25
Dei
Akalain mo yun, may nobyo na ako? Kinikilabutan ako sa mga eksena. Pero go with the flow na lang. Naisip ko kase, bakit ba ako mabubuhay sa sasabihin ng iba? Abot kamay ko na yun ligayang hinihintay ko, pero nagpapabebe pa ako. Sinagot ko na nga para matahimik. Isa pa, kung ano man ang maging problema sa LDR na sinasabi nila, kakayanin ko naman siguro yun. Basta, i-enjoy ko na muna yun araw na ito na kami na. Sa isang araw, mararanasan ko na rin yun LDR. Pero buti na lang, may trabaho ako. Mayroon naman cellphone kaya makakapag-usap pa rin kami ni RJ habang nasa Maynila siya.
We went walking sa beach sand after our dinner. Dinala niya ako sa hinanda niyang sorpresa. Hindi pa pala natatapos dun sa dinner.
"Wow! Ang ganda naman dito."
"Nagustuhan mo ba, mahal?"
"Oo naman. Effort kung effort." Mayroon kaseng table for two sa isang gazebo sa tabing dagat. May isang waiter na naghihintay para magserve sa amin at may isang nagviolin. With matching candle light pa.
"Kumain na tayo diba? Bakit kakain na naman tayo?"
"Hindi. Wala lang. You want wine? Masarap kase makinig sa music sa tabing dagat, habang umiinom ng wine."
"Lalasingin mo ba ako?"
"Sige, juice ka na lang."
"Ayoko. Tea ako. Busog ako sa kinain natin."
"Sige." Umorder siya ng Moroccan tea at isang slice ng blueberry cheesecake. Hindi kase siya umorder ng dessert kanina sa resto dahil baka eto yun kaninang inasikaso niya. Ang tamis diba.
Andun lang kami sa tabing dagat, habang nakikinig sa pagtugtog ng musika mula sa violinist. Ang romantic.
Madami rin kaming napag-usapan, like yung set up namin. Sabi niya, every Friday ay uuwi siya sa Quezon para dalawin ako. And Sunday ng afternoon ang balik niya sa Manila para maasikaso rin ang negosyo niya. Okay na rin sa akin. Busy naman din ako sa trabaho. Siguro may 2 buwan pa bago matapos ang resort. Niyaya rin niya ako na pumunta sa Maynila para maipakilala daw ako sa mga trabahador at kaopisina niya pero, tumanggi muna ako. Saka na kapag established na ang relationship namin.
Masaya pala kausap si RJ. Ngayon lang nga kami nakapag-usap ng walang bangayan. As in seryoso talaga.
May mga ilang detalye rin akong natuklasan sa kanya. Seloso pala ang loko. Nabanggit ko kase sa kanya na ang isa sa manliligaw ko na si Badong e muntik ko ng sagutin, kundi lang natuklasan ko na isa't kalahating babaero ang walanghiya. Madami pala kaming nililigawan. At pati yun anak ni Aling Tale, na ubod ng kapal ng makeup sa mukha ay nililigawan. Buti na lang nahuli ni Tatay, kundi, isa na ako sa nabiktima nun.
"Huwag ka ng makikipag-usap dun sa Badong na yun!"
"Hindi ko siya kinakausap."
"Good. Seloso ako Dei."
"Okay." Tipid kong sagot.
"Ayoko ng may umaaligid sayo habang wala ako."
"Okay."
"Ayokong nagpapaligaw ka habang wala ako."
"Okay."
"Hindi pwede magsuot ng maigsi!"
"Okay."
"Puro ka okay. Anong reaksiyon mo?"
"Okay." Tumawa ako. Tawang sumasakit ang tiyan. Habang siya, seryosong nakatingin.
"Baliw!"
"Ako? Baliw pala ha!" Akmang tatayo na ako at lalakad pabalik ng villa namin ng hilahin niya ako at napaupo ako sa kandungan niya.
"Sorry na. Basta tandaan mo, seloso ako." Ipinulupot ang mga braso niya sa beywang ko. At hirap akong alisin yun.
"Okay na nga diba. Dami mong bilin! Hindi naman ako tulad ng ibang babae na papatol sa lahat ng manligaw. "
"Alam ko. Pero yun mga lalaking nakapaligid sayo, hindi ko yun mapipiit. Ang gusto ko lang, iwasan mo sila."
"Hindi mo na ako kailangan paalalahanan. Alam ko kung anong gagawin ko." Habang hinahawakan ko ang mga pisngi niya.
"Promise."
"Promise."
"Kiss nga. Para nama sealed with a kiss ang usapan na ito."
"Tsansing yan!"
"Hindi ah. Girlfriend na kita."
"Okay. Pero paalala, hindi ako marunong. Isa pa, nakakahiya sa kanila o. Nakatingin sila sa atin." Tinuro ko ang waiter na ang serve sa amin at ang nagviolin.
"Excuse me, okay na po. Pwede na po kayo magpahinga. Nahihiya na itong girlfriend ko." Napayuko ako sa tinuran ni RJ. Nakakahiya.
Nagsialisan ang dalawang crew na binigyan ni RJ ng tip. Nakaupo lang ako habang tinitignan siya na pinapaalis ang dalawa.
"Mahal, tayo na lang uli. Halika dito, kandungin kita."
"Okay na itong ganito. Diyan ka na lang."
"Ayoko. Kiss na nga kita o."
"He! Nakakahiya! Magtigil ka!" Pulang-pula na ang pisngi ko.
"Ako na lalapit. Kiss lang naman. Pakipot pa."
"Nakakainis ka." Wala na akong nagawa. Lumapit ang loko at hinila ako patayo para siya ang umupo at makandong ako. Kinikilig ako, grabe!
Tumingin siya sa akin at hinawakan ang mga pisngi ko.
"Tignan mo ako. Huwag kang mahiya."
"Eh kase.." pilit kong inilalayo ang tingin ko sa kanya.
"Please..." tumingin na ako. Mata sa mata, sabi nga ni govlloyd.
Marahan niyang inilapit ang labi niya sa akin. Pumikit ako ng maramdamang nagdikit na ang mga labi namin. Naramdaman ko na lang na bumuka ang labi niya sabay labas ng dila. Pinapasok ko naman. First time ito. Laway sa laway. Yun pala ang pakiramdam. Napahawak ako sa braso niya. Mahigpit. Mga ilang minuto rin yun. Pero sapat na para manghina ako.
"I love you, mahal." Sinabi niya habang nakadikit ang mga noo namin matapos ang mala-romantikong halik na yun sa dilim na bukod tanging kandila lang ang ilaw.
"Mahal din kita." Bulong ko.
"Kailan pa?" Tanong niya.
"Ewan ko. Matagal na siguro."
"Ako din. Mula pa lang ng makita kita sa tabing sapa. Mahal na kita, unang pagkikita pa lang natin."
"Ganoon ba? Hindi mo ba ako sasaktan?"
"Hinding-hindi. Pangako ko sayo yan."
"Aasa ako sa sinabi mo."
"Okay.."
"Okay?"
"Siyempre, mahal."
At muli niya akong hinalikan. Matagal, mariin, hindi mapusok lero puno ng pagmamahal.
Nanatili pa kami sa sitwasyong iyon ng sandaling panahon. Magkayakap, walang salitang namumutawi. At sa bawat pagtingin namin sa isa't-isa, may ngiting sumisilay.
"I love you, Dei." Bulong uli niya.
Inilapat ko ang ulo ko sa balikat niya. Niyakap ang lalaking unang nakakuha ng matamis kong halik.
Nahulog na ako ng tuluyan. Ganito pala kasarap yun pakiramdam na may nagmamahal at minamahal. Parang ayaw ko ng matapos ang gabing ito.
A/N Wala pong kasunod na SPG. Diyan lang po muna. Ang karakter ni Dei ay pang Maria Clara. So asahan po na walang magaganap na mahalay. Hehehe. Hindi rin po kase ako magaling sa ganyang usapan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro