Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

23

A/N Sorry for not updating agad. Dami po talaga gawain. Gawaan ng grades and syempre moving up exercises ng mga kids. Hindi ko po maisingit ang pagsusulat. Pero promise, next week start na ng vacation ng public schools kaya bakasyon na rin ang mga teachers.

Dei

Pagpasok ko ng kwarto, binuksan ko kaagad ang mga paper bags na inabot ni RJ.

Nakita ko na puno ito ng mga damit, shoes, slippers and bags. Hindi ko inakala na gagawin niya ito. Actually, medyo na irita ako. Ibig bang sabihin, ikinahihiya niya ang damit na suot ko. Na hindi ako nababagay sa mga lugar na ganito dahil obvious na poorita lang ako. At mukhang mumurahin lang ang mga damit? Ang galing ko rin ano? Imbes na matuwa at magpasalamat, nainsulto pa! Ganyan kase ang takbo ng isip ko. Lagi na lang palaban at ayokong parang naapi. Pati ba sa suot ko, nagrereflect ang pagkatao ko? Porke ba hindi ako nakabihis ng mamahalin at signatured e wala na akong kwenta? Napayuko ako. Nasaktan, kahit hindi naman dapat. Hindi ko tatanggpin ang mga iyon. Ayokong tanggapin.

Ibinalik ko sa supot ang mga iyon. Ibabalik ko iyon. Hindi nabibili ang pagmamahal ko. Paano ko siya sasagutin kung hindi pa man kami ay tumatanggap na ako ng mga mamahaling bagay mula sa kanya?

Umupo na lang ako sa silya sa may tabing bintana. Tinanaw ang labas kung saan may iilang mga magsing-irog ang naglalakad ng magkahawak ng kamay. Gusto ko rin makaranas ng ganoon kaya lang gusto ko munang makasiguro na hindi dahil sa pera o materyal na bagay ako makukuha ng lalaking pipiliin ko. Ang gusto ko ay tanggapin niya kung ano ako, mahirap man ako.

••••••••

RJ

Naisaayos na ng crew ang lugar kung saan ko dadalhin si Dei. Pero siyempre mamayang gabi pa iyon. Yayayain ko muna siyang i-enjoy ang maghapon sa mga water activities sa resort.

Bumalik ako sa villa namin after 1 1/2 hours. Tahimik lang ang lugar noong pumasok ako. Malamang natutulog pa rin si Dei dahil maaga siyang nagising dahil sa lakad na ito.

Pagpasok ko sa villa ay dumiretso muna ako sa kwarto ko para makapagpalit ng damit. Pinawisan kase ako sa kalalakad at kakakausap sa mga crew na kinasabwat ko.
Pagkabihis ay lumabas na ako. Nakaputing button down polo ako na tinernohan ng brown khaki shorts.

Umupo sa couch para hintayin si Dei kung lalabas siya. Nahihiya kase akong kumatok dahil baka natutulog si Dei, ay maistorbo ko siya. Nanood na lang muna ako ng TV at gumawa ng konting ingay para mapansin ni Dei na naghihintay na ako dito sa labas.

Maya-maya ay lumabas si Dei na suot pa rin ang damit na kanina pa niya suot mula ng dumating kami. Ibig sabihin, hindi niya nagustuhan ang binigay ko. Actually, mga damit na hindi malaswa ang binili ko para sa kanya. Yun mga babagay sa personalidad niya. Nagpatulong pa nga ako sa isang saleslady para hindi ako mahirapang pumili. Magkasing katawan kase sila ni Dei.

"Dei, nagugutom ka na ba?"

"Hindi pa naman. Ikaw ba?"

"Ah kumain ako ng konti kanina noong lumabas ako. Konti lang para pagnagutom ka, sasabay ako uli sayo."

"Ah okay. Maya na sigurong lunch ako kakain. Busog pa ako sa kinain ko sa bahay kanina."

"Dei?"

"Oh bakit?"

"Nagustuhan mo ba yun mga ibinigay ko sayo?"

"Ha? Alin? Yun mga nakabalot sa papel?"

"Oo. Yun mga damit. Nagustuhan mo ba?"

"Magaganda siya."

"E nagustuhan mo ba? Isinukat mo ba? Kasya ba?"

"RJ, hindi ko isinukat! Hindi ko na rin tinanggal sa lalagyan."

"Pero bakit? Ayaw mo ba? Gusto mo ba ibili kita uli ng iba? Anong klase ba nag gusto mo? Para pagbalik ko sa Maynila, mabili ko."

"RJ, hindi mo naman dapat gawin yun e. Hindi naman ako nagpapabili sayo. Hindi ko matatanggap yun binili mo."

"Bakit?"

"Ayoko."

"Bakit ayaw mo?"

"RJ, iniinsulto mo ba ako?"

"Teka, bakit ganyan? Hindi kita iniinsulto."

"Pwes,huwag mo akong bigyan ng materyal na bagay, kung gusto mong sagutin kita."

"Bakit? Wala namang masama diba?"

"Wala na nga. Pero sa akin, feeling ko, binibili mo pagkatao ko."

"Dei, hindi ganun!"

"Alam ko. Pero eto ako e. Ayoko na ginagastusan. Ayokong magkaroon ng utang na loob kahit kanino."

"Regalo ko sayo yun?"

"Please, RJ. Nagpapasalamat naman ako,pero ayoko sa ganitong paraan e mapapasagot mo ako. Isa pa, nahihiya ka ba dahil hindi nababagay ang suot ko sa ganitong mga lugar?"

"Grabe,Dei! Hindi sa ganun! Ganyan ka ba mag-isip?"

"Galit ka na ba? Iuwi mo na kaya ako?"

"Hindi ako galit? Pessimist ka pala talaga. Dei, hindi ganun ang intensiyon ko. Hindi kita ikinahihiya. At lalong hindi ko iniisip na iniinsulto kita."

"E iyon nararamdaman ko sa ginagawa mo sa akin e."

"Sorry, napaka-insensitive ko. Dami ko pa rin palang dapat malaman sayo."

"Sorry rin, RJ. Ang prinsipyo ko kase, ayokong  isipin ng kahit na sino na nabibili lang ako sa pamamagitan ng materyal na bagay. Kung ipipilit mo yan, hindi ko matatanggap ang pag-ibig mo. Ayokong mapagwikaan na manggagamit at gold digger."

"Sorry. Sige, kung ayaw mo, ibigay na lang natin sa kaibigan mo. Okay lang ba sayo?"

"Ikaw ang bahala. Basta RJ, please, let me handle my personal affairs. Ako ang bibili ng mga bagay para sa sarili ko. Ang gusto ko lang, kapag sinagot kita, wala akong isipin na ginusto lang kita dahil sa pera mo."

"So, sasagutin mo nga ako? Minus yun gifts?"

"Makulit ka!"

"So it means yes. Pero paano ko ipaparamdam sayo yun? Diba nireregaluhan ng boyfriend ang girlfriend ng mga bagay? Part ng relationship yun diba?"

"E bakit tayo na ba?"

"Malapit na!"

"Pwes, pagsinagot na kita, flowers at chocolates lang pwede mong ibigay sa akin."

"Edi sige! Go ako diyan. Makakatipid na ako, pati yun love ko, makukuha ko na yun matamis na oo."

"Hay, ewan ko sayo. Tara na nga, nagutom na ako sa pakikipagtalo sayo. Stressful kang kausap. Pagkakain, swimming naman tayo?"

"Okay. Pero sagutin mo na ako ha! Para pag-uwi ko sa isang araw, may ibabalita na ako sa daddy ko na may girlfriend na ako. Para pati, yun mga umaaligid na mahaharot na babae, tantanan na ako."

"Pag-isipan ko. Maya na lang."

"Yes! Mamaya ha!"

"Tara!"

Nabuhayan ako ng loob. Patweetums pa po ang mahal ko. Pero naisip ko, mali din nga ako sa ginawa ko. Dapat pala di ko pinangunahan si Dei. Muntik na tuloy maudlot yun pagkakataon ko. Hmmm.. next time, careful na ako. Sensitive pala talaga ang babaeng ito. Pero humahanga ako sa convictions niya ha. Hindi siya makukuha sa pera o materyal na bagay. Kaya lalo akong nahulog! Grabe, hulog na hulog na parang hindi na makakaahon. Ang swerte ko kapag sinagot na niya ako. At mamaya na daw yun.

Yes!

Tumatalon ang puso ko.

A/N ayokong mangako, pero sa susunod, sana happy na tayo. Kase hindi ako happy kanina sa DTBY e. Hindi pa rin sila nagkikita at may kanya-kanya  na silang bf/gf. Paano na ang destiny? Hay, sana magkita na uli sina Benjie at Sinag.

Vacation na pero may pasok pa kami. Hanggang Friday na lang. Next week, Holy Week. At dahil walang halos palabas, baka makapagsulat ako ng bongga!

Thanks sa mga support ninyo! Konti man kayo pero ang taba na ng puso ko. Kapag minsan naipagmamalaki ko sa mga estudyante ko na may sinulat akong story dito sa wattpad, tapos tatanungin nila kung anong title, at ano username ko, hindi ko sinasabi. Nahihiya ako. Sasabihin kase nila, grabe si Maam, fangirl ng MaiChard! Which is true naman. Lahat ng story ko, iikot lang kay Maine At Alden. Hehehe..

Thankie uli!

-ava-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro