Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

11

RJ

Flashback bago ang muling pagkikita...

Pagkagising na pagkagising ko, naligo agad ako at balak kong puntahan ang site. Habang nagbibihis ay naalala ko ang ID picture ni Dei. Siguro panahon na para malaman ko kung kilala nila Sam ang babae. Dinala ko ang ID at bumaba sa dining kung saan nandoon na si Sam na nagkakape.

"Good morning Engineer Reyes, tara, kumain ka na."

"Good morning din Mr. Gogna."

"Sam na lang. Masyadong pormal."

"Sige, RJ na lang din. Nakakatanda. Nga pala, matagal ka na ba dito naglalagi?"

"Hindi naman. Kakauwi ko lang galing India. Minana ko kase ito sa lolo ko na half Filipino, half Indian."

"Ah okay."

"Bakit?"

"Kase may hinahanap akong babae. Baka kilala mo? Kaya lang bago ka rin pala sa lugar na ito."

"Ah. Pero anong pangalan. Ipagtatanong ko."

"Dei Capili."

"Dei Capili?"

"Oo. Kilala mo ba?"

"Di mo naitatanong, siya ang bagong Resort Manager sa itinatayo mong building."

"Talaga? Asan siya?"

"Tamang-tama dadating siya."

"Talaga?"

"Oo. Paano mo nakilala?"

"Ah e napulot ko kase itong ID niya. Ibabalik ko lang sana."

"Ah okay."

"Sam, pwede ba akong humingi ng favor?"

"Ano yun?"

"Pwede mo bang payagan yun tauhan mong si Dei na i-escort ako the whole day?"

"Ha? Escort lady?"

"Hindi yun iniisip mo! As in samahan lang niya ako maglibot today."

"Ah okay. Sige. Yun lang pala."

"Good. Kakain na ako."

"Pre, excited ka?"

"Ah hindi."

"Talaga?"

"Ano, eh oo."

"Hmm.. kumain ka na, padating na yun."

Para akong high school na nangingiti dahil makakadate ang crush ko. Kung date nga bang matatawag iyon. Pero kahit na, desidido ako. Akalain mong mapapadali pala ang pagkakakilala namin ni Taray.

Minadali ko ang pagkain at agad nagpaalam kay Sam para silipin ang trabaho sa site ng..

"Aray!" Sambit niya.

"Sorry."

"Ikaw?"

"Oo ako."

"Sinusundan mo ba ako?"

"Miss Dei, hindi. Dito ako nagtatrabaho."

"Weh? Ako nga tigilan mo! Bakit alam mo pangalan ko?"

"Ay oo nga pala, na sa akin yun pouch mo. Hinahabol kita pero di ka na lumingon."

"Bwisit ka! Nasa iyo lang pala yun. Nagastusan pa ako!"

"Babayaran ko! Magkano ba?"

"Ewan ko sayo! Diyan ka na. May pasok pa ako."

"Bakit ka nandito?"

"Basta! Wala ka na roon!"

"Teka naman. Anong gagawin mo diyan kala Sam."

"Kilala mo si Sir Sam?"

"Oo. Ako ang Contractor niya sa resort niya. Bakit?"

"Ah ganun! Basta! Diyan ka na!"

Umalis na agad siya. Nagmamadali. Di niya alam pero alam ko kung ano ang sadya niya kay Sam.

"Dei sandali, di mo ba tatanungin ang pangalan ko?" Habol ko sa kanya.

"Tse! Wala akong pakialam sa pangalan mo!" Sigaw niya.

Napakamot na lang ako ng batok. Ang ganda talaga ni Taray.

Hinintay ko siyang lumabas ng bahay ni Sam. At ng makita ko siya ay..

"Tara!" Bungad ko sa kanya.

"Hmmp! Nakakainis ka!"

"Boss mo ako ngayon. And dahil ako ang boss, lahat ng sabihin ko susundin mo!"

"Oo na! Ngayon lang!"

"Okay. Tara na."

Ngumiti ako ng nakakaloko. Masaya ako kase akin siya buong araw. Wala siyang magagawa. Gagawa ako ng paraan para bumait ang babaeng ito sa akin.

"Mapaalalahanan lang kita, Mr. Faul.. ano nga uli pangalan mo?"

"RJ!"

"Hindi yan! Yun apelyido mo."

"Ah alin? Yun magiging apelyido mo sa future?"

"Di ako nakikipagbiruan sayo Mister!"

"Mister na agad. E di Misis na kita?"

"Ewan ko sayo! Sige Sir RJ na lang. Kakainis ka!"

"Huwag kang mainis. Ako nga pala si Richard James Reyes. You're Dei Capili, right?"

"Pakialamero ka talaga. Akina yun pouch ko!"

"Saka na. Bago ako umuwi sa Maynila, hahawakan ko muna yun. Hangga't di ka bumabait sa akin."

"Ang yabang mo!"

"Hep! Ako ang boss ngayon. Sinabi ni Sam sayo yan!"

"Oo na! Madaya ka! Dinadaan mo sa boss ko!"

"Huwag ka ng magreklamo. Kumain ka na ba?"

Hindi siya sumagot. Sumimangot. Pero I find her so cute.

"Sorry na. Samahan mo na ako."

"May magagawa ba ako?"

"Wala. Kaya tara na!"

At sumunod siya sa akin. Pumunta muna kami sa site. Nakita kong napatigil ang mga trabahador ng makita siya. Pati sila Engineer Jose at Engineer Wally ay napatulala. Nagandahan din kase sila.

"Good morning, Sir RJ. Ganda naman ng assistant mo. Pakilala mo naman kami." Sabi ni Engr. Wally.

Nahiya ako ng nasambit ko ang..

"Hoy, bawal!"

Tinignan ko si Dei na yumuko at napangiti.

"Damot naman." Dagdag pa niya.

"Ikaw Wally, kita mong binabakuran na ni RJ oh. At saka may asawa ka na. Mahiya ka! Ako nga pala si Engineer Jose Manalo, magandang Binibini. Anong pangalan mo?" Sabi ni Engr. Jose.

"Dei Capili po." Walang gatol na sagot niya.

"Ang daya! Bakit sila sinabi mo agad yun pangalan mo!" Maktol ko.

"Ang ganda mo Miss Dei." Sabi ni Engr. Jose.

"Isa ka pa pala diyan, Engr. Jose eh!" Asar na sabi ni Wally.

May sumigaw na isang makapal ang mukhang trabahador.

"Huy! Asa pa kayo! Si Sir RJ ang bagay sa binibini. Ang tatanda na ninyo no!"

Nagtawanan ang mga trabahador.

"Loko ito ah! Baka mapaalis kita dito!" Sabi ni Engr. Jose.

"Sorry Engineer, kakampi ko si Sir RJ.." sagot ng pilosopong trabahador.

Nagtawanan ang mga trabahador. Ganito sila kasaya sa trabaho. Actually, matagal ko na silang kilala. At alam kong naglolokohan lang sila.

"Kayo na muna bahala dito, Engineer Jose ha, aalis muna ako. Sasamahan ako ni Dei."

"Sige Sir RJ, kami na bahala dito. Kahit bukas ka na bumalik. Ingatan mo si Ganda." Sabi ni Wally.

"Oo naman." Sagot ko.

Napangiti uli si Dei. Parang tumama ako sa Lotto. Maganda talaga siya pagnakangiti.

At iyon lang at hinila ko na siya paalis sa site.

"Bitawan mo nga ako! Di ako baldado!"

"Okay. Ang suplada mo!"

"E kase ang yabang mo!"

"Mabait nga ako o"

"Sinabi mo e! Tara na. Sayang ang oras. Saan mo ba gustong pumunta?"

"Saan ba maganda dito? Yun singganda mo?"

"Inaasar mo ba ako?"

"Hindi no! Compliment yun! Di ka ba sanay na may nagsasabi sayo niyan?"

"Hindi! Tama na bola. Tara dun na tayo sa may dalampasigan. May masarap na kainan dun ng delicacies ng Quezon. Niloloko mo na ako Sir e."

"Sige." Sabay ngiti sa kanya.

Sumunod na ako sa kanya. Tunay ngang masarap ang mga pagkain doon. At kahit busog ako ay kumain pa rin ako.

Tahimik kami. Miminsan na nagkakatinginan. Nangingiti kapag nahuhuli ang bawat isa. Pero sa sandaling oras na yun ay nawala na yun asaran.

"Dami mo inorder Sir."

"Iuwi mo yun matira."

"Di na. Ikaw na lang mag-uwi. Pakain mo sa mga tauhan mo."

"Ibalot na lang natin. Balik tayo dun sa sapa. Duon natin kainin pagnagutom tayo. Gusto ko dun."

"Ha?"

"Narinig mo ako? Tara dun sa sapa kung saan kita nakitang naghu...."

"Tama na! Papaalala mo pa. Oo sige na."

"Yan. Good girl."

At pagakatapos naming ipabalot ang pagkain na natira ay nagsimula kaming maglakad papunta sa tabing sapa sa may kakahuyan sa gitna ng hacienda nila Sam.

"Ang ganda dito ano?"

"Maganda talaga dito."

"Bakit ka narito nung araw na yun?"

"Dito ako tumatambay pagtumatakas ako sa Nanay ko."

"Bakit?"

"Wala lang. Napakaprotective kase ni Nanay."

"Buti ka pa."

"Bakit?

"Yun Mommy ko, hanggang ngayon hindi pa rin nakikita."

"Bakit?"

"Kase iniwan namin siya ni Daddy dati sa Laguna. Tapos wala na kaming balita sa kanya. Akala ko nga patay na siya."

"Sorry."

"Okay lang. Malakas naman kutob ko na buhay pa siya."

"Buhay pa yon. Hindi mo lang mahanap pa. Pero mahahanap mo rin siya."

"Salamat."

"Welcome."

"Ayos pala pag di tayo nag-aasaran e."

"Kunsabagay."

"May biyfriend ka na?"

"Ha? Anong tanong yan?"

"Wala lang? Meron ba?"

"Wala pa."

Napangiti ako sa sinabi niya. May pag-asa ako! Yehey!

A/N Last for tonight. Bukas na lang uli. Thanks for reading.







Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro