Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

6: Monte Carlo

CHAPTER 6 - Monte Carlo




"Ang lawak nga...." mahinang sambit ni Arabella.

Nakahimpil siya sa parking area ng College of Business Administration. Walking distance lamang ang kolehiyo mula sa magara, malaki, at antigong main entrance gate ng unibersidad. Kaya kahapon, madali niyang narating ang una niyang klase. Iyon lang nga, late siya. Nakaukit sa pa-arkong hugis ng nasabing gate ang pangalang Monte Carlo University.

She sat back on her bike and exhaled deeply. She wanted to linger there a little more. Sari-saring alalahanin kasi ang naglalaro sa utak niya dahil marami nang mga behikulong nakaparke roon kahit mag-aalas-sais pa lang ng umaga.

"Kung gusto mong masanay na makisalamuha, ngayon na ang pagkakataon," malakas na saway niya agad sa sarili. "Beynte anyos ka na pero hindi ka pa rin marunong makipag-socialize."

It was her second day there. Malaki ang gagawin niyang pag-a-adjust dahil bukod sa pangalawang semestre na, may pagkakaiba ang sistema ng edukasyon doon pati na rin ng istruktura ng buong campus. Although nalalakad ang distansiya ng mga gusali ng iba't ibang kolehiyo at departamento, may mga coaster na umiikot pa rin sa buong campus. Convenient iyon lalong-lalo na sa mga nakatira sa residential halls na medyo may kalayuan.

Arabella took out the class shedule from her backpack and shook her head afterward. "No choice kundi gumamit ulit ng GPS," yamot niyang sambit sa sarili nang makita na mukhang maze ang mapa at tinamad magbasa.

She didn't take the time to note or memorize the building names on the map. Kamakailan naman nang inasikaso niya ang kanyang enrollment doon, hindi niya rin nagawang malibot ang buong campus. Mabilisan ang ginawa niyang pag-e-enroll dahil marami pa siyang kinailangang ayusin sa Zamboanga City bago tuluyang lumipat ng Manila. Kahapon naman, hindi rin niya na-appreciate ang kagandahan ng mga antigong istruktura sa campus dahil sa unexpected things na nangyari.

'Di nagtagal, isang motorsiklo ang nag-park sa tabi niya. Ngumiti sa kanya ang dalawang babaeng sakay.

"Morning," masiglang bati ng nagmamaneho. Raina ang pangalan nito at isang freshman. Mas bata ito nang ilang taon sa angkas nitong si Shernahar, na nasa ikatlong taon.

"H-hello," nakangiti ngunit tipid na sagot ni Arabella. Kaagad siyang nagsuot ng earpiece at nagpatugtog ng mga music ni Mozart.

Kaklase niya sa History si Raina. Nang kinailangan niyang makakalap ng impormasyon kahapon tungkol kay Bernadine, sa kanila siya naglakas-loob na lumapit. Kung bakit? Hindi niya sigurado. Marahil ay dahil sa suot ng mga ito na parang bandanang nakapalibot sa ulo at mukha lang ang hindi natatabingan. Naalala niyang 'hijab' ang tawag doon. Noon kasi, may mga naging malapit na kakilalang Muslim ang mga magulang niya. Siguro dahil sa alaalang iyon kaya magaan ang loob niya sa magpinsan.

"Ilang taon mo nang gamit?" tanong ni Raina dahil napansin nito na magkatulad sila ng kulay at modelo ng motorsiklo. Mas masalitain ito kesa sa ate.

"Two years..." tipid pa ring tugon ni Arabella.

Sumilip ang mga dimple ni Raina. "Pareho kayo ni Ate Shern. Matagal na rin n'yang nabili 'to... Ako naman, kakukuha ko lang ng lisensiyang magmaneho. Pero kailangan na may kasama akong may pro license, kaya..." Sabay turo sa ate na madalas na nakaangkas.

Nangiti si Arabella. Naalala niya tuloy noong disiotso siya, dalawang taon na ang nakararaan. Noong bagong kuha niya ng lisensiya. Madalas siyang napapadpad mag-isa sa iba't ibang lugar lalo sa mga karatig-probinsiya. She couldn't recall anymore kung ilang beses siyang napagagalitan ni Mang Chito noon dahil kailangang may kasama siyang may professional license. But those were the days when her life was in turmoil and disarray. The times when she was seeking for answers. Answers that would make sense and would explain all the pain and uncertainties that she went through. At ang paglalakbay nang mag-isa ay isa sa mga gamot na natuklasan niya para makapag-isip. Kaya minsan, nawawala siya nang ilang araw. Pasalamat siyang hindi siya natitiyempuhan ng mga pulis at LTO.

"Papasok ka na ba?" tanong ni Raina. Napansin nito ang hawak niyang skedyul. "Tulungan ka na namin hanapin ang classroom mo."

"Hindi na," aniya na umiling. "Pero salamat."

Bago siya nakalayo, napansin niyang tila may gusto pang sabihin sa kanya ang magpinsan, subalit iwinaglit na lang niya.

"Arabella, sandali!" biglang tawag ni Raina.

"Ano... a..." umpisa ni Shernahar nang makalapit kay Arabella. "Nakita mo na ba ang video?"

"Video..?"

"May kailangan kang malaman—makita," patuloy ni Shernahar, sabay kodo kay Raina.

Kagyat namang inilabas ni Raina ang cell phone. Ipinakita sa kanya ang isang na-download na video. Siya at si Bernadine ang naroroon. Nagawang i-record ng kung sino ang naging sagutan nila kahapon sa History class.

"Nasa multimedia section 'yan ng online school publication ng Monte Carlo," ani Shernahar.

"Trending kahapon pa," dagdag ni Raina.

Gustong madismaya ni Arabella. Bakit pumayag ang mga editor ng school paper na i-post iyon na hindi isinaalang-alang ang magiging impact? Pinalalala ng mga ito ang sitwasyon.

"Alam n'yo ba kung sa'n ang office ng school paper at kung anong oras nagbubukas?" determinado niyang tanong, sabay sulyap sa wristwatch. May forty minutes pa bago mag-umpisa ang klase.

Nang makuha ang direksiyon ng opisina, kagyat siyang bumalik sa motor at binuhay ang makina.

Nagkatinginan naman ang magpinsan sa sinabi ni Arabella. Unang beses kasi nilang narinig ito na nagsalita nang medyo mahaba.


~~~~~~


Kapag may katandaan na ang isang lugar, saksi ito sa mga istorya ng nakaraan. Malimit, nagiging sisidlan ng mga espiritu lalo pa kung ang mga istoryang 'yon ay may malagim na katapusan. Ang Monte Carlo University ay isa sa mga pinakamatandang unibersidad sa Pilipinas at buong Asya.

"Kung bakit kasi 'di ko nai-consider bago lumipat dito," sisi ni Arabella sa sarili habang bumabagtas ng ibang daan malayo sa fountain. Mahirap na. Baka makita niya ulit ang babaeng nagpasabog ng tubig doon kahapon ng umaga.

Kagagaling lang niya sa opisina ng pahayagan ng unibersidad. Pagpasok niya ay napansin niya ang nakakalat na mga papel at litrato na halatang may minamadaling layout at hinahabol na deadline ang mga kasapi. She didn't expect that she'll meet the editor-in-chief. But he recognized her when she was in the doorway and immediately apologized to her. Sinundan iyon ng eksplanasyon, na malinaw na hindi nalalaman ng editor-in-chief ang nasabing posting. Sa katunayan, wala na iyon sa website. Kaagad daw nitong ipinatanggal nang malaman kaninang madaling-araw. Idinugtong nitong bibigyan ng disciplinary measures ang sinumang may gawa noon. Nagbigay rin ito ng konting hint na isa sa mga editor nito ang may-sala.

Nailing si Arabella sa naganap. May nalalaman ka pang panunugod at confrontation, dismayadong sermon niya sa sarili. Iyon pala magiging uneasy naman sa harap ng ibang tao.

Buti na lang at hindi iyon napansin ng editor-in-chief. Hinayaan ni Arabella na ang lalaki na ang nag-eksplika sa kanya. Ito na ang nagsalita nang nagsalita. Dahil alam niya sa sarili na hindi niya rin makakayang makapagsalita roon at marahil puro tango lang ang magagawa niya. Nagpapasalamat siyang naging responsable itong leader.

"Hello there!"

Napalingon ni Arabella sa nagsalita. Nasa hallway na siya patungo sa unang aralin.

"Looks like it's healing pretty well."

Tuluyan nang nahinto si Arabella sa paglalakad at muntik mapanganga. Maluwang at maaliwalas kasi ang ngiti ng nagsalita habang lumalapit sa kanya. Feeling niya ay umaliwalas din ang madilim pa ring kalangitan dahil sa low pressure area.

Napatango siya nang maalala ang benda sa braso. Mapapansin iyon dahil maikli ang sleeves ng kanyang blouse. Terno sa asul niyang canvas sneakers. At gaya ng inaasahan, masakit nga ang katawan niya ngayon at may mga pasa pa sa binti dahil sa aksidente kahapon.

"Y-yes... it is," conscious na sagot ni Arabella kay Alexis. Hindi niya ipinahalata na nilakasan niya ang volume ng pinakikinggang music ni Mozart.

Conscious siya dahil bigla siya nitong kinausap kahit nabibilang ito sa alta sociedad, bukod pa sa popular sa Monte Carlo at... guwapo. Ayon kina Shernahar kahapon, isa nga itong modelo. Kaya pala pamilyar. Marahil nakikita na niya ito sa mga magazine o poster.

Samantala, nakahahatak na sila ng atensiyon sa paligid. Gusto nang tumalilis palayo ni Arabella roon lalo na't kakaiba ang tingin ng karamihan sa kanya. Siguro dahil sa video nila ni Bernadine?

Speak of the devil!

Naroon nga si Bernadine kasama ng grupo nito. Matatalas ang mga titig. Inaasahan na ni Arabella iyon. Paniguradong siya ang sinisisi sa kahihiyan lalo pa't may kailangan itong i-maintain na status.

At nang masino ni Bernadine ang katabi niya, humalukipkip ito at lalo pang tumalim ang mga titig sa kanya animo'y susugurin siya anumang sandali.

Walang ano-ano'y dumantay ang palad ni Alexis sa siko niya upang marahang igiya palayo.

Arabella inwardly gasped! Her mind seemed to be spinning instantly! Buti't hindi siya nag-panic kahit simpleng hawak lang iyon. Nevertheless, it sent her heart hammering against her rib cage. She uncomfortably thought that her ribs might shatter right then and there. Thankfully, she was aware of Mozart's music still playing from her earpiece, so, she tried to divert her thoughts on the melody.

"Listen—" Biglang nawala ang mala-anghel na ngiti ni Alexis at sumeryoso, kasabay ng pagbitiw sa siko niya. "Don't mind the stares around you..."

Arabella hesitantly glanced up at him and thought, Napansin din pala n'ya...

"I've seen the video," patuloy nito. "Wala lang silang magawa sa buhay nila. So, just ignore, alright?"

At akalain mong nagta-Tagalog din pala 'to? Tumango siya at sinabing, "T-thank you. I appreciate your concern."

Tumango rin ito. "It's not your fault anyway."

"I uh... I'd better get going...." Iminuwestra niya ang unang klase, kahit ang totoo ay hindi lang siya komportable na tinatabihan ng isang popular. At hindi niya maintindihan kung bakit ang isang popular ay pinag-aaksayahan siya ng panahon.

Muling bumalik ang ngiting-anghel ni Alexis. Ngiti na kahinaan ng ilang babae roon.

Maya-maya nang lingunin muli ito ni Arabella, kausap na nito si Seff. Ayon kay Raina, close raw ang dalawa.

At hayun na naman ang suot no'ng Seff. Itim ba ang paborito n'yang kulay?


~~~~~~


Ala-una pasado ng hapon, nasa canteen ng kolehiyo si Arabella. Mangilan-ngilan na lang ang naroroon.

Malaki iyon. Puti at cream ang kulay ng mga dingding at tiles sa sahig. Moderno ang disenyo.

Gusto niyang pinapanood ang mga nagaganap sa labas kaya pumuwesto siya sa tabi ng salaming dingding. Nasa sulok iyon. Mainam para hindi rin siya masyadong mapansin. Pangalawang araw pa lang niya sa unibersidad pero kilala na siya dahil sa video.

"Is this how you avoid attention?" mahina at naiiling niyang sambit, sabay subo ng pagkain. As usual, marami siyang in-order. Medyo inside joke na niya kasi na 'The more you eat, the less you think.' Pampatanggal niya ng stress at alalahanin ang kumain nang masagana.

Nagawi ang pansin ni Arabella sa malaking telebisyon sa dingding. May flash news na naman tungkol sa mga vigilante na noong isang araw pa kalat sa midya at kahapon ay may viral video na naman. Ilang beses din niyang pinanood ang mga video ng mga ito. Isa siya sa mga libo-libong mamamayan na namamangha at nahihiwagaan sa grupo.

Muling ipinakita sa flash news ang footage kung saan nilooban ng isang babae ang jewelry shop. Dumating ang vigilantes na may hawak na espada at nagkaroon ng komprontasyon. Laging nakatalikod ang babae sa kamera. Ang mga vigilante naman ay nakukublihan ng hood, scarf, o sport cap, kaya mahirap ding makilala. Ayon sa pulisya, ang espada o tabak ng grupo ay tradisyonal na sandata. Tinatantiyang pinakamahabang espada sa Pilipinas (36 hanggang 40 pulgada) na ginagamit ng mga mandirigma noon pa. Isang head-hunting sword iyon na kayang pumutol ng dalawang ulo sa isang unday lang—na layunin ng disenyo. Isang bantog na gumamit noon ay si Datu Lapu-Lapu. Ngunit palaisipan sa pulisya kung ano ang nangyari sa babae. Wala silang naratnang bakas nito o kahit nagkalat na dugo. Maging ng kamera ay wala ring nakunan matapos takpan ng isang vigilante ang lente.

Naputol sa panonood si Arabella nang makita ang grupo ni Bernadine sa may pasilyo sa labas. Kanina pa niya ito planong kausapin para linawin ang side niya tungkol sa video, even though she knew that she will be uneasy and it might give her intense distress.

Napailing siya sa kanyang sarili, sa pinanggagawa niya. "Heto ka na naman sa plano mong confrontation."

Hindi niya sinasadya, pero nakagawian na siguro talaga niya, maingat siyang lumapit. Nataong may mga pader sa paligid na puwedeng pagtaguan.

Ano pa nga ba'ng pag-uusapan ng socialites kundi mga brand ng damit at fashion magazines, ani Arabella nang marinig ang kuwentuhan ng grupo.

"...Kagaya ng Arabellang 'yon na attention seeker," biglang sabi ng isa.

Wait—what?! Lalo tuloy siyang naging attentive. In-stop niya agad ang pinakikinggang instrumental songs.

"Mismo," sang-ayon ng isa.

"Though nasa uso 'yong suot n'ya at bagay sa petite figure at maamo n'yang mukha, hindi naman branded," komento ng may kulay ang buhok.

Really?! Arabella tried to contain her irritation.

"Really?!" inis at parehong sabi rin ni Bernadine. "Petite figure at maamong mukha?"

"I mean—ang cheap at papansin, girl," pag-iiba ng may kulay ang buhok. "Feeling close kaninang umaga kay Alexis... What I don't get is why he even talked to her? Hindi niya ka-level ang babaeng 'yon."

Take it easy, Arabella, himok niya sa sarili. They are not worth your annoyance.

"Do you think na sinadya n'yang ma-video sa History class? Tapos, ikinalat para makilala agad?" pasok ng isa.

"Malamang ganoon nga. Malamang din ay gumawa ng iba pang kalokohan para matawag sa opisina ng presidente. Bihirang nakikipag-meet ang presidente kahit kanino, maliban kung importanteng tao o may kinalaman sa university. Pero good o bad publicity, publicity pa rin," sagot ng may kulay ang buhok.

"Maybe that's the reason kaya interesado si Alexis. Because of publicity?"

"Just cut it out, okay?!" bulyaw ni Bernadine nang nasali na naman ang pangalan ni Alexis. "I don't want to hear anymore of that stuff!"

"Pero..." alanganin pero sige pa rin ng may kulay ang buhok, "ano kaya'ng pinag-usapan nila ng presidente..?" Nanlalaki ang mga mata nito sa kuryosidad. "Balita ko, sandali lang daw siya sa office ni Dr. Nicholson, 'tapos lumabas agad...."

Hindi na nakatiis si Arabella. Ni-play niya muli ang pinakikinggang awitin at nagpakita mula sa likuran. Biglang natahimik ang grupo at napanganga. Nabitiwan naman ni Bernadine ang hawak na magazine.

Pumagitna si Arabella at dinampot ang pahayagan. "Fashion Now," basa niya sa cover sabay buklat.

Nasa centerfold ang ilang litrato ni Bernadine na suot-suot ang ilang branded na mga kasuotan. Bagong issue iyon.

"Why are you here?" Magkasalubong ang mga kilay ni Bernadine.

Nagbalik siya ng tanong. "Matagal ka na bang model ng Fashion Now?"

"And why would I want to answer that?" antipatikang tugon nito.

Binalewala iyon ni Arabella. Her unsettling, uncomfortable feeling, thanks to annoying people surrounding her, was receding like almost instantly.

"May kaalitan ka bang editor ng school publication?" aniya.

"So..?" mataray pa ring sagot ni Bernadine.

Naningkit ang mga mata niya. "So, it means that it's time for all of you to stop making up stories na ako ang may kasalanan sa pagkalat ng video." Mariing tinitigan niya ang lahat, pagkatapos ay si Bernadine ulit. "Wherein it was your fault all along dahil kaaway mo pala ang isang editor. And yesterday, she finally found a way to humiliate you."

Muling napanganga ang grupo. Isang ordinaryong estudyante, pinagsasabihan sila nang ganoon?

"And by the way," aniya habang timang ang lahat, "congratulations. You look stunning here." Sabay turo sa litrato.

Pagkatapos, sinadya niyang bitiwan ang magasin. Lumagapak iyon sa sahig sa gitna ng grupo.

What a day in Monte Carlo, ani Arabella sa isipan habang papalayo. Her hands, which she unconsciously clenched into tight fists trying to brace herself from the ripple of panic that might surface, slowly uncurled and relaxed.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro