16
Dei
Ang kulit talaga ng lalaking ito. Nasambit ko na lang habang papasok na sa opisina. Parang asong ulol na nakasunod. Kinuha pa ang bitbit kong bag na asap mo ay boyfriend ko. Pero in fairness, "boyfriend ko" parang ang sarap pakinggan.
Pagpasok ko sa opisina ay bumungad agad sa akin si Tinay kasama si Pao.
"Wow! Ikaw na may boyfriend na tagabuhat!" Bati ni Paolo.
"Hindi ko siya boy..." Napigil ang sasabihin ko kase ang asungot na buntot ko, sumabat.
"Oo, boyfriend na niya ako. Ako nga pala si Engineer RJ Reyes. Kamusta kayo?"
"Ayyy! Dei, may boyfriend ka na? Kahapon wala pa." Sabi naman ni Tinay.
"Kanina lang niya ako sinagot. Bago kami pumunta dito." Sumagot pa ang damuho! Talagang inaasar ako.
"Bessy, Congrats ha! Ang BY ng boyfie mo!" Sabi naman ng baklang Paolo.
"Anong BY, bakla?" Tanong naman ni Tinay.
"BY, Beaty, ganon!" Sagot naman ni Paolo.
"Dami ninyong alam. Trabaho na! Isusumbong ko kayo kay Sir Sam!" Nakisabat ang bruhang si Juliana.
"Mainit ang ulo? Di naman kasali sa usapan!" Sabi ni Pao.
"Tse! Tigilan mo nga ako Paolo. Bakla ka talaga!" Sabi uli ng bruha.
Wala talagang kasundo ang babaeng yun! Paano ba naman lahat, inaaway. Bitter!
"Charito Planas!" Sagot naman niya.
"Sino yun?" Sumabat naman si RJ.
"Ako nga pala si Juliana Ruiz. Pinakamaganda sa mga manager ng Resort. Hindi pinansin ni RJ at patuloy na nagpalinga-linga at hinanap si Charito Planas. Na akala ni Juliana e siya ang sinasabihan. Natawa na lang kami ni Tinay. Supalpal kase ang ilusyunadang babaitang Juliana.
"Pogi, ibig sabihin nun, Charot! Charing! Ganun!" Sagot naman ni Tinay.
Natutuhan na kase namin ang salitang bakla ni Paolo. Lalo na kapag may pinag-uusapan kaming pang aming tatlo lang nila Tinay. Para di halata.
"Dei, nga pala sabi ni Sir Sam, yun daw mga documents para sa new batch ng interviewhin, dalhin mo kay Patty. Mamaya daw siya nga sched ng interview sa mga applicants."
"Okay. Ako na bahala."
At nagkanya-kanya na kami ng trabaho. Samantalang itong mokong na kasama ko, kung saan ako naroon, nandun din siya. Nakakainis pero sa totoo lang kinikilig ako.
Nagsimula na akong magtrabaho. Marami na kaseng nakapilang mga applicants. Marami talaga ang kailangan sa resort ni Sir Sam. Mga crews ng hotel, life guards, waiters and waitresses at marami pang iba. Hindi naman lahat ng nainterview ay tanggap. Kailangan kase na may communication skills sila at may pleasing personality.
Habng nag-interview, ang asungot kong bodyguard nakamasid lang. Maya-maya lang ay tumayo. Lumabas at bigla na lang nagwalkout. Nainip na ata.
"Bes, bakit biglang umalis yun boyfriend mo?" Tanong ni Tinay.
"Aba malay ko."
"Galit ba? Kase naman makatingin yung poging ininterview mo, wagas!" Sabi pa ni Tinay.
"Hayaan mo siya. Para makapagtrabaho ako ng maayos. Matutunaw na ako sa katitingin ng walanghiyang yun."
"Grabe ka naman. Ang gwapo kaya. Mag-choosy pa ba?" Sabat naman ni Paolo.
"Feeling maganda ka, day! Di ka naman artistahin! Akin na lang kung ayaw mo!" Sabat nung bruhang Juliana.
"Huwag ka ng umasa, Jules! Di ka matipuhan! Ang haba kaya ng baba mo! Ahahaha!" Sagot naman ni Paolo.
"Hayop kang bakla ka! Mamaya humanda ka!" Inis na sabi ni Juliana.
"Nakakatakot.. bakit, ipangsaksak mo sa akin yang baba mo? Pwes, bawasan natin. Imake-up transformation kaya kita! Hahaha!" Pang-aasar ni Pao.
"Tama na nga yan. Nakakahiya o. May mga applicant, dito pa kayo nag-aaway." Sabi ko naman.
"Pagsabihan mo yang baklang yan! Nakakainsulto na e!"
"E kase naman ikaw ang pasimuno. Ngayon natatalo ka, napipikon ka!" Sabat ni Tinay.
"See. Ikaw kaya ang nauna! Huwag ka kaseng magfeeling! Kala mo, tatlo kami. Isa ka lang." Sabi ni Pao.
"Whatever!" Saby irap ni Juliana.
Napailing na lang ako. Wagas talaga mag-away. Pero nabother ako, asan yun mokong? Gusto ko sanang sundan kaya lang madaming tao. At isa pa baka isipin natataranta ako sa kanya. Neknek niya. Ang bilis palang nainip. Nagpatuloy na lang ako sa trabaho. Kahit itong tatlo e kanina pa nagbabangayan sa paligid ko.
Makalipas ang isang oras...
"Bes, tignan mo, ayan na si RJ. May dalang food. Grabe ang sweet!" Tili ni Tinay.
Napatingin ako kay RJ. Ang gwapo, aba! Bakit ba ako nagpapa-tweetums? Pero dalagang Filipina. Kailangang maghintay, ganoin!
"Mahal, baka gutom ka na. Nag-order ako ng lunch natin. Kain na tayo! Kayo rin, Tinay at Paolo." Kinilig ako ng bongga. Di ko napiit na mangiti.
"Wow, mahal ang term of endearment. Ang tamis! Kasali talaga kami sa pa-food." Sabat ni Pao.
"Siyempre. Mahal ko yang girlfriend ko. Kay gusto ko masaya siya. Tara na kain na tayo."
"RJ ano ka ba! Nakakahiya."
"Huwag ka ng mahiya. Mahal naman kita e."
"Sige na Dei,Tinay umuna na kayo ng lunch. Tapusin na lang namin ito nitong si mangga." Sabi ni Pao.
"Hayop ka! Bakit ako di kasali!" Sabi ni Juliana.
"Hindi ka talaga kasali. Di ka naman namin friend e. Humanap ka ng kaibigang kasing sama ng ugali mo!" Sabi ni Pao.
Sumimangot na lang si mangga, este ni Juliana. Samantalang kami ay tumayo na para pumunta sa pantry. Inabutan namin si Patty dun na kasabay si Sir Sam sa pagkain.
Aba may kakaiba. Mukhang puno ng puso sa pantry. May lovelife na namumuo? Si Patty at Sir Sam, nagsusubuan?
Nilapitan ko si Patty at tinapik. Napatingin sa akin at nagpeace sign. Alam na. Wwo, happy ako sa kanya. E ako kaya? Sagutin ko na nga ba ito ng totohanan? Bahala na.
A/N Sorry di nakapag-update kahapon kase dami kong ginawa. Gawaan na po ng grado ng mga kids. Teacher mode uli. Baka di makapag-update palagi. Pero I hope soon.
Nga pala, tomorrow yun Moving up ng 2nd girl ko sa Grade 10, si Pia. Dedicated ito sa kanya. Love, love, love anak ko!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro