Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

10

RJ

I tried to find out who sent this packages to me. I'm sure he knows where I can find my Mom. But to no avail. Dad did the same and just like him, wala rin nangyari. May katotohanan nga yun kasabihang ang ayaw maghanap ay mahirap hanapin.

Pero I am not going to give up. I continued with my work. Setting aside muna the search for my Mom. But deep inside, gustung-gusto ko siyang hanapin. Ako mismo. Pero  ang daming hassle. Pero I know it will find her soon.

I talked to Sam Gogna and told him, I wanted to be the one incharge of the project. Actually naitayo na yun pundasyon ng hotel. 3-storey building kase iyon sa bukana ng hacienda. Although I was torn between looking for my long lost mother, kailangan ko pa rin magtrabaho. Marami ang mga bibig na umaasa sa akin, like my employees.

After 2 months, nagkaroon na rin ako ng time para pumunta sa Quezon. I'll be there for two straight weeks na walang uwian. And though I was worried na baka maantala ang paghahanap kay Mommy, inassure naman ako ng imbestigador and ni Daddy na babalitaan ako kapag may nalaman sila tungkol kay Mom.

I arrived at Sam's hacienda by 10pm tonight kase medyo hapon na rin ako umalis sa Manila. Tinapos ko muna ang mga dapat pirmahan.

Sam was there to welcome me. As usual, binigyan ako ng room for my stay. Yun iba kaseng trabahador at Engineers nag-stay sa barracks. Sam was kind enough to let me stay kase alam niyang ako ang may-ari ng kumpanya. I had no time to go out na that time. Pagod na pagod ako. Minabuti ko na lang na matulog ng maaga para kinabukasan ay mabisita ko ang site na malapit lang naman sa resthouse.

While I was arranging my things after a refreshing shower, bigla kong naalala si Dei. Oo kilala ko na yun pangalan niya. Kinabukasan, I'm going to ask the people here if they know Dei. Siguro naman baka may makapagsasabi sa akin na kilala nila ang babae. I'm determined to look for her. And kahit sandaling panahon lang naman, namiss ko yun katarayan niya.  Si Dei at ang Mommy ko ang dalawang babaeng gusto kong makita. Given na si Mommy kase nanay ko siya, and Dei, kase parang siya na ata yun babae para sa akin. Siya lang kase ang hindi nagpakita ng pagkagusto sa akin. Siya lang ata yun neresist ang kagwapuhan ko. Well sa iba kase, sila pa ang naghahabol sa akin. And iyon siguro ang dahilan kung bakit ako ang nababaliw sa kanya. Iba siya sa mga babaeng nakilala ko.

•••••••••

Dei

Maaga akong gumising. Sabi ni Sir Sam ay dumaan daw ako sa resthouse niya dahil may mga bisita siya at hindi makakapunta sa opisina. Dalhin ko daw ang mga papeles na pipirmahan niya. Pinauwi niya kase sa akin ang file ng mga bagong hired na resort staff para marebisa at mabackground check.

On my way to the hacienda, napagmasdan kong malaki na rin pala ang nasimulan ng contractor. Nakatayo na halos ang pinaka eskeliton nito. Mabilis gumawa ang contractor.

Napansin kong ang ilan sa mga tauhan ng konstruksiyon ay nakatingin sa akin. Napatigil sila sa paggawa noong dumaan ako. Nahiya naman ako dahil ultimo yun isang Engineer na naroon ay napatingin din. Narinig kong sabi nito.

"Huy, magtrabaho kayo. Nahihiya tuloy yun babae sa katitingin ninyo."

"Opo Sir."

"Buti na lang wala pa si Boss RJ, kundi patay kayo. Balik na sa trabaho."

Lumakad na ako ng mabilis. Bitbit ang isang damakmak na papeles. Dala ng pagmamadali ko ay di ko namalayan na nabunggo ako sa isang tao.

"Aray!" Sambit ko.

"Sorry."

"Ikaw?"

"Oo ako."

"Sinusundan mo ba ako?"

"Miss Dei, hindi. Dito ako nagtatrabaho."

"Weh? Ako nga tigilan mo! Bakit alam mo pangalan ko?"

"Ay oo nga pala, na sa akin yun pouch mo. Hinahabol kita pero di ka na lumingon."

"Bwisit ka! Nasa iyo lang pala yun. Nagastusan pa ako!"

"Babayaran ko! Magkano ba?"

"Ewan ko sayo! Diyan ka na. May pasok pa ako."

"Bakit ka nandito?"

"Basta! Wala ka na roon!"

"Teka naman. Anong gagawin mo diyan kala Sam."

"Kilala mo si Sir Sam?"

"Oo. Ako ang Contractor niya sa resort niya. Bakit?"

"Ah ganun! Basta! Diyan ka na!"

Umalis na ako. Nagmamadali.

"Dei sandali, di mo ba tatanungin ang pangalan ko?" Habol niya sa akin.

"Tse! Wala akong pakialam sa pangalan mo!" Sigaw ko.

Mas lalo akong nagmadali. Natanaw kong napakamot siya ng batok. Ang gwapo niya talaga. Kaya lang hindi ako pwede magpa-cute.

Siya pala ang contractor ng resort. Mayaman. Lalo akong nadismaya.  Hindi nga ako lalo magugustuhan nun. Aba e mayaman na, gwapo pa. Samantalang ako, hamak na probinsiyana lang. Hay buhay! Pero okay lang, e ano ngayon kung hindi niya ako magustuhan. Pwede ba, hindi kawalan.

Dumiretso ako sa office ni Sir Sam.

"Sir, eto na po yun mga papeles."

"Okay. Ilagay mo na diyan. Sabihan mo si Patty na hindi ka makakarating sa office today."

"Ha? Bakit po?"

"Huwag ka ng magtanong. Basta samahan mo si Mr. Reyes na maglibot sa hacienda para malaman niya ang pasikot-sikot dito."

"Sino yun Sir?"

"Si Richard James Reyes, yun contractor ng resort."

"Bakit ako Sir? Bakit di kayo?"

"Ako ba inuutusan mo?"

"Hindi sa ganun Sir."

"O e bakit ayaw mo?"

"Wala po Sir. Sige na nga po."

"Huwag ka ng magreklamo, nirequest ka niya kanina."

"Hindi naman po niya ako kilala."

"Ewan ko Dei. Pero pagkagising niya kanina ikaw agad ang tinanong niya."

"Ha? Bakit?"

"Ewan ko, nagtaka nga ako. O basta samahan mo ha!"

"May magagawa pa po ba ako? Sige Sir lalabas na po ako."

"Siguraduhin mong mag-enjoy ang bisita ko ha, Dei."

"Sige po."

Umalis na ako at dumiretso sa labas. Paglabas na paglabas ko, hinihintay na ako ng tukmol.

"Tara!" Bungad niya.

"Hmmp! Nakakainis ka!"

"Boss mo ako ngayon. And dahil ako ang boss, lahat ng sabihin ko susundin mo!"

"Oo na! Ngayon lang!"

"Okay. Tara na."

Nakakainis. Ang ngiti ng loko nakakbuwisit! Ano ba itong napasok ko?

A/N Will try to update later..













Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro