Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

14

Dei

Noong umuwi ako, dinatnan ko  sa bahay na nagkwekwento si kuya Danny kay Tatay. Si Nanay naman ay nagluluto habang nakaupo sa hapag kainan sila Kuya.

"O Dei, andito ka na? Kamusta ang trabaho?" Tanong agad ni kuya.

"Ayos naman kuya. Anong oras ka dumating?"

"Kani-kanina lang. Namiss kita, kapatid." Sabi niya.

"Ako din." Umupo na rin ako sa mesa. Inilatag ang bag ko at bumuntong hininga. Maya-maya ay may lumabas sa banyo na babaeng buntis.

"A Dei, si Ate Camille mo. Asawa ko." Pakilala ni Kuya doon sa babaeng kasama niya.

"Ha? Asawa?"

"Oo bakit? Sorry pero di ko naikwento sa inyo. Kapitbahay ko siya sa apartment na tinutuluyan ko."

"Luto na ang hapunan. Kumain na tayo. Dei, maglagay ka na ng mga pinggan. Baka gutom na itong asawa ng kuya mo." Sabat ni Nanay.

Natulala ako. Ayos lang sa mga nanay at tatay ang pag-uuwi ng kuya ng babae. Ako kaya? Paano kung bigla na lang akong dumating dito na may kasamang lalaki? Kahit manliligaw? Baka masabunutan ako ni Nanay. Habang naghahain ay biglang may kumatok sa amin.

"Tao po. Dei?"

"Sino po sila?" Si Kuya ang nagbukas.

"Ako po pala si RJ Reyes. Andiyan po ba si Dei?"

"Anong kailangan mo sa kapatid ko?"

"Bibisitahin ko lang po siya."

"Wala naman siyang sakit."

"Ah eh.." Napigil ang sasabihin ni RJ kase nilapitan ko na sila.

"Kuya, huwag mong takutin yun tao. Siya yun Engineer na contractor sa  resort. Pasok ka Sir RJ."

"Pasensiya na po. Akala ko kase kung sino. Sige pasok ka." Sinabi ni kuya.

Pinapasok si RJ. Nakita kong ang dami niyang bitbit. May mga bulaklak, chocolates at cake.

"Para sayo, Dei." Bungad ni RJ.

"Salamat. Pero di ka na sana nag-abala."

"Diba yun ang sabi mo? Sinunod ko lang naman."

"Niloloko lang kita. Malay ko bang seseryosohin mo."

"Siyempre. Importante ka sa akin e."

"Dei, sino ba yang bisita mo?" Lumabas na si Tatay sa sala

"Tay, si Sir RJ po, Engineer sa pinapatayong resort ni Sir Sam."

"Naku, magandang gabi po Sir." Sabi ni Tatay.

"Magandang gabi din po." Sagot naman ni RJ.

"Ano pong maipaglilingkod namin sa inyo?" Tanong ni Tatay habang nakatingin lang kami ni kuya Danny sa gilid.

"Mawalang galang na po, manliligaw po sana ako sa anak ninyo. Gusto ko po magpaalam sana na liligawan ko ang anak ninyong si Dei." Matapang na sabi ni RJ.

"Ha? Manliligaw?"

"Opo. Eto nga po pala, para sa inyo ni Nanay."

"Tay, naku , Sir RJ.. ano.. tara kumain ka na ba? Ay oo tara kumain ka na kasabay namin nila Tatay." Nalilito kong sabi. Nakita ko kaseng sinuri ni Tatay si RJ. Si kuya naman ay napailing.

"Ikaw Dei, nagpapaligaw ka na pala?" Bulong ni kuya sa akin.

"Kuya naman. Ikaw nga mag-aasawa na tapos ako pinipigil mo." Bulong ko rin sa kanya.

"Kahit na. Sino makasama nila Tatay kapag nag-asawa ka na rin." Sagot pa niya.

"Kuya, asawa agad. Bata pa ako no! Huwag mo nga akong igaya sa iba." Sabi ko naman.

"Basta huwag ka munang mag-aasawa. Alagaan mo muna si Tatay at Nanay. Kung mag-boyfriend ka, huwag ka muna bibigay."

"Oo nga kuya. Ano ka ba? Di ako ganun!" Naiinis na ako sa pag-uusap na ito.

"Pinapaalala ko lang sayo. Tara na baka balatan na ng buhay ni Nanay yun manliligaw mo." Aya niya sa akin.

Sumunod na ako kay Kuya. Nakita kong pinaupo ni Tatay si RJ sa tabi niya. Sa gitna nila ni Nanay. Kinakabahan ako. Eto yun iniisip ko kani-kanina lang.

"O Dei doon ka na sa tabi ni Camille at ng kuya mo."

"Opo Tay."

Kumuha uli ako ng isa pang pinggan. Nakikiramdam. Narinig ko ang usapan. Tinatanong nila si RJ. Ang buong pangalan niyo, trabaho at kung anu-ano pa. Samantalang si Kuya ay nakikisabat din.

"So ikaw pala may-ari noong Construction firm na nagtatayo sa resort ng amo nitong kapatid ko?" Tanong ni kuya kay RJ.

"Ah oo."

"Saan kayo nagkakilala?" Si Nanay naman nagtanong.

"Sa may tabing sapa po."

"Dei, bumalik ka na naman ba dun? Diba sabi ko huwag ka ng pupunta dun!" Sita sa akin ni Nanay.

"Nay, hindi na po. Matagal na yun. Naalala ninyo po, yun nawala ko yun pouch ko."

"Ah.. yun naman pala e. O e kelan uli kayo nagkita?" Salo naman ni Tatay sa akin.

"Kahapon lang po."

"Kahapon lang tapos manliligaw ka na kay Dei? Si Nanay uli.

"Ah eh, noong unang kita ko po sa kanya, gusto ko na siya." Sagot naman ni RJ. Mukhang pawisan na siya at kinakabahan.

"Pwede ba yun? 2 beses lang kayo nagkita manliligaw ka na?" Nakisabat na rin si kuya.

"Para sa akin ha, oo! Ayoko ng magpatumpik-tumpik dahil nung nakita ko ang kapatid mo, gusto ko na siya." Sagot niya habang nakatitig sa akin. Nahiya ako. Napayuko ako.

"Dei, kinikilig ka!" Nang-aasar na sabi ni Tatay.

"Tay, grabe ka naman sa akin." Sagot ko.

"Iho, huwag kang mag-alala. Pumapayag na kami ng Nanay ni Dei. Kita ko naman ang sinseridad mo. Basta huwag mo lang sasaktan ang anak namin. Mahal na mahal namin yan." Sabi ni Tatay na tinitigan ni Nanay ng masama.

"Dodong!" Sabi ni Nanay.

"Huwag ka ng umapila, Nanay. Malaki na si Dei. Dapat nga hayaan na natin siya. Dei, ako bahala sa Nanay mo."

"Hay naku. Kayong mag-ama." Sabi na lang ni Nanay.

"O basta, RJ, yun bilin ni Tatay. Bata pa yan si Dei. Baka matulad kayo dito sa amin ni Camille. Huwag mong sasaktan yan, ako bubugbog sayo! Hahagilapin talaga kita." Sabi naman ni Kuya.

"Asahan po ninyo yan. At Kuya, huwag kang mag-alala. Aalagaan ko si Dei." Sagot naman nito ni RJ.

"O siya na. Kumain na tayo. Lalamig ang sabaw ng sinampalukan. RJ, kumain kang mabuti. Masarap magluto ang Nanay ni Dei. Huwag kang mahiya." Sabi ni Tatay.

Nakahinga ako ng maluwag. Pagkatapos kumain ay niligpit ko na ang lahat ng urungin. Si RJ naman ay hinila ni Nanay at Tatay sa sala. Mukhang gumaan na rin ang loob ni Nanay sa kanya. Sila kuya naman ay nagpasyang lumabas at maglakad-lakad. Malaki na kase ang tiyan ni Ate Camille kaya kailangan niyang maglakad-lakad para mapabilis ang panganganak. Naiwan ako sa kusina na nag-uurong. Pagkatapos kong mag-urong ay pumasok si Tatay sa kusina. Gusto daw ni Nanay ng kape kaya nagtimpla si Tatay. Masarap daw kase ang kape sa cake. Tinulungan ko si Tatay.

"Dei anak, mukhang maayos ang manliligaw mo. Gusto ko si RJ. Sigurado kase akong mabubuhay ka niya ng maayos kapag nagpakasal kayo. May sarili siyang negosyo at magandang lalaki pa."

"Tay naman. Hindi ko pa po sinasagot."

"Gusto mo ba?"

"Ha? Tatay naman o!"

"Bakit? Kanina kinikilig ka!"

"Tay, nakakahiya kase kayo. Tatlo pa kayong mag-interview dun sa tao."

"Talagang ganun anak. Gusto naming mapabuti ka."

"Alam ko naman po iyon. Kaya lang kinakabahan kase talaga ako. Mahal na mahal ko kayo Tay. Kayo nila Nanay."

"Mahal ka rin namin. Kaya nga kinikilatis kong mabuti ang mga manliligaw mo."

"Tara na Tay. Okay na yun kape. Baka takutin na ni Nanay si Sir RJ."

"Bakit Sir pa rin?"

"Nasanay po kase ako. At saka hindi ko pa naman po sinasagot. At hindi pa siya nagsisimula manligaw. Inuna niya talagang magpaalam sa inyo."

"Talaga? Nakakabelieve naman na bata iyon. Lalo ko na tuloy nagustuhan para sayo. Huwag ka ng magpakipot ng todo. Baka magbago pa isip."

"Tay naman. E di magbago isip niya! Mabuti nga yun para hindi na ko masaktan."

"Ikaw napaka negative mo talaga. Tara na."

At sumunod na ako kay Tatay, bitbit ang takure at ilang baso ng kape sa isang tray.

Nagtagal pa ng isang oras si RJ sa bahay. Magiliw naman siya sa pamilya ako. Magalang at hindi siya mayabang tulad ng unang pagkakakilala ko sa kanya.  Para tuloy gusto ko na siyang sagutin ngayong gabi. Pero hindi pa. Kung sila Tatay nakuha na niya ang loob, ako hindi pa. Di ito pakipot lang. Gusto kong makasiguro kung seryoso siya sa akin.

A/N Last update today. Bukas na lang po. Thanpks for reading.





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro