Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

1

RJ

Nagising ako na masakit ang ulo. Napansin kong hindi ako nag-iisa sa kama.

Isa na naman sa mga umagang nagising ako na may katabing hindi ko kilalang babae.

Kinapa ko ang tabing mesa sa kama upang tignan ang oras. Madilim sa aking kwarto dahil natatakpan ang bintana nito ng makapal na blinds.

Nakita kong mag-alas otso na ng umaga. Mayroon nga pala akong meeting ng 10 am kaya nagmamadali akong bumangon at dumiretso sa comfort room.

"Babe, maaga pa. Matulog pa tayo."

"I have a meeting by 10am. I know you know your way out. Thanks for the night. Paglabas ko ng banyo, sana you're already out."

"How dare you! Ang kapal ng mukha mo, pagkatapos kong paligayahin ka kagabi!"

"Whatever! Basta paglabas ko, dapat wala ka na dito!"

"Hayop ka! Walanghiya!"

Iyon lang at tinalikuran ko na siya. Narinig ko pa na nagsisigaw siya pero sanay na ako sa mga ganun. Marami ng beses ko yun narinig sa mga babaeng dinala ko dito sa condo ko pero wala ng epekto sa akin ang galit nila. Ginusto rin naman nila yun. Nung sumama sila sa akin, alam nila na ganun ang kakahantungan ng lahat. I don't care kahit magalit pa sila. It's over, the moment they step out of my condo. Wala ng second time. Ayoko kaseng bigyan pa sila ng maling impression na magugustuhan ko sila.

••••••••

After I showered, nagbihis na ako ng normal jeans, black V-Neck tshirt at black slip ons ko. Eto yun karaniwang suot ko. Mas komportable para sa akin kapag casual lang ang suot ko.

I am to meet my prospective client at 10 am. So I just grab my keys pagkabihis at umalis na ng condo.

Dumaan ako sa coffee shop to get a cup of coffee. Wala na kase akong time para magtimpla pa. Wala rin si Manang Emma para ipagluto ako ng breakfast kase may emergency daw sa probinsiya nila at kailangan siya ng kanyang ina. Pinayagan ko naman siya na umuwi at magbakasyon ng isang linggo. Si Manang Emma ang maid ko sa bahay. Siya lang ang nakakaintindi sa akin at siya lang ang taong pinagkakatiwalaan ko. Para ko na kase siyang pangalawang nanay, simula kase ng magkaroon ako ng sariling tirahan at negosyo, siya na ang kasa-kasama ko  at nag-aalaga sa akin.

Nakarating ako sa meeting place namin ng client ko ng maaga. Wala pa ito kaya naupo muna ako at umorder ng kahit na anong mailalaman sa sikmura ko.

About 10 minutes after 10 in the morning ng dumating ang ka-meeting ko, si Ms. Tricia Santillan. Di ko inaasahan na bata pa pala ito. Mga halos kasing-tanda ko.

"Hi! I'm Tricia Santillan. You must be Richard Reyes?"

"At your service Maam!"

"Let's go into business, medyo nagmamadali kase ako. I would like you to build the house I wanted to built. And based on my sources, magaling ka daw. Is it true, Mr. Reyes?"

"Hindi sa pagmamayabang, Ms. Santillan, pero marami na po akong nagawang bahay at buildings, even establishments na pinupuri dahil sa tibay at ganda. No need to brag about it, nakita mo na naman siguro yun mga sample projects ko."

"Yes! And I must admit, magaling ka nga. So, here is the blueprint. I guess, magkakasundo tayo sa presyo?"

"Name your price Miss Santillan."

"Sa tingin mo, magkano ang magiging budget?"

"Well, as for your design, looks like it will reach at least 20 million pesos. Based kase sa design na gusto mo, you want to use imported materials para sa exteriors ng bahay."

"That won't be a problem. Is it a deal?"

"Hindi ko ito tatanggihan. Call!"

"So when do we start, Ms. Santillan?"

"As soon as possible. Gusto ko kase pagbalik ng Mom ko ay tapos na ang bahay."

"If I may ask, kelan ba ang target date mo, Maam?"

"5 months from now? Kaya mo ba yun?"

"Of course, Maam! I know my team. I have here the contract. Please sign here at uumpisahan na po namin agad ang pagtatayo ng dream house ninyo. But I'm going to ask at least 30% downpayment. Para po mabili na natin yun mga materials sa pagtatayo ng pundasyon ng bahay."

"Okay. There, and here is the 6 million down payment. Please make sure matapos agad. I don't want to waste time. Gusto kong masimulan na agad."

"Of course, Ms. Santillan, sisimulan na yun project sa Monday. We still have 4 days bago magsimula. Enough time para mai-order na yun materyales."

"Okay. Mr. Reyes, it was nice doing business with you today, pero I have to get going. Mayroon pa kase akong another appointment. See you!"

After the meeting ay dumiretso ako sa office para i-meet ang mga tauhan ko para sa darating na Lunes ay masimulan na ang house project ni Ms. Santillan.

A/N Hope you're enjoying the story.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro