Prologue
COPYRIGHT © Jay-c de Lente
COVER: Photos/DigitalArt © Jay-c de Lente
All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the author/publisher except for the use of brief quotations in a book review.
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
| Prologue |
August 30, 1897
Bayan ng Paombong, Bulacan
Men were crouched lower along a small, narrow trench which they had dug secretly and meticulously days before. Bawat isa ay may hawak na pambungkal ng lupa at patuloy na gumagawa ng malalim na kanal. Maingat at walang ingay ang kanilang pagkilos kahit pa malalim na ang gabi, bukod sa maputik ang kapaligiran at umaambon. Wala rin silang gamit na ilaw. Hindi maaaring sindihan ang dala nilang mga lampara. Tanging pinagkukunan nila ng liwanag ay ang buwan na bahagyang nakasilip sa likod ng makakapal na ulap.
Sandaling nahinto sa pagbungkal ang isang binata. Sweat beaded his forehead despite the rain. His plain, short-sleeved white shirt called Camisa de Chino was all wet and dirty. Though the quiet drizzle of rain obscured them and their activity, it didn't help ease their exhaustion, lalo na't nanunuot sa kanilang kalamnan ang lamig.
Subalit, tila hindi apektado ng ginaw ang binata. Despite his tired eyes, he just removed the piece of cloth tied around his neck and wiped the sticky perspiration. From his crouched position, he moved his muddy feet and straigthened a little. Just enough height so he could peek his head out from beneath their hiding place but not risking being seen. Napakimportanteng hindi sila mabuko sa misyong iyon.
Squinting into the slow drizzle, he saw their target. Looming in the distance and illuminated by torches and lamps was a convent used as a Spanish garrison by the cazadores (hunters/shooters).
Yumukod muli ang binata at hinanap ng mga mata nito ang kaibigan at isang Katipunero na si Juan Fernando.
"Labindalawang cazadores ang nabibilang kong nagbabantay, Juan," pabulong na wika ng binata. Ang mga mata nito ay alerto kahit pagod. "Ngunit nakasisiguro akong mayroon pang ilan na nasa loob ng kumbento. Gaya ng ating naiplano tatlong araw na ang nakalilipas, masidhing pag-iingat ang ating gagawin sapagkat mas malakas ang kalibre ng kanilang mga riple."
Huminto sa pagbubungkal ang kaibigan at tumaas-baba ang ulo nito bilang pagsang-ayon. "Huwag kang mag-alala, kapitan," pabulong din na sagot ni Juan. Maaaninag sa mukha nito ang determinasyon at marubdob na katapatan sa sundalong opisyal.
Sa edad ng kapitan na beynte uno anyos, nakitaan na ito ng tapang at kagalingan sa pamumuno, dahilan kaya hinahangaan ito ng kapwa rin mga sundalo at ng anim pang mga kasamahang Katipunero doon.
"Sapat na ang lalim nito, kapitan," mahinang wika naman ng isang Katipunero na nagngangalang Inocencio de Dios. Pagod na ibinaon nito sa lupa ang pambungkal at hinagod ng isang kamay ang basang buhok.
Sumunod ding nahinto ang ibang mga nagbubungkal. Kani-kaniyang upo sila sa maputik na lupa. Halo-halo ang amoy ng pawis, ngunit hindi nila iyon pansin. Dalawang araw na ang nakalilipas nang sinimulan nila ang pagbungkal. Dalawang araw na rin ang nakalilipas nang makapasok sila sa bayang iyon na hindi napaghihinalaan ng nakapaligid na cazadores na minsan ay niroronda hindi lamang ang palibot ng kumbento, kundi pati ang mga kalapit na kalye at ilang istruktura.
Tumango ang binatang kapitan. "Simulan mo na ang senyal, Ino."
Tumango rin si Inocencio at inihanda ang mga palad na balot pa ng putik. Mabilisan niya iyong pinunas sa damit at saka ipunuwesto sa tapat ng bibig.
Maya-maya pa ay umalingawngaw sa paligid ang huni ng isang ibon.
Tensiyonadong nakinig at nag-obserba ang grupo ng kapitan. Ang mga tenga nila ay maigting na nakaantabay sa anumang kasunod noong huni.
Pero wala.
Mahinhin na patak ng ambon lang ang naririnig nila.
Mabilis na nagtama ang mga tingin ng mga Katipunero sa isa't isa. Nag-uusap. Nagtatanong kung may nangyari bang masama sa tatlo pang mga kasama na nagbubungkal din 'di kalayuan sa puwesto nila. That group was led by Vicente Riego. And worst, the cazadores might have already known about the signal.
"Ulitin mo, Ino. Maaaring hindi lamang narinig ng grupo ni Enteng ang senyal dahil sa ambon," wika ng kapitan sa mahinang tinig.
Humugot muna ng malalim na hininga si Inocencio saka ibinuga iyon sa loob ng nakatiklop na mga palad.
At muli, naglikha iyon ng huni ng ibon.
Isa... dalawa... tatlong segundo ang lumipas.
Wala pa rin.
Hanggang sa sinagot iyon nang dalawang ulit ng pareho ring huni!
Marahas na napailing si Juan. Sumilay naman sa mukha ng kapitan ang ngiti at pagluwag ng dibdib. Ang ibang Katipunero ay napabuga ng hangin na kanina pa pinipigilan dahil sa tensiyon.
"Nakahanda at nakaantabay na rin ang grupo nina Enteng sa kabila," kompirmasyon ng kapitan. "Malayo pa ang bukang-liwayway, mga kasama. Marami pang oras para makapagpahinga tayo." Nilingon nito si Juan Fernando at idinantay ang kamay sa kanang balikat ng kaibigan. "Ako ang mauunang magbantay, Juan. Magpahinga ka na rin."
Soon after, they spread handmade patches of grasses, leaves, and soil to conceal themselves and the trenches they had created. Animo'y parang walang nangyaring paghuhukay roon at walang bakas na nagalaw ang lupa.
~~~~~~
Many hours had passed, even before the early morning light peeked behind the mountains, the captain and three others, crawled out from the trench toward a secret hideout. The hiding place was an old 'kubo.' It was arranged by a fellow Katipunero named Eusebio Catindig who was then living inside the town.
"Maraming salamat sa inyo, ng inyo pong may-bahay, Mang Eusebio, sa pagpapahiram nitong mga kasuotan," wika ng kapitan habang isinusuot ang damit na pambabae.
Maging sina Juan at dalawa pang mga kasamang Katipunero ay nagbibihis din ng baro't saya. Gamit ang lampin ng sanggol, ibinalot nila sa loob noon ang kanilang mga armas at sandata. All they need to do now was to wait for the sound from the church's bell tower. Hudyat iyon ng umpisa ng misa at magaganap na binyagan.
At tumunog na nga ang kampana.
Normal na kilos-babae ang mga galaw ng apat na Katipunero habang papasok ng kumbento.
Their heads were heavily veiled. Their disguised infants were cuddled closer to their chests. Underneath their clothes, every muscle in their bodies was tight and tensed.
Pagtapat sa nakabantay na cazadores, nilingon lamang nang mabilisan ang nagbabalat-kayong kapitan at pinapasok. Ganoon din sa tatlo pa.
Pumuwesto ang kapitan sa harapan malapit sa pari. Ang tatlo ay umupo sa palibot ng kumbento o kung saan may nakabantay na cazadores.
Humugot ng lakas ng loob ang kapitan sa pamamagitan ng maikling dasal sa Panginoon. Ang isang bisig na nakayakap sa kunwaring sanggol ay nakahanda anumang sandali na susugod sila. Alam din niyang nakahanda na sa labas ng kumbento, sa dalawang kanal na ginawa nila, ang grupo nina Ino at Enteng.
Tumayo ang kapitan nang papalapit sa kanya ang pari upang bendisyunan ang akay niyang sanggol. Nanlaki ang mga mata nito nang imbes na sanggol ay isang baril ang inilabas ng kapitan at itinutok sa katawan nito.
Sa pagkabigla, nabitiwan ng pari ang hawak na bendita kaya naalerto ang ilang cazadores na nandoon sa loob.
Ngunit mabilis ang tatlong Katipunero. Nagawa na nilang ilabas ang mga armas at naitutok iyon sa mga bantay.
Mabilis din ang sumunod na mga nangyari. Kagyat na pinalabas ng kapitan ang mga inosenteng nagsisimba roon upang hindi madamay. He knew that the cazadores outside would be alerted the moment people start rushing out of the church. But he knew as well that his men outside were anticipating it and could handle the situation.
At nag-umpisa na nga ang putukan sa labas. Nang akmang papasukin na sana ng ilang cazadores ang kumbento, biglang umalingawngaw ang putok sa kung saan at isang kasama ang bumagsak sa lupa. Ang ibang cazadores na nakabantay naman sa pangalawang palapag ng kumbento ay isa-isa ring nalagas nang paputukan ng 'di nakikitang mga kalaban.
Inside the convent, the captain and his three men—all still dressed in 'baro't saya'—slowly and carefully entered the basement where the garrison and other supplies were kept. For that was their 'main' target in this mission.
Nakakailang hakbang pa lang ang apat pababa ng hagdanan nang mabingi sila sa putok ng riple na nanggaling sa basement. Umalingawngaw iyon nang napakalakas dahil sa liit ng espasyo ng pasilyo.
Halos mabasag man ang tenga ng mga Katipunero, mabilis silang kumubli sa mga pader. Gumanti rin sila ng mga putok.
"Tama ang sapantaha mo, kapitan, na mayroon pang nagbabantay rito sa baba!" halos pasigaw na sabi ni Juan upang magkarinigan sila sa lakas ng mga putok. "Ngunit malapit nang maubos ang pulbora ng aking armas! Kailangan na natin ng ibang taktika upang mapasok ang silid!"
The men were just waiting for the captain's order to proceed and execute their next plan. But the captain thought hard about their next move because Plan B would be more dangerous. They knew that the Spaniards would fire as many rounds as they could in order to scare off and intimidate the Katipuneros, until when in body range, they would use the bayonet attached to their rifles to charge. And they would use this same tactic. This was their Plan B.
"Pangungunahan ko ang paglusob sa loob!" dugtong ni Juan sa malakas na boses habang hinuhubad ang suot na baro at hinugot mula sa likuran ang isang nakatagong espada. Isang mahabang espada kung saan nakaukit sa puluhan nito ang bunganga ng Bakunawa.
"Sandali, Juan! Sa pagkakataong ito, mas mainam na ako ang unang papasok!" kontra ng kaibigan.
Napabuntonghininga nang malakas si Juan. Alam niya kung bakit nagdadalawang-isip ito. Nilapitan niya ito nang husto at sinabing, "Kapitan, simula't sapul, ito na ang aking trabaho't espesyalidad sa tuwing may misyon tayo."
"Alam ko. Ngunit nakalilimutan mo na bang eksperto rin ako sa 'arnis'?"
"Kapitan, hindi ibig—"
"At natalo ko noon sa duwelo sa 'arnis' si Tiyo Marcelo?"
"Ngunit—"
"Na noon ako'y dose anyos lamang at si tiyo ay trenta y siyete anyos na?"
Naiiling ngunit bahagyang nangiti si Juan. Sino bang Katipunero ang makalilimot sa kaganapang iyon? The well-known Marcelo H. del Pilar lost to his nephew in a duel of "Arnis de Mano." It's a Filipino Martial Arts that used a stick or bladed weapon in fighting.
"Goyong..." patuloy na katwiran pa rin ni Juan, "nalalaman kong iniisip mo ang kapakanan ng aking asawa't mga anak sakaling may masamang mangyari sa akin. Ngunit nalalaman din ng aking pamilya na may sinumpaan akong tungkulin sa ating bayan at samahan."
Napabuga na lamang ng hangin ang kapitan. It was a simple truth that his friend was an expert in hand-to-hand combat. In fact, Filipinos were good in close range fight. A skill and ability which they acquired from their ancestors and later was developed into an art, nonetheless, lethal and deadly.
Kung kaya pumayag na sa wakas si Kapitan Goyong.
Shortly afterward, they captured 14 Mauser rifles, uniforms, and other important supplies which they brought to Biak-na-Bato, the headquarters of Katipunan.
Ngunit sa ginawa nilang paglusob na iyon, nasugatan sa isang binti at kanang kamay si Juan Fernando. Naiiling na dinampot ni Kapitan Goyong ang duguang espada sa sahig habang akay-akay ang kaibigan palabas ng kumbento.
"Sa haba at bigat nitong 'kampilan,' hindi ko malaman kung papaano mo nakakayang iunday ito sa kalaban," pabirong komento ng kapitan, "gamit ang isang kamay lamang."
"Sanayan lang, kapitan," natatawang sagot ni Juan na medyo nakangiwi dahil sa hapdi ng mga tinamong sugat.
"Pero, salamat nang marami." Sumeryoso ang anyo nito nang sinulyapan si Juan. "Kung hindi dahil sa iyo at sa espadang ito, malamang, tadtad na ako ng mga saksak ng bayoneta kanina."
Lumamlam ang anyo ni Juan. "Para ano pa't magkaibigan tayo."
"Pangako, Juan. Itong espadang ito—gaano man ito kabigat—at ang iyong kagitingan at katapangan kanina, pangakong isasabuhay ko habambuhay. Kahit sa mga susunod pang henerasyon. Utang na loob ko sa iyo ang aking buhay."
At sabay na ngumiti sa isa't isa ang magkaibigan....
Ilang araw ang lumipas, nabalitaan ni Emilio Aguinaldo ang kakaibang taktika ngunit matagumpay na pagsalakay ng grupo ni Kapitan Gregorio del Pilar sa kumbento sa Paombong. He then raised Goyong to the rank of lieutenant colonel.
Later on, the successful raid in Paombong was described as one of the finest assaults during the Philippine Revolution.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro