9: Ang Ebwa at ang Bangkay
CHAPTER 9 - Ang Ebwa at ang Bangkay
Napangiwi ang isang miyembro ng Kampilan.
Ang pangalawang kasama naman ay napaturo pa sa nakikita, sabay bawi ng hintuturo dahil hindi rin nito alam ang sasabihin.
They quickly hid again behind the wall near the doorframe after that swift peek. Nasa second floor sila ng isang funeral home.
"Isa ba 'yang Ebwa?" hindi makapaniwalang bulong ng napangiwi.
Nasa itaas ng nakabukas nang ataul ang nabanggit na nilalang. Abala ito at nasa aktong pilit na itinatayo ang matigas na bangkay. Mukhang balak nitong bitbitin iyon palabas ng funeral home.
Hindi rin makapaniwala ang pangatlong miyembro ng Kampilan nang sumilip. Ang hawak niyang tabak ay may kinang na pula sa bandang hawakan. Inihanda na niya ito dahil baka sugurin sila. Hindi pa siya nakakikita ng Ebwa. Ngayon lang. Gayunpaman, base sa kilos, karakter, at itsura nitong higante at marumi na mukhang taong-grasa (na katunayan ay mga balahibo iyon tulad sa unggoy na nagdikit-dikit dahil hindi yata naliligo), nahulaan ng kasama niya kung anong uri iyon. They all have been studying these types and kinds of elemental and spiritual beings ever since they were young, just like the creature in front of them now.
The fourth member, who's sword had a white glow in the hilt, had the same reaction. Although nakakita na noon ng Ebwa, nababagabag siya. "Bakit may napadpad na Ebwa sa mataong lugar?" wika niya sa sarili kesa sa mga kasama. "Matatagpuan lang 'to sa mapunong lugar tulad ng baryo o probins'ya..."
"Ang pagkakaalam ko rin ay sa Abra sa CAR region," dagdag na impormasyon ng panlimang kasama sa mahinang boses. Ang hawak niyang kampilang tabak ay may kumikinang na kulay lila.
Tumango ang pang-apat na kasama bilang pagsang-ayon. "Sabi ng mga Tingguian o Itneg, isa 'yang uri ng masamang espiritu na nangunguha ng patay. Kaya nakagawian na noon ng pamilya at mga kamag-anakan na magsindi ng kandila o apoy malapit sa nilalamayan para hindi malapitan ng Ebwa. Takot kasi 'to sa apoy. Ginagawa nila 'to nang siyam na araw at gabi. Pagkatapos ay maglalaho ang Ebwa."
"Pero ngayon mukhang malakas na ang loob nito na sumalakay sa mataong lugar kahit mataas ang araw," pabulong na komento ng nakangiwi kanina. Ang hawakan ng espada niya ay may kinang na dark blue. "Ni walang kaso rito kung marami ang makakita. Gutom na yata 'yan at nataong walang makitang bangkay, kaya sumubok sa lungsod mang-snatch ng makakain."
"O, malamang dahil sa nagsilabasan na mga istorya at haka-haka sa community ng mga lamanlupa tungkol sa video natin?" suhestiyon ng panlimang kasama sa mahinang boses. "'Di ba may mga bulung-bulungan na mukhang naglalakas-loob na raw ang mga aswang na gumawa ng mga teribleng gawain sa publikong lugar? Siguro ay kumalat ang mga tsismis na 'yon at umabot sa mga Ebwa na nasa Abra at ibang parte ng CAR region."
"Ibig mong sabihin, nanunubok na rin ang mga Ebwa na sumalakay sa mataong lugar tulad no'ng ginawa ng aswang na 'yon sa Mond Jewelry Shop?" mahina ring komento ng pangatlong kasama na may kinang na pula ang espada.
The fifth member replied, "Posible, 'di ba?"
"P'wede, posible," the second member agreed, the one who pointed first at the creature earlier. May dilaw na kinang sa espada nito. "hini
At akalain ba nating isa palang Ebwa ang hinahanap at tinutugis ng pulutong ni Kapitan Bangiba," dugtong nito dahil doon sila dinala ng senses nila nang nag-text kanina ang kapitan at humingi ng tulong na suyurin ang siyudad upang mahuli ito.
Days ago, when two Kampilan members started the investigation and went to the places where the mysterious disappearance of corpses had happened, they didn't imagine it will be at funeral homes. Nagtanong-tanong sila sa ilang tagaroon. Natuklasan na iisa ang deskripsiyon ng mga nakakita sa nilalang na sumalakay: mukhang halimaw o taong-grasa.
Kaya pala. Saan ba madaling makahahanap ang Ebwa ng nakalamay na patay kundi sa funeral home?
However, they were mystified when they checked the name of every missing corpse. The name Pablo dela Cruz kept on appearing.
And now, when they looked into the 'guests sign page' just beside the doorway, isang Pablo dela Cruz din ang naka-print na pangalan ng nakalamay roon.
"Ibig sabihin ay may partikular na Pablo dela Cruz na hinahanap ang Ebwang 'yan," pabulong na komento ng pangalawang kasama na may dilaw na kinang sa tabak. "'Yong unang dalawang nakuha n'yan ay 'di tama kaya hanggang ngayon ay nang-i-snatch pa rin."
"Statistically, ilang Pablo dela Cruz ba meron dito lang sa Manila?" seryosong tanong ng unang kasama, na may dark blue na kinang sa tabak.
"Ba't 'di natin tanungin si Sherlock Holmes? P'wede rin si Dr. Spencer Reid?" deretsong sagot naman ng pangalawang kasama. Iyon agad ang naisip nitong may mga photographic memory na kahit anong statistics ay kayang sagutin.
Bumunghalit ng patagong tawa ang unang kasama. Pati ang kinang na dark blue sa sandata nito ay kuminang pa lalo animo'y nakikisabay rin sa tawa ng may-ari. Sumunod ding napatawa ang pangalawang kasama.
Bigla, lumingon sa kanilang panig ang Ebwa!
"Seriously?!" nakataas ang kilay na komento ng may kulay lilang kinang sa espada. Kahit natatabingan ng nakataling panyo ang bibig at ilong ay makikita pa rin sa mga mata niya ang 'hindi makapaniwalang' reaksiyon sa ginawang ingay ng dalawa, kasama ng TV series na pinag-usapan. "Fictional characters at Criminal Minds?!" patuloy nitong pasarkastikong komento.
"Nasa season twelve na nga sila," gatong ng pang-apat na may puting kinang sa sandata. Mga mata lang din ang makikita rito, pero obvious na nakangiti ang mga iyon.
"Hello?" Umikot ang mga mata ng panlima. "May masamang espiritu sa harapan natin?" Pasarkastiko pa rin iyon ngunit nangingiti na sa tawanan sa paligid.
But then, they all slipped back into their stern, serious, and deadly posture.
On the other hand, when the Ebwa heard their voices and laughter, it tightened its hold on the dead as if it was a precious commodity, or like a mother protecting her child.
Tuluyang pinasok na ng apat na Kampilan ang silid. Ang Ebwa naman ay bumaba ng ataul at umatras habang akay-akay ang patay. Nahinto ito nang maramdaman ang pader sa likod.
"Ibaba mo 'yang patay at sumuko nang mahinahon at mapayapa," madiin na sabi ng pangatlong Kampilan.
Matiim na titig lang ang isinagot ng Ebwa.
"Gawan n'yo na nang mabilis na paraan 'yan," komento ng panlimang kasama na naiwan sa labas ng silid bilang lookout. "Baka may rumesponde nang pulis o tanod."
"Mahinahon lang," abiso ng pang-apat na Kampilan. Mabilis nitong ipinaliwanag na kahit nasa listahan ng mga masasamang espiritu (partikular sa kategorya ng ghoul) at nasa lower mythological creatures ng Pilipinas, hindi mabagsik ang Ebwa tulad ng mga ibang nakalaban na nila.
Isa pa, hinahanap ni Kapitan Bangiba iyon. Ibig sabihin ay kailangang mai-turn-over nila iyon nang buhay.
"May naisip ako," excited na sabi ng pangalawang kasamahan. "Hindi ba takot ang Ebwa sa apoy?" Nakatingin ito sa posporo malapit sa ataul. Mabilis nitong itinayo ang nakatumbang malaking kandila roon na marahil natabig at natumba kanina nang nataranta ang mga nakikilamay. Nang dahil doon, nakalapit ang Ebwa.
Nang sumindi ang posporo, nag-panic ang nilalang! Nabitiwan nito ang patay. Gusto na nitong tumakas pero na-corner na ito ng mga Kampilan. Wala na itong ibang mapupuntahan, maliban sa salaming bintana na nasa sinasandalang pader. Kung kaya pinagbabayo nito ang salamin gamit ang mga kamao.
Mabilis na nagtinginan ang mga Kampilan sa isa't isa. Ang pangatlo at pang-apat na miyembro ay mabilis na tumalima at lumabas ng silid. Sumunod sa kanila ang panlima. They headed outside the funeral home to block the creature in case it would jump out of the window. Alam nilang maraming mga tao sa labas na nakatunghay sa nagaganap doon sa gusali. Delikado kapag manugod ito ng mga tao.
Halfway down the stairs, they removed their disguise. Their swords had vanished. Pangkaraniwang tao ang itsura nila. Nang nasa ground floor, nakisabay sila sa ilan pang mga taong nagsililikas. At nang tuluyang makalabas, tama ang kanilang sapantaha dahil sa bandang kanan ng kalsada ay naroroong nagkumpol-kumpol ang mga tao.
Ibinaba ng pang-apat na Kampilan ang brim ng ball cap at dumeretso sa katapat na gusali sa kabilang kalsada. Nang natatabingan na ito ng anino ng mga pader, lumitaw muli sa kamay nito ang kampilang tabak na may kulay puting kinang. Ang pangatlo at panlimang Kampilan ay sa kanang direksiyon tumuloy at pumuwesto sa katabing establisimyento. Sa ganoong paraan, mahaharangan ng mga ito ang Ebwa sakaling sumugod sa mga tao. Muli ring lumitaw sa kamay ng mga ito ang mga tabak na may kinang na pula at lila.
Binunot ng pang-apat na Kampilan ang cell phone sa bulsa at sinagot ang tawag ng kasamahan sa pangalawang palapag. Ayon sa unang Kampilan, nasugatan ng kanilang espada ang Ebwa dahil pinilit nitong makakuha ng pambasag sa salamin ng bintana. Ngayon ay mas lalo raw itong nagwawala at nanunugod na. Katunayan ay rinig ng pang-apat na Kampilan sa cell phone ang mahalimaw na pagwawala. Nang maiging sinipat niya ang bintana sa itaas, basag na nga ang salamin noon.
"Wala pa bang balita kina Kapitan Bangiba?" tanong ng unang Kampilan sa kabilang linya.
"Natawagan na namin kanina sa cell phone n'ya bago kami nakalabas d'yan sa funeral home," pasok ng pangatlong Kampilan, ang may-ari ng tabak na may pulang kinang. Naka-conference call iyon kaya rinig nito ang pag-uusap ng mga kasama. "Parating na raw sila."
"Ano na'ng nangyari sa posas?" tanong ng pang-apat na Kampilan sa kasamahang nasa itaas. Kanina kasi bago sila nakababa ng gusali ay alam nilang gumagawa ng orasyon ang pangalawang kasama. Orasyon na panggapos sa Ebwa upang hindi na ito makagalaw nang husto.
"Gumagawa ulit," sagot ng unang kasama sa itaas. "Hindi namin tinamaan kanina nang dinampot ng Ebwa ang patay sa sahig at ginawang panangga."
"Sandali—" sabi ng pang-apat. Matagal na patlang ang namagitan bago ito nagsalita ulit. "Nararamdaman ko ulit 'yong naramdaman natin sa may club at café two nights ago. Nasa malapit lang..."
"Oo nga..." sang-ayon ng pangatlo. Ang mga kilay nito ay magkasalubong sa pagko-concentrate sa nararamdaman. Nilingon nito ang kulupon ng mga tao 'di kalayuan. "Parang nando'n, e... At nararamdaman kong nakamatyag sa 'tin."
"Gaya ng dati, wala naman sa pakiramdam na isa 'tong dark energy," dagdag ng pang-apat.
"Malamang nanggaling lang sa isang taong may third eye na hindi pa 'to kayang kontrolin. Kaya pakalat-kalat 'yong energy."
Naputol sila sa pinag-uusapan. Muling maririnig sa kabilang linya ang angil ng Ebwa.
"Ano'ng nangyayari?" tanong ng pang-apat na Kampilan lalo pa't dinig din nito ang nag-uuntugang mga bagay.
"Ibinalibag ng halimaw ang ataul!" malakas na sagot ng unang kasama sa itaas. Mabuti na lang daw at mabilis na nakaiwas ang pangalawang Kampilan na gumagawa ng orasyon. Kung hindi ay tinamaan na ito.
Pero dahil doon, natumba ang mga istante ng kandila at namatay ang mga apoy. Nang wala nang apoy, nadagdagan ang tapang ng Ebwa. Dinampot nito ang nabanggit na istante at iyon ang ginamit pambasag sa bintanang salamin.
Kita ng tatlong Kampilan sa labas ang nahulog na mga bubog mula sa bintana. Bumagsak ang mga iyon malapit sa nakaparadang mga behikulo sa harapan ng gusali. Bahagya ring maririnig ang iba-ibang reaksiyon ng mga taong nakatunghay. Marami ang napaatras.
Mabilis na kumilos ang pang-apat na Kampilan. Sandali nitong inilapag ang cell phone. Gamit ang dulo ng talim ng tabak, gumawa ito ng kakaibang marka o letra sa sementadong sahig. Dinampot muli nito ang cell phone at sinabing, "Nakahanda na." Ibig sabihin ay nakahanda na ang orasyon. Nakatutok at nakapatong ang dulo ng talim ng espada nito sa marka sa sahig. Ramdam nito ang malakas na puwersa na gustong kumawala mula sa ilalim ng semento.
"Nakahanda na rin dito," sagot naman ng pangatlong Kampilan sa kabilang linya. Gumawa rin ito ng kaparehong orasyon.
Nang bumagsak sa sementadong daan ang Ebwa at milagrong ni isang behikulong nakaparada roon ay hindi nadisgrasya, kumawala ang hindi nakikitang puwersa mula sa marka sa sahig. Parang palaso iyong tumumbok sa Ebwa. Ganoon din ang nangyari sa kabilang panig, sa dalawa pang mga kasamahang Kampilan. Kumawala rin doon ang puwersang poposas sa Ebwa.
Bigla, napahinto sa pagewang-gewang na lakad ang Ebwa sanhi ng pagkahulog nito. Bigla itong natulos sa kinatatayuan. Maririnig pagkatapos ang halos sabay-sabay na singhap ng mga taong nanonood 'di kalayuan nang matumba ang mukhang taong-grasa at mawala sa likuran ng mga nakaparadang behikulo.
Mariing sinipat ng pang-apat na Kampilan ang natumbang Ebwa. Kita pa rin nito ang nilalang dahil sa anggulo ng pinagkukublihan nito. At kahit pinipilit ng Ebwa na kumawala o gumalaw, hindi nito magawa. May kung ano ngang nakatali sa mga kamay, paa, at buong katawan nito na hindi nito kayang masira o makita.
"Dumating na sina Kapitan Bangiba. Nasa poder na nila ang Ebwa," pagbibigay-alam ng pang-apat na Kampilan sa mga kasama gamit ang cell phone. Pinanonood nito ang rumespondeng mga kawal.
"Sa wakas dumating din," komento ng unang kasamahang nasa itaas at sinabayan pa iyon ng buntonghininga.
"Good job, guys," wika ng panlimang Kampilan sa baba.
Maya-maya, maririnig sa linya ng mga cell phone nila ang dagundong ng mga paa ng mga kabayo. May kasama pa iyong mga humahalinghing. Parang kawan sa dami. Animo'y papalayo na ang mga iyon dahil sa pahina nang pahinang mga yabag. Ngunit silang mga Kampilan lamang ang may kakayanang makarinig niyon.
"Nakaalis na ang pulutong ng kapitan," abiso muli ng pang-apat.
"Ang bilis namang maglaho ng mga tikbalang na 'yon," nangingiting komento ng unang kasama sa itaas ng gusali at sinabayan ng iling. Itinago na nito ang espadang may kinang na dark blue.
"Ikaw sana na may mga paa ng kabayo," gatong din ng pangalawa. Malakas ang tawa nito habang itinatago na rin ang espadang may dilaw na kinang.
Matapos ang insidenteng iyon, itsurang normal na mga tao muli ang mga Kampilan. Wala nang takip ang mga mukha at wala nang mga espada. Nakisalamuha sila sa mga tao. Subalit hindi sila lumayo sa pook na iyon. Inoobserbahan pa nila ang isang babaeng curious na binalikan ang pook na pinuwestuhan ng tatlong kasama kanina. Ngayon ay kompirmado nilang sa babaeng iyon nanggaling ang enerhiya na naramdaman nila kanina at noong isang gabi. Binunot ng babae ang cell phone at kinunan yata ng litrato ang ilang markang ginawa ng kanilang tabak sa sementong sahig. Sa dinami-rami ng mga taong naging miron doon, ang babaeng iyon lang ang tila may kakaibang interes.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro