19
Dei
After office hours, umuwi na kami ni RJ. True to hisbword, hindi nga siya nangulit maghapon. Pero kataku-takot na panunukso naman ang inabot ko kala Tinay. Kesyo ang gwapo daw ng boyfriend ko at halata daw na kilig na kilig ako. Too naman pero hindi ko pa naman boyfriend. Kung sasagutin ko kase siya, nag bilis naman. Hindi ko man lang kinilatis ang pagkatao niya kung ganun. Kaya maghintay naman siya. Saka na kapag sigurado na ako. Isa pa matagal pa daw siya dito, mga dalawang linggo. Enough para makilala ko siya ng lubos pero hindi para sagutin. Iniisip ko rin kase, paano kung bumalik na siya sa Maynila? Doon siya nakatira. Baka mahirapan kami. Titignan ko muna kung kakayanin ko yun ganoong set up.
Noong sinundo niya ako, halos nagmadali ako. Buti na lang hindi pa gaanong luma ang damit na binili ni Nanay sa akin. Sa hirap kase ng buhay namin, hindi dapat unahin ang pagbili ng luho. Ang mga gamit ko ay mga pinaglumaan lamang ng mga pinsan ko mula sa Maynila. Okay lang naman sa akin dahil mas importante talaga ang pangangailangan tulad ng pagkain at pagbabayad ng bills. Maayos pa rin naman ang regalo ni Nanay dahil bihira ko lang naman itong isuot. Iniingatan ko talaga kase bihira nga akong makabili.
Dala nga pala ni RJ ang kotse niya. Ngayon lang ako nakasakay sa ganito kagarang sasakyan. Kundi bike, tricycle ang sinasakyan ko. Minsan jeep o kaya bus kapag lumuluwas kami sa Maynila at dinadalaw si Kuya. Kaya nung sinabi niyang magseatbelt ako, nawindang talaga ako. Hindi kase ako marunong gumamit nun. Siguro nahalata ng loko kaya siya na ang gumawa. Yumuko na lang ako para hindi magtama ang paningin namin.
Sa biyahe, natuwa ako dun sa cellphone niya kase nagsasalita. Itinuturo kung saan kami dadaan. Ang galing diba. Di ko lang ipinahahalata sa kanya na na-iigno ako. Kunwari deadma. Ayoko rin magsimula ng usapan. Nakakahiya.
Nung makarating kami sa hotel na yun sa tuktok ng bundok, namangha ako sa ganda. Pangmayaman ang lugar. Lugar na hindi napupuntahan ng mga gaya kong mahirap. Nanliit tuloy ako sa sarili ko.
Pero si RJ, gwapung-gwapo siya sa suot niya, samantalang ako ay simple lang. Mukhang naramdaman niya ang pagkailang ko lalo na nung pumasok na kami sa restaurant. Hinawakan niya ang kamay ko na pilit kong hinihila at inilalayo sa kanya.
"Don't worry, ako bahala sayo." Sinabi niya sabay ngiti na labas ang malalim na dimple sa kaliwang pisngi.
Hindi na ako kumontra. Naglakad na kami ng magkahawak kamay at pinuntahan ang table na itinuro ng waiter. Wala pa sila Sam, marahil sinundo pa si Patty.
"Napaaga ata tayo?" Tanong ko sa kanya. Habang hinihila ang upuan ko para makaupo ako ng maayos. Gentleman pala siya.
"Okay lang. Meron ka na bang gustong inumin o kainin?"
"Hindi. Hintayin na natin sila. Dadating na siguro yun."
"Okay, sinabi mo e."
Tumahimik uli ako at tinignan ang mga kamay ko na ayaw pa niyang bitawan kahit nakaupo na kami sa mesa.
"Ay, sorry!" Sabay alis ng kamay niya sa kamay ko.
"Okay lang."
"Nahihiya ka ba sa akin?"
"Ha? Ano kase, hindi lang ako sanay sa ganito."
"Ganun ba? Gusto mo bang lumipat?"
"Naku hindi, nakakahiya kala Sir Sam."
"Gusto mo ba tumabi ako sayo?"
"Anong sinasabi mo? Diyan ka lang. Baka isipin nila boyfriend kita."
"Hindi pa rin ba?"
"Hindi no! Ano ba akala mo, ganun lang kadali yun?"
"Alam ko kakakilala lang natin, pero seryoso naman talaga ako sayo."
"Exactly. Kakakilala lang natin. Hindi maganda na sagutin na agad kita kase ang pangit talagang tignan."
"Bakit naman?"
"Dito kase sa amin, ang manliligaw, naghihirap munang manligaw. Hindi ka exception dun no!"
"Alam ko. Pero gusto kong malaman mo, hindi ako nagmamadali, gusto ko lang na.."
"Ano?"
"Gusto ko lang na makasiguro na wala nang karapatan ang iba na manligaw."
"Napaka-seloso mo pala."
"Ngayon lang ako nanligaw. Ngayon ko lang naramdaman yun ganito. Hindi ako mag-aaksaya ng panahon."
"Eh bakit ako?"
"Simula nung nakita kita sa tabing sapa, gusto na talaga kita. Ikaw ang pinakamagandang babaeng nakita ko sa buong buhay ko."
"Bolero! Pero ganun kabilis?"
"Oo, ganun kabilis. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, pero gusto kita uling makita nun. Kaya lang kailangan kong bumalik sa Maynila dahil marami akong trabahong naiwan."
"Ayan pa, paano kapag sinagot kita? Kaya ba natin yun ganun?"
"Alin? Yun LDR?"
"Oo. Dito ako, samantalang ikaw, babalik ka sa Maynila. Maraming babae dun. Baka makalimutan mo ako o kaya makakita ka ng iba."
"Huwag kang mag-alala, kapag weekends andito ako. Pupuntahan kita."
"Hindi tayo sigurado sa ganun."
"Bakit?"
"Basta. Huwag na nating pag-usapan yan. Asan na kaya sila Sir Sam?"
"Alam mo, iniiba mo ang usapan. Pero isa lang nalaman ko, nalaman ko na gusto mo rin ako. Iniisip mo rin ako kase iniisip mo yun magiging set up natin kapag sinagot mo na ako."
"Napakalayo na nang naisip mo."
"Basta, masaya ako, kase alam ko gusto mo rin ako."
"Oo na! Tumigil ka na lang."
"See. Tama ako?"
"Bahala ka!"
Naghintay pa kami ng ilang sandali bago dumating sila Patty.
Naging masaya naman ang usapan. Nalaman ko na hindi na pala nagpakipot pa si Pat dahil matagal na naman niyang gusto si Sir Sam. Napag-usapan din ang sa amin ni RJ pero sinabi ko na hindi pa kami. Hindi naman ako kinontra ni RJ. Pero base sa mga ngiti nito, alam ko ang iniisip niya. Hinayaan ko na siyang ganun. Totoo naman e, gusto ko siya pero hindi pa ako sigurado kung kaya ko yun ganung set up.
Hindi kami nagpagabi. Pagkapatapos ng dinner, nagyaya na si RJ na ihahatid niya ako. Nangako kase siya sa mga Tatay at Nanay ko na iuuwi niya ako ng maaga.
Bago kami magsimulang bumiyahe pauwi ay nag-usap pa kami sa kotse sa parking lot ng hotel.
"Dei, huwag ka sanang magagalit kung lagi akong nakabantay sayo ha. Hindi ko kase mapigil ang sarili ko. Gustung-gusto talaga kita at alam ko naman na gusto mo rin ako kaya lang ayaw mong may masabi ang iba dahil ang bilis-bilis nga naman ng mga nangyayari."
"RJ, pasensiya na rin. Sana maintindihan mo na gusto man kitang sagutin agad, kaya lang naiisip ko yun magiging set up natin."
"Masaya na ako na malaman na gusto mo rin ako. Okay na ako dun. Pero mas magiging masaya ako kung magiging opisyal na tayo na. Sa ngayon, hihintayin muna kita kung kailan ka magiging ready."
"Salamat. Pero sana, kapag hindi mo na kayang maghintay sa akin, sabihin mo ha."
"Hindi mangyari yun. Ikaw lang ang babaeng nagustuhan ko at mamahalin ko."
"Salamat. Tara na, baka gabihin tayo. Marami akong gawain bukas e."
"Sige. Seatbelt mo." Na siya na rin ang naglagay.
"Salamat."
Nagbiyahe na kami pauwi. Paminsan-minsan nagkakatinginan kami. Masaya ako sa hindi ko maintindihang dahilan. Di ko pa naman siya sinasagot, pero yung isiping, hihintayin niya ako, okay na ako doon.
Bago ako bumaba ay pinagbuksan niya ako ng pinto. Senyales na maginoo talaga siya. Pero bago ako pumasok sa bahay ay lumapit siya sa akin para hagkan ako sa pisngi. Namula ang balat kung saan dumampi ang labi niya. At dahil ayokong makita niya ang pamumula ng pisngi ko ay lumakad na ako palayo. Bago ako tuluyang pumasok, sumigaw ako sa kanya ng..
"Ingat ka pauwi."
"I love you, Dei."
Ngiti na lang ang sinabi ko at kumaway sa kanya.
Pagpasok ko ng bahay, ay napahawak ako sa dibdib ko, inlove na nga siguro ako. Ang bilis naman pero sana kung anuman itong nararamdaman ko, suklian niya ng tunay na pagmamahal.
••••••••••
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro