Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

20

RJ

The following day, I went to Dei's pagkatapos kong alamin ang mga kaganapan at kinakailangan sa construction.

Inabutan ko sila Tatay Dodong at Kuya Danny na nag-iigib ng tubig at nagsisibak ng kahoy. Uso pa talaga ang ganun sa probinsiya. Samantalang si Dei ay nagsasampay ng kanyang mga labahin. Ang aga pa pero patapos na siya sa paglalaba. Anong oras kaya gumising ang babaeng ito at mabilis nakatapos ng gawain?

Samantalang si Nanay Sally naman daw ay nasa palengke para sa panghalian. Nakaupo naman sa may kubo ang asawa ni Kuya Danny na si Camille sa may kubo. Maselan daw kase ang pagbubuntis nito kaya hindi masyadong pinakikilos.

"Magandang araw po, Tatay, Kuya Danny."

"Magandang araw naman iho. Ayun si Dei, nagsasampay." Bati rin sa akin Tatay Dodong.

"Sige po, Tay. Lapitan ko po muna." Paalam ko.

Lumapit ako kay Dei na busying-busy at hindi yata ako napansin. Kaya ginulat ko sa pamamagitan ng pagtayo sa likod niya.

"Ay Palaka! Bwisit ka RJ, ginulat mo ako! Kung ako inatake sa puso, humanda ka!"

"Sorry. Namiss kita."

"Miss kaagad? Kagabi lang magkasama tayo a."

"Ganun talaga. Miss na kita e."

"Kaya ba nandito ka?"

"Siyempre. Para dalawin ang pinakamagandang babae sa paningin ko."

"Bolero! Doon ka muna sa kubo at tatapusin ko lang ito."

"Hindi. Tutulungan na kita."

"Tumigil ka. Makita mo pa yun mga damit panloob ko!"

"Okay lang. Pagmag-asawa na tayo, ako naman maglalaba para sayo."

"Naku nakakainis ka. Matatapos na ako kaya wag kang magulo diyan."

"Ayaw mo bang tulungan kita?"

"Huwag na nga! Makulit!"

"Okay. Pero panourin na lang kita. Dito lang ako."

"Bahala ka!"

Tinapos ni Dei ang ginagawa niya kahit nandoon lang ako sa likod niya at pinagmamasdan lamang siya. Napakasipag talaga ng mahal ko. Lalo tuloy akong naimpress.

Pagkatapos niyang maglaba ay naglinis naman siya ng bakuran. Kumuha ng walis tingting para simulang walisin ang mga dahong tuyo. Napakasarap ng buhay sa probinsiya. Habang pinagmamasdan ko siya ay naalala ko ang kabataan ko.

Palaging nagsisiga si Mommy pagkatapos niyang walisin ang bakuran. Habang si Daddy ay nagsisibak ng kahoy. Ako naman ay masayang nanunungkit ng mangga sa puno. Masaya kami noon kaya lang, biglang nagkaroon ng trahedya. Nasunog ang sinasaka nila Lolo na Tatay ni Mommy kaya wala silang ani sa buwang iyon. Naubos ang aming ipon para mapunan ang kawalan ng kita ng sakahan. At dahil doon, palagi ako nagkakasakit kaya napagpasyahan ni Daddy na bumalik sa Lolo kong mayaman para magkaroon ng sapat na pera para maipagamot ako at mabigyan ng magandang buhay. Ngunit ang kapalit ay iiwan namin si Mommy sa probinsiya. Malungkot ako noong araw na umalis kami. Pero wala akong magawa dahil iyon ang gusto ni Daddy. Hindi na humadlang si Mommy dahil iyon na lang ang paraang naisip ni Dad para magkaroon ako ng magandang buhay na hindi ko matatamasa kapag nasa probinsiya kami. Iyon na ang huling pagkikita namin ni Mommy. Ang lungkut-lungkot ko.

"Huy! Tulala ka?" Yugyog sa akin ni Dei.

"Wala may naisip lang." Sagot ko na kapansin-pansin pa rin ang kalungkutan sa mata ko.

"Bakit parang ang lalim ng iniisip mo? May problema ka ba?" Tanong pa niya.

"Wala ito. Naalala ko lang ang mommy ko. Sa probinsiya rin kase kami nakatira nung bata pa ako. Actually yun ginagawa ng pamilya mo, ganyan kami dati. Naalala ko lang."

"Talaga? Natira ka rin sa probinsiya?"

"Oo noong bata pa ako. Pero lumawas din kami ng Maynila noong 8 years old ako."

"Nga pala, asan na ang Mommy at Daddy mo?"

"Ha? Ah eh... kase.. paano nga ba?"

"Alam ko na, ayaw mo ikwento. Sige okay na yun. Kung ayaw mo, huwag na. Kumain ka na ba?"

"Sorry. Oo kumain na ako. Tapos ka na ba?"

"Hindi pa. Napansin ko lang na parang may iniisip ka kaya nilapitan kita."

"Sige tuloy mo na yun. Hintayin kita, promise tapos mamaya punta tayo sa tabing sapa."

"Hindi pwede. Ayaw ni Nanay. At saka ayoko din suwayin si Nanay. Pasensiya na."

"Okay lang. Saan mo naman gusto pumunta?"

"Wala naman. Gusto ko lang magstay dito sa bahay. Bukod sa mainit, gusto ko rin matigil muna dito kase buong linggo na akong umaalis."

"Okay. Kung yan ang gusto mo, e di dito lang tayo."

"Baka may gagawin ka? Lagi ka na lang nakabuntot sa akin."

"Wala naman. Gusto kase kita laging kasama."

"Ah okay. Doon na ako." Sabay lumakad na uli siya papunta sa winawalis niya.

"Dei sandali." Lumingon siya sa akin.

"Bakit?"

"Pwede mo ba akong samahan sa bayan pagkatapos mo diyan?"

"Bakit nga? Anong gagawin mo doon?"

"Mamili tayo ng mga maluluto. Nakakahiya kala Tatay Dodong at Nanay Sally, dito ako lagi kumakain e."

"Okay lang yun, nu ka ba!"

"Basta. Samahan mo ko, iyon man lang magawa ko. Please?"

"Oo sige. Tapusin ko lang ito."

Pagkatapos ni Dei magwalis ay kinuha niya ang bayong para makaalis na kami.

Tunay ngang masarap ang buhay sa probinsiya. Di sin sana'y ganito rin kami nila Mommy. Miss ko na siya talaga.

A/N Short update today.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro