13
RJ
Medyo maayos na ang pakikitungo niya sa akin. At kahit medyo mabilis ang pagdiskarte ko sa kanya, hindi pa rin siya naniniwala. Sa akin naman kase ay wala ang tagal ng pagkakakilala para masabi mo ng pwede ka ng magpahayag ng pag-ibig sa isang tao. Bakit ko pa patatagalin? Kaya lang ibang klaseng babae si Dei. Hindi siya yun tipo ng babae na tulad ng naikama ko. Siya yun tipo na nirerespeto. Nililigawan. Itutuloy ko ang balak ko. Dapat kong patunayan sa kanya na seryoso ako.
Hindi pa rin tumatawag si Daddy para balitaan ako ng developments sa paghahanap kay Mommy. Wala pa rin balita kung nasaan siya. Buhay pa nga ba siya? Hindi ko na alam. Pero umaasa ako.
Pagkatapos kong maligo at mag-agahan ay dumiretso ako saglit sa site. Hindi pa rin naman sila nagsisimula dahil medyo maaga pa.
Nakibalita ako sa mga kasamahan ko kung lahat ba ng materyales sa pagpapatayo ng resort ay kumpleto na. Sinabi ni Engineer Jose na kumpleto na daw. Kaya wala na akong dapat pang alalahanin.
"Bossing, kamusta date ninyo nung magandang dilag?" Tanong ni Jose.
"Okay naman. Di pati date yun. Sinamahan lang ako nung tao."
"Mukhang di ata gumagana ang karisma mo dun, boss ah?"
"Tumigil ka nga Jose. Ibang klaseng babae si Dei. Hindi siya kaladkarin."
"Wow! Boss, parang laki ng pinagbago mo ah. Mula kase ng makilala mo yan si Dei, parang bumait ka at naging simpatiko." Si Jose pa rin.
"Ganun talaga. Isa pa nakita ko na ata yun babaeng para sa akin. Yun panghabang-buhay na."
"Grabe, Boss RJ, inlove ka nga. Proud na proud ka e!"
"Di pa naman love pero papunta na dun. Basta ang alam ko gusto ko siyang laging kasama."
"Patay tayo diyan. E di lagi ka na dito sa Quezon project?" Tanong ni Wally.
"Siguro. Oo. Pero kailangan ko rin kase bumalik sa Maynila kaya kailangan mapasagot ko na si Dei."
"Kahapon mo lang nakilala, pasagutin agad? Bilis mo Boss!"
"Naku basta di ninyo alam. Matagal ko na siyang nakilala."
"Kwento mo naman boss." Si Jose.
"Huwag na. Basta yun kahapon, di yun ang una naming pagkikita. Nakilala ko na siya. Kaya nga liligawan ko na agad e."
"Ibang klase ka palang mainlove Boss. Todo, sagad pa." Si Wally.
"Mga gago. Walang halong bastos dun ah! Seryoso lang ako sa kanya. Teka tulungan ninyo naman akong manligaw. First time ko e. Di kase ako sanay na manligaw, lagi kase ako hinahabol."
"Aysus! Mayabang talaga itong si Boss." Sabi ni Wally.
"Dapat lang o. Lalim ng dimples, tisoy pa, at ang laki ng muscles. Madami ng nalalaglag ang typan!" Si Jose.
"Tama na yan. Paano ba nga kase manligaw?"
"Ganito kase yun, dumalaw ka muna sa bahay. Magpaalam sa parents niya na manliligaw ka." Simula ni Wally.
"Parents? Di kaya tagain ako ng tatay nun?"
"Anu ka ba? Yun nga ang thrill dun. Kase kapag napapayag mo yun magulang, yun anak madali ng sasagot." Sabi naman ni Jose.
"Ah ganun ba? E paano ko liligawan yun parents?"
"Pumunta ka dun. Magdala ka ng kahit ano sa magulang. Pagkain, bulaklak, cake. Kahit ano! Wag lang pera ha! Mainsulto yun." Dagdag pa ni Wally.
"Okay, tapos?"
"Basta sabihin mo yun pakay mo. Magpakatotoo ka brother, yun lang." Dagdag pa niya.
"Magustuhan kaya ako?"
"Kung seryoso ka, malalaman nila yun sa mga mata mo. Kung hindi, alam din nila iyon." Si Jose naman.
"Hirap pala."
"Hindi mahirap kung mahal mo yun girl." Dagdag ni Jose.
"Kunsabagay. Salamat sa mga info ninyo ha. Susundin ko yan! Kayo na muna bahala dito kase pupunta ako ng bayan. Bibilhin ko lahat ng kailangan ko."
"Go! Suportahan ka namin ni Wally!"
At iniwan ko na sila dahil oras na naman ng trabaho. Nagpunta ako sa bayan. May mag ilang bagay akong aayusin. Kailangan ko kaseng maging mabuti sa paningin ni Dei.
•••••••••
Dei
Grabeng lalaki yun. Yun mga pinagsasabi akala mo seryoso. Di naman ako madadaan sa bilisan no. Kung talagang seryos siya, dapat patunayan niya. Pero ang tanong, gagawin kaya niya.
Kinakabahan ako ng bumangon ako ng alas sais ng umaga. Mamaya may kasama na kaming iba sa agahan. Malay ko ba kung natunton niya ang bahay namin.
Paglabas ko ng kwarto ko ay inabutan ko si Tatay na nagkakape.
"Magandang umaga, anak. Parika na at mag-agahan."
"Good morning din Tay. Si Nanay po?"
"Ayun namalengke. Magluluto daw ng sinampalukan. Kinatay ko kase yun isa sa native nating manok."
"Masarap yun Tay!"
"Wala ka bang lakad ngayon?"
"Meron po. Sayang. Tirhan ninyo ako mamayang gabi."
"Yun ba? Mamayang gabi pa nating ulam yun. Namitas ako ng mga gulay, magpakbet si Nanay sa tanghali. Dadating daw kase ang kuya mo mamayang hapon kaya ipagluluto ni Nanay mo."
"Si Kuya? Bakit daw?" Masaya ako pero nakaramdam ako ng inggit kase pinaghahandaan talaga ni Nanay ang pagdating ni Kuya, samantalang ako hindi. Don't get me wrong ha, mabait din naman minsan si Nanay sa akin kaya lang palagi rin galit. Ewan ko, buti kase si Tatay, ako ang pet niya. Ganun siguro talaga.
"Oo. Kaya umuwi ka ng maaga. Mga hapon daw, andito na si Kuya Danny mo. Isang linggo daw ang leave niya."
"Okay po. Baka po may kulang pa, pwede akong dumaan sa bayan mamaya pag-uwi ko."
"Wala na anak. Makarating ka lang dito bago maghapunan, ayos na. Kumain ka na at maaga pa ata ang pasok mo."
"Oo nga po."
Kumain na ako ng agahan. Nalimutan ko na yun mga sinasabi ni Sir RJ. Napalitan ng imahe ni Kuya. Di naman yun umuuwi dito pero bakit kaya? Dapat ba akong kabahan? Sana hindi. Sana magbabakasyon lang siya.
Close kami ng kuya Danny ko. Sino pa ba magdamayan kundi kaming dalawa lang. Pero minsan, istrikto ito. Ayaw niyang may nanliligaw sa akin. Kunsabagay, bata pa ako nun. Pero ngayon na dalaga na ako at tapos na rin, siguro naman hindi na niya ako pagbabawalan.
Kumilos na ako. Nagmamadali akong nagpunta sa resthouse ni Sir Sam dahil sasamahan ko daw si Sir RJ na maglibot uli. Wala talagang kapaguran ang taong yun. Nagdadahilan lang para makasama ako at mabola.
Pero pagdating ko, nung napadaan ako sa construction, binanggit nun isang Engineer na wala daw si Sir RJ. Nakahinga ako ng maluwag kase hindi ko siya sasamahan at the same time, nalungkot ako. Di ko kase siya makikita. Nagpasabi na lang ako na pupunta na lang ako sa office ni Sir Sam sa bayan. Mas kailangan ako dun kaysa tumambay sa resthouse. Marami pa akong trabaho.
Pagdating sa office ay inabutan ko sila Paolo na nag-interview. Ako man ay nakisali na din. Para mabilis matapos ang oras.
"Bakit nandito ka?" Tanong ni Pao.
"Wala naman akong gagawin dun sa resthouse."
"Okay. Sige, ikaw na bahala sa ibang nakapila. Dami kaseng applicant ngayon."
"Okay. Akina yun ibang folders. Trabaho na agad. Para makauwi tayo in time. May dadating kase sa bahay."
"Sino?" Tanong uli ni Pao.
"Yun brotherhood ko. Uuwi daw at mag-babakasyon"
"Gwapo ba? Pakilala mo naman ako."
"Gaga! Allergic yun sa becki. Huwag ka ng mag-ilusyon"
"Ang sama mo!"
"Sorry. Tama na nga. Trabaho na tayo."
Natapos namin ang trabaho bago magtangahali. Pagka-lunch, nag-deliberation kami kung sino ang qualified para sa next interview. Bago kase kay Sir Sam, kami muna sumasala.
Kakapagod, pero ayos naman. Masaya talaga sa opisina.
Hindi naman ako binuwisit ni Sir Rj maghapon. Malamang may inaasikaso. Mabuti naman kase mahirap pag-kami magkasama. Baka kung ano ang masabi ko, malaman pa niyang crush ko siya.
Crush? Hay, first time kong magka-crush. Parang high school ano?
A/N Anu kaya ang dalang pagbabago ng pagdating ng kuya ni Dei. Dadalaw na kaya si RJ sa mga Capili? Abangan! Mamaya!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro