede ba konti lang?"
"Hindi pwede. Sumunod ka. Kundi lilipat ako sa kabila."
"Hay!" Napasabunot ako sa buhok ko. Ang kulit din ng mahal ko e.
Nahiga na rin nga ako at lumapit sa kanya. Aba ba naman, tumalikod. Gusto ng spooning. Kaya hinila ko at idinikit sa harapan ko ang likod niya.
"Mahal, ano yan tumutusok sa likod ko? Nakakadistract naman yan."
"Mahal si ano, nagagalit."
"Ano? Sinong nagagalit?"
"Si kuwan.. si Junjun.."
"Sinong junjun?"
"Si junjun. Di mo kilala?" Napahaap siya sa akin.
"Sino nga yun? Nakakainis ka!"
"Eto o.." tinuro ko sa kanya yun alaga ko.
Napasapo ng bibig si Dei.
"Ikali mo yan!"
"Paano?"
"Aba malay ko sayo."
"E katabi kita e."
"Pwes, aalis na ako ganun ba?"
"Hindi. Hayaan mo na!"
"E di nga ako makadikit sayo. Nakakatakot yang alaga mo!"
"Pagbigyan mo na kaya. Para matulog na."
"Sapak? Tumigil ka nga."
"Alam ko naman yun e. Baka kako kase makalusot. Alam mo na."
"Naku kahit ilabas mo pa yan sa harapan ko, deadma!"
"Pwede?"
"Anong pwede?"
"Ilabas?"
"Sampal gusto mo? Baka putulin ko yan!"
"Di na." Tumayo ako. Dumiretso sa Toilet. Naligo. Alam na niyo yun.
Paglabas ko, lalo akong gininaw. Mabilis akong tumabi kay Dei at yumakap sa kanya.
"Ayan,tulog na."
"Galit ka?"
"Bakit?"
"Di pa kase ako handa,mahal."
"Okay lang. Basta kasama kita masaya ako."
"Pag handa na ako, alam mo na.."
"Maghihintay ako."
"O sige, kiss na lang muna,mahal."
Napangiti ako. Ang mga lalaki talaga, madali talagang tablan ng init, kaya lang, mahal ko si Dei at ayoko siyang pilitin sa mga bagay na hindi pa siya handa. Makakapaghintay pa naman ako. Sana.
Matapos ang matinding halikan, nagyakap na lang kami at nagsimula ng matulog.
"Mahal, I love you.."
"I love you, too. Goodnight na mahal, may pasok ka pa bukas."
"Goodnight."
Niyakap ko siya. Hanggang maramdaman kong tulog na siya kase base sa paghinga niya, ramdam kong himbing na ang tulog ni Dei. Samantalang ako, iniisip ko pa rin na sana makita na si Mommy, para masimulan ko ng ayusin ang paghingi ng kamay ni Dei. Sana nga lang wala ng hadlang pagnangyari yun.
Naniniwala kase ako na kapag nakaranas ka ng kaligayahan, may kapalit na kalungkutan. Huwag naman sana. Ayokong masira kung anuman ang mayroon kami ni Dei.
A/N Bukas po uli..
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro