29
Dei
Nakabalik na si RJ sa Maynila noong Lunes. Bago siya umalis ay dumaan siya sa bahay. Nagpaalam sa mga magulang ko at sa akin. Malungkot man ako pero kailangan kong tanggapin na may araw talaga na kailangan niyang bumalik sa Maynila dahil doon naman siya talaga nakatira.
Pagkaalis niya ay pumasok na ako sa trabaho. Dumiretso ako sa opisina. At kahit maaga pa ay pinili ko na lang na simulan agad ang trabaho ko.
Araw-araw na ginawa ng Diyos ay ginagawa kong busy ang sarili ko para hindi ko gaanong maramdaman ang lungkot. Nagtetext naman si RJ palagi kaya lang iba pa rin kapag magkasama. Mas ramdam ko na magnobyo kami. Pero okay na rin, kahit papaano, kahit malayo kami sa isa't-isa ay nakakapagbalitaan kami sa mga nagaganap sa aming dalawa.
Kapag gabi naman ay tumatawag siya para makapag-usap kami kahit sandali lang. Minsan di ko mapigilan maluha dahil miss na miss ko siya kahit naman ilang araw na lang ay babalik na siya.
Pagdating ng Biyernes ay masaya akong gumising. Alam kong ngayon ang araw ng dating ni RJ. Nag-ayos ako kase baka biglang dumating sa opisina ng walang pasabi. Alam na alam ko kaya ang style nun. Ang hilig manorpresa.
At di nga ako nagkamali, sinundo ako bago pa man tumuntong ang alas singko ng hapon. Naka-abang na agad siya sa harap ng opisina. Hinihintay ako habang nakasandal sa kotse niya. Ang gwapo talaga ng boyfriend ko. Kaya naman sila Tinay at Paolo ay inggit na inggit. At lalo na ang nag-iisang kontrabida sa aming opisina na si Juliana. Si Patty naman ay nanatiling kaibigan ko kahit napromote na siya bilang girlfriend/ sekretarya/ alalay/tagapag-alaga ni Sir Sam.
"Mahal, kanina ka pa?" Sabay lapit niya sa akin at humalik sa buhok ko.
"Kakadating ko lang mahal. Namiss na kita kaya inagapan ko punta dito. Wala naman gaanong gagawin sa opisina dahil may mga inutusan na akong umasikaso nun."
"Naku pagod ka na. Dapat nagpahinga ka na muna sa resthouse ni Sir Sam bago ka nakipagkita sa akin."
"Hindi ako mapapagod kailanman basta sayo! Tandaan ko yan. Tara na. May ibibigay ako sayo."
"Ano na naman yan? Diba sabi ko sayo, tantanan mo ang kabibili ng regalo para sa akin. Nangliliit tuloy ako lalo sa sarili dahil sa mga gawa mo."
"Mahal naman, hayaan mo na ako. Minsan na nga lang tayo magkasama, pinipiit mo pa akong ipamper ka ng gifts."
"Hindi nga kase dapat ganun. Simple lang naman ako. Ang gusto ko lang andiyan ka at magkasama tayo."
"Speaking of magkasama, sumama ka naman sa akin sa Maynila, kahit isang linggo lang. Para maipasyal din kita doon."
"As if naman papayagan ako ng Nanay at Tatay ko. At isa pa may trabaho po ako."
"Ipapaalam kita. Siguro naman okay lang?"
"Huy, hindi! Huwag mong gagawin yun. Di pa ngayon. Saka na. Di pa nga tayo tumatagal ng isang buwan, sasama na ako agad ako sayo mag-isa. Hindi no!"
"Okay. Pero sa tamang panahon."
"O tara na. Dadaan pa tayo ng palengke. Ipagluluto kita ng sinigang. Diba paborito mo yun?"
"Naku, gusto ko yan. Yun sinigang na spareribs ha. Ayoko kase ng matatabang pagkain."
"Okay. Tara."
Dumaan kami sa palengke para bumili ng ingredients. Gusto niya sanang siya ang magbayad pero di ako pumayag. Nakakahiya naman sa kanya dahil ibinili na nga niya ako ng bagong cellphone na mamahalin. Siguro naman tama lang na ipagluto ko siya ng masarap na hapunan.
"Mahal, namiss kita, sobra. Namiss mo ba ako?" Tanong niya habang binabagtas na namin ang daan pauwi.
"Oo naman. Hinihintay ko nga ang araw na ito e."
"Anong mga ginawa mo buong linggo?"
"Ayun, nagtrabaho, at pag uwi ko, siyempre tumutulong kala Nanay. Eh ikaw ba? Anong pinagkaabalahan mo?"
"Madaming trabaho. Maaga ko tinapos ang mga papeles na dapat mapirmahan. May bago kaseng kliyenteng dumating noong wala ako sa opisina."
"Wow. Ang galing naman. Kamusta nga pala yun ipinahahanap mo?"
"Ayun, wala pa ring progress. Pero alam ko malapit ko ng makita."
"Sana."
"Dito na tayo."
Pagdating namin sa bahay, wala pa sila Nanay at Tatay. Dumiretso ako sa kusina para simulang isalang ang lulutuin ko. Si RJ naman ay nasa sala lang at nakaupo.
"May maitutulong ba ako, mahal?"
"Wala. Diyan ka lang. Hintayin mo ako. Kaya ko na ito."
"Wala ba akong kiss man lang sayo? Kakadating ko lang. Namiss pati kita."
Nilapitan ko siya at hinalikan sa pisngi.
"Grabe, panglolo naman yun halik mo, mahal"
"Okay na muna sayo yan. Mamaya pagkaluto ko."
"Sinabi mo yan ha.."
"Mamaya."
"Dei?"
"O bakit na naman?"
"I love you.."
"Love you, too."
Ang lambing aba!
Naggayat na ako ng mga gulay habang iginisa ang karne sa sibuyas at madaming kamatis.
Makalipas lamang ng ilang minuto ay dumating sila Nanay at Tatay. Inabutan nila kami ni RJ sa bahay. Wala naman kaming ginagawang di maganda sa paningin. Nagbabasa kase si RJ ng emails niya sa phone niya habang ako naman ay nasa kusina na nagluluto.
"Magandang hapon po, Nanay Sally, Tatay Dodong." Bati niya habang nagmano ako sa mga magulang ko.
"RJ, andito ka pala. Kaya pala may magarang sasakyan sa labas." Sabi ni Tatay.
"Ah opo. Sinundo ko si Dei sa opisina."
"Dito ka na maghapunan. Mukhang ipinagluluto ka ni Dei ng sinigang." Sabi ni Nanay.
"Ay opo. Gusto daw po niyang ipatikim ang luto niya sa akin."
"Masarap magluto yang batang yan." Sabi ni Tatay.
"Tay naman, baka maniwala si RJ. Di naman masyado."
"Napaka-mapagkumbaba naman ng bunso ko. Totoo naman e." Lambing ni Tatay sa akin.
"Salamat Tay. Tatay nga kita. Believe ka sa galing ko e."
"Siyempre, anak kita, mana ka sa main ng Nanay mo."
"Bolero yang ama mo, Dei." Sabat ni Nanay.
"Totoo naman, Sally." Depensa ni tatay.
"Nga po pala, ipapaalam ko po sana bukas si Dei. Pwede ko po ba siyang isama mamasyal?" Singit ni RJ.
"Naku, iho oo. Limang araw na itong nagkukulong sa kwarto kaiisip sayo. Lungkut na lungkot." Pambubuko ng tatay ko.
"Tay naman!" Namula ako sa sinabi ni Tatay. Nakakahiya.
"Kunwari ka pa. Ni ayaw mo ngang kumain kase naiisip mo si RJ."
"Tay naman! Tama na. Nakakahiya. Baka lumaki ulo niyang lalaking yan."
Ngumiti lang ng malaki ang lokong lalaki. Nagkatinginan pa sila ni tatay. Kaya bumalik ako sa kusina para tapusin ang niluluto ko. Halos mangamatis na ako sa hiya. Grabe ang tatay ko kung manghiya, wagas!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro