15
RJ
Kinakabahan talaga ako sa pagpunta ko sa bahay nila Dei. Pero nung nakilala ko na ang magulang niya, lalo na ang tatay niya ay nahimasmasan na ako. Hindi naman pala mahirap kausap ang mga ito. Although yun nanay niya at kuya ay mukhang hindi naniniwala sa akin, pero dahil ang tatay na ni Dei ang nagsalita, hindi na sila nakiaalam. Alam kong kailangan ko pa rin silang suyuin. Dapat ko pa ring patunayan na tapat ako sa gagawin kong panliligaw kay Dei.
Mag-alas diyes na nang gabi ng magpaalam akong uuwi na. Naglakad lang ako papunta sa bahay nila dahil malapit lang naman. Pero bago ako umalis ay kinausap ko muna si Dei.
"O ayan nagawa ko na yun sinasabi mo, siguro naman naniniwala ka na."
"Sir RJ, sa kanila oo pero ako hindi pa rin ako kumbinsido."
"Huwag mo na akong tawaging Sir. Paano ako makakapanligaw sayo kung Sir pa rin ang itatawag mo? Hindi magandang pakinggan."
"Bakit ba? E yun naman dapat kase boss ka rin. Isa pa sign ng paggalang yun."
"Basta huwag na. Please.."
"Oo na. Uwi ka na. Gabi na. Baka mapaano ka sa daan."
"Wow concern ka sa akin? Kinikilig naman ako."
"Huwag ka nga. Kahit sino pumunta dito, ganun din sasabihin ko."
"May pumupunta dito?"
"Oo naman. Akala mo ba sa akin pangit? May mga manliligaw din ako. Actually lahat sila pinayagan nila Tatay."
"Ha? So ano? Hindi pa pala ako makakalusot!"
"Hahaha.. Siyempre paghihirapan mo pa. Tandaan mo madami ka pang kalaban."
"Mga ilan?"
"Mga apat?"
"Pwes mananalo ako! Ako kaya pinaka-pogi!"
"Ang yabang! Hindi naman dahil sa pogi ka ikaw na mananalo. At saka dalawang araw pa lang tayo nagkakakilala, alangan namang sagutin kita agad. Hindi tama!"
"Hindi ko naman sinabing sagutin mo ako kaagad. Pero sana sagutin mo na ako bukas."
"Pag-iisipan ko."
"Huwag matagal ha!"
"Bakit? Naiinip ka na agad?"
"Hindi sa ganun! Ayoko lang na umaligid pa dito yun ibang barakong manliligaw mo! Ako lang dapat ang pumupunta dito!"
"Seloso ka pala Sir?"
"Sir na naman!"
"RJ pala."
"Oo. Seloso ako. Eh ikaw? Selosa ka rin ba?"
"Ako? Di ko pa na-experience magkaboyfriend. Kaya di ko alam kung selosa ako o hindi. Malaman pagsinagot ko na yun isa sa manliligaw ko."
"Sagutin mo ako para malaman mo!"
"Hay naku, ako niloloko mo! Umuwi ka na nga! May pasok ka pa bukas."
"Sunduin kita dito. Ipapaalam na kita kay Sam."
"Huwag huy! Madami akong trabaho. Nakakahiya sa mga kasamahan ko."
"E di sasamahan kita sa office."
"Ano ka ba? Wala ka bang gagawin? Magtrabaho ka kaya muna!"
"Ako ang boss dun. Sila na bahala dun. Babakod muna ako."
"Grabe, Engineer ka nga. Nagtatayo ka ng bakod! Hahaha!"
"Mahirap na baka masalisihan. O sige na, pasok ka na. Malamig na o. Kaya ko na ito mag-isa. Malapit lang naman ang resthouse."
"Hindi. Tatanawin lang kita."
"Bakit? Mamiss mo ako?"
"Ungas! Para makauwi ka ng maayos. Sige na! Uwi ka na! Gabi na o."
"Sige, tulog ka kaagad ha. Huwag kang magpapapasok ng iba."
"Opo!"
At lumakad na akong pabalik sa resthouse na may ngiti sa labi. Ramdam kong gusto niya rin ako.
••••••••••
Maaga akong nagising. Alas sais ay naligo na ako at nag-kape kasabay si Sam. Sinabi kong sasama ako kay Dei sa opisina.
"No problem, RJ. Mukhang inlove ka na pare ha! Sinagot ka na ba?"
"Pre, di pa. Ayaw pa. Kase nga probinsiyana. Di sanay ng mabilisan. Babakuran ko muna at baka maagaw ng iba. Okay lang ba sumama ako sa office?"
"Pre okay lang. Isa pa alam ko naman na maayos ang trabaho kahit wala ka sa site."
"Siyempre. Yun pinakamagaling inilagay ko sa iyo. Makikita mo, maganda kalalabasan niyan."
"Salamat pre. Sabay na ba kayo sa akin ni Dei? Dadaan ba siya dito?"
"Hindi na Sam. Susunduin ko, maglalakad na lang kami. Malapit lang naman. Para mas mahaba ang oras ng usapan."
"Bahala ka na RJ. O paano, maligo muna ako. May i-meet akong client. Gusto daw mag-invest sa resort."
"Ingat pre!"
"Ikaw din!"
Dumaan muna ako sa site para silipin ang developments. Binilinan ng mga dapat gawin at pagkatapos ay tumuloy na ako kala Dei.
Nadatnan ko ang tatay niya at kuya na nagkakape sa isang kubo sa harap ng bahay nila. Hindi ko napansin na meron palang kubo roon. Naisip kong doon kami nag-uusap kapag dadalaw ako. Kinikilig na naman ako. Parang babae ano.
"Parika, RJ magkape ka kasama namin." Tawag ng tatay ni Dei.
"Magandang umaga po. Naku, tapos na po."
"Ganun ba? Ihahatid mo ba si Dei sa office?"
"Opo. Sasamahan ko po siya."
"Ingatan mo si Dei ha!" Sabi naman ni Kuya Danny.
"Wala pong problema. Yan po ang gagawin ko."
At nakipagkwentuhan pa ako ng ilang sandali sa mga-ama. Maya-maya ay lumabas na rin si Dei bitbit ang mga dala-dalahin niya.
"O Sir RJ ang aga mo naman."
"RJ na nga lang diba? Ihahatid kase kita."
"Sorry. RJ nga. Kaya ko ng mag-isa."
"Nangako ako sa mga tatay at kuya mo na aalagaan kita."
"Wala ka bang trabaho? Nakakahiya sa mga tauhan mo!"
"Kaya na nila yun. Ikaw kailangan mo ako dito."
"Sino naman may sabi sayo? Kaya ko kaya ang sarili ko."
"Hindi. Halika na baka malate ka pa."
"Hmmp! Tatay, Kuya aalis na kami. Pakisabi na lang sa Nanay."
"Sige, Dei mag-ingat kayo nito ni RJ." Sabi ng Tatay ni Dei.
Nang makalayo na kami sa bahay sinundan ko lang siya. Ang paglakad niya, ang pagpilantik ng daliri niya habang nagsasalita. Ang ganda ganda talaga ng babaeng ito. Yun gandang di nakakasawa.
"Bakit sinamahan mo pa ako? Nakakahiya kay Sir Sam."
"Alam na niya. Kaya huwag ka ng umangal. Ako may gusto nito."
"Kahit na. Anong sasabihin ng mga katrabaho ko? Isa pa mainip ka lang dun."
"Di ako mainip. Kasama kaya kita."
"Napakabolero mo! Ganyan ka ba sa mga nililigawan mo?"
"Wala pa akong niligawan. Ikaw pa lang!"
"Echosero! Yang gwapo mo wala ka pang nagiging nobya?"
" Gwapo ako? Alam ko naman yun. At saka wala pa akong naligawan! Ikaw pa nga lang nililigawan ko e!"
"Hindi ako naniniwala. Paano nangyari yun?"
"Sila nanliligaw sa akin."
"Ang hambog mo talaga!"
"Ikaw nga lang itong hinahabol ko o."
"So dapat magpasalamat ako?"
"Oo. Kase talagang seryoso ako sayo."
"Ewan sayo! Bilisan na natin. Baka maiwan tayo ng tricycle."
"Magtricycle tayo? Sana pala dinala ko na yun kotse ko."
"Kung ayaw mo, e di ako na lang mag-isa."
"Hindi! Sasama ako. Baka kung saan ka pa dalhin ng tricycle. Mahirap na!"
"Hay tara na!"
Sumakay na kami sa tricycle. Magbabayad na sana siya kaya lang inunahan ko na.
"Ako na magbayad."
"Hindi, ako na lang."
"Makulit. Manong eto bayad namin ng girlfriend ko."
"Dei, ang gwapo ng nobyo mo!" Sabi ng driver.
"Manong, hindi ko yan nobyo! Feeling lang yan."
"Naku, huwag kayong maniwala, Manong. Sinagot na ako nito kagabi pa. Nahihiya lang yan babe ko."
"Grrrr!" Yun lang naisagot niya dahil hinila ko na siya pababa ng tricycle.
"Sandali lang naman. Baka naman masubasob ako sa ginagawa mo!" Awat niya.
"Sorry. Para alam na niya na girlfriend kita."
"Ewan ko sayo! Di pa kita sinasagot no! Maghintay ka! Saka na!"
"So sasagutin mo pala ako?"
"Hindi no!"
"Sinabi mo na. Sana yun saka na na yun, mamaya na agad."
"Wala akong sinabi!"
"Sinabi mo po! Yes! May pag-asa ako sayo!"
"Tumigil ka na! Kakahiya o!"
"Pero sasagutin mo ako?
"Hindi nga!"
"E kikidnapin na lang kita."
"Kung kaya mo!"
"Kaya ko." Kaya akmang bubuhatin ko siya ay nagsalita uli ito.
"Oo na!"
"Yes! Sinagot na ako! Kami na!" Sigaw ko kaya nakatingin ang mga taong dumadaan.
"Hindi yun!"
"Basta sinabi mo na. Tayo na!"
"Ewan ko sayo! Dyan ka na. Late na ako."
Wala ng bawian. Umoo ka na. Kaya ngayon, akin ka na ha!"
"RJ hindi ka nagbibiro?"
"Hindi! Seryoso nga ako o!"
"Hay! Nakakainis ka talaga!"
"Huwag ka ng mainis, love naman kita. Papanagutan ko yan!"
"Hindi ako buntis. Bwisit ka talaga! Pinapahiya mo ako!"
"Oo nga. Basta boyfriend mo na ako at girlfriend na kita."
"Hindi nga kase yun ang ibig sabihin ko."
"Kahit ano pa yun, tayo na! Huwag kang mag-alala sikreto pa lang natin yun. Paghanda ka na, ipagsasabi ko na."
"Grabe! Assumero! Sige na. Tatagal pa tong usapang walang kwenta na ito!"
"Yes! Yes! May girlfriend na ako!"
"Ang ingay!"
At pumasok na kami. Kinuha ko talaga ang kamay niya. Kahit pilit niyang hinihila ay di ko binitiwan. Hinawakan ko talagang maige para makita ng lahat na ako ang boyfriend kahit alam kong hindi pa niya ako sinasagot. Pilitan talaga ito. Hindi na kase ako makapaghintay. Alam kong sumasang-ayon naman itong babae na ito kaya lang nagpapakipot pa. Pero makukuha ko rin yun. Darating ang araw, magiging kami talaga ng wala na siyang pagtutol. Pero sa ngayon, papanindigan ko na kami na ng sapilitan.
A/N Good Morning! Have a Blessed Sunday, everyone!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro