/12/ Exposed
Kabanata 12: Exposed
"H-HINDI ko alam ang sinasabi mo." Akma akong aalis pero nahigit niya ang braso ko.
"Not too fast, Sarumi." Nakaramdam ako ng pangingilabot nang sambitin niya ang tunay kong pangalan. "Scared?"
"B-bitawan mo nga ko. S-sino ka ba?" Pilit kong pinakita na hindi ako natatakot pero halatang nanginginig ang boses ko.
"I told you already, my name is Kylo Manabat. Hindi kita bibitawan hangga't 'di ka sumasama sa akin para makipag-usap."
"Hindi ako sasama sa'yo." Napangisi lamang siya sa katigasan ng ulo ko.
"I don't really want to do that, Saru, dahil kung hahayaan kitang makaalis ngayon I'm afraid na kakalat ang munti mong lihim sa buong PTU."
Hindi maaari. Ngayong nagsisimula pa lang ako, wala pa ako sa kalahati ng bagay na sinimulan ko rito. Para kay Sari...
"Kung sasama ba ako sa'yo at makikipag-usap ay maaasahan ko na hindi mo ipagkakalat ang lihim ko?" Isang usapang hindi pormal, hindi katulad ng usapan namin ni Taisei na may katibayan at kasulatan.
"Maaasahan mo, Sari." Isang senyales ba na tutupad siya sa usapan ang pagtawag niya sa'kin ng 'Sari'? Nabasa niya ba kung ano ang nasa isip ko?
Tumungo kaming dalawa sa college building nila, sa College of Science. Malayo ito sa main at sa college namin kaya sa tingin ko ay walang makakakita sa amin na kakilala ko.
Sino ang misteryosong lalaking 'to? Paano niya nalaman ang pagkatao ko? Imposible! Si Taisei nga na siyang kakilala ni Sari ay hindi alam na mayroong kakambal ito. Hindi kaya... Hindi kaya may esepsyal silang ugnayan ni Sari? Pero wala siya sa PTU profile! Ex-boyfriend? Isang kaaway? Sino si Kylo Manabat?
"Alam kong marami kang katanungan. Huwag kang mag-alala hindi ako ex ni Sari at hindi niya ako kaaway." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, para niyang nabasa eksakto kung anong nasa isip ko! Sumandal siya sa pader at kitang kita ko ang mga mata niyang walang kabuhay-buhay. "Ang totoo niyan, hindi ako kilala ni Sarina Sumiyaya. Magiging patas ako sa'yo dahil alam ko kung sino ka, ipapakilala ko ang sarili ko, dahil katulad mo, nagpunta ako sa eskwelahan na 'to para mag-imbestiga."
"Mag-imbestiga?" Detective ba siya?
Napahalukipkip siya at ngumiti.
"Yes. I'm a college drop-out but a private organization recruited me to investigate bizarre cases like what you are trying to solve. You called it the Suicide Virus Case, right?"
"Private organization? Para saan?"
"The reason is none of your concern. Katulad mo ay nagpapanggap lang din ako na estudyante sa unibersidad na 'to para lang malaman ang katotohanan."
Iyon ang dahilan kung bakit hindi ko siya makita sa PTU profile ni Sari at kung nagtatrabaho siya sa isang private organization, kung gano'n ay binabayaran siya nito ng pera. Ginagawa niya 'to para sa pera?
"Paano mo nalaman kung sino talaga ako?" Nagsusukatan kami ngayon ng tingin, napawi na ang takot na nararamdaman ko dahil tila naging kampante ako sa nalaman ko na nagpapanggap lang din siya rito. "At kailan ka pa nagsimulang mag-imbestiga?"
"Last year pa ako nagsimula, pero kaka-enrol ko lang sa university na 'to. Gamit ang koneksyon na mayroon ang private organization na pinagsisilbihan ko ay hindi na mahirap na makapasok ako rito." Posible ba 'yon? Pero heto siya ngayon. "Last year din nang ma-trace ko ang koneksyon ni Sarina Sumiyaya sa mga walong naunang namatay na estudyante at nang imbestigahan ko siyang maigi ay nalaman ko na mayroon siyang kambal, walang iba kundi ikaw. Nakapag-usap pa kami sa phone at dine-deny niya ang kinalaman sa mga namatay at kalauna'y hindi na ako nagulat na namatay na siya."
Kung ganon siya yung unknown registered number na tumawag sa cellphone ni Sari!
"A-anong gusto mong mangyari ngayon?" Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko at nakita ang mga message galing kay Toby pero mas nakatuon ang pansin ko sa taong kaharap ko ngayon.
"Sa totoo lang, nagulat din ako nang malaman na nag-enrol ka sa eskwelahan na 'to bilang si Sari. Hindi na rin naging mahirap sa'kin na malaman na nagsasabwatan kayo ng Pluma Editor-in-Chief na si Taisei Zhuang, masyado kayong obvious." Medyo lumapit siya sa akin. "Ang gusto kong mangyari? Gusto ko ng kooperasyon niyong dalawa ni Taisei Zhuang sa pagresolba ng Suicide Virus Case."
S-sinasabi ba niya... Na posibleng murder ang nangyari? Kay Sari? Sa mga walong estudyante na namatay? Kung si Taisei ay gustong malaman ang katotohanan tungkol sa kaso upang maliwanagan at para sa PLUMA, ang lalaking 'to... Sa mga sinasabi niya ngayon na siguradong murder ang kaso at hindi suicide, anong klaseng organisasyon ang pinagtatrabahuan niya? To the point na kaya rin niyang magpanggap na normal na estudyante para lang dito? Sino ba si Kylo Manabat? Paano kung nagsisinungaling lang siya?
"K-kailangan munang malaman ni Taisei ang tungkol dito." Iyon ang sa tingin ko na pinakaligtas na desisyon sa ngayon. At isa pa, hindi naman talaga ako pwede magdesisyon nang basta-basta nang walang pasabi kay Taisei.
"I see." Humalukipkip siya at medyo umatras. "Walang problema. Maghihintay ako hanggang bukas ng gabi, dito mismo sa pwesto na 'to. Pero sa oras na hindi ninyo ako sinipot ni Taisei, asahan mong kakalat sa buong PTU ang tungkol sa totoo mong pagkatao. Remember, Sarumi, mahilig sa tsismis ang mga tao." Iyon ang huli niyang sinabi at saka ako iniwanan.
Napahinga ako nang malalim nang tuluyan na siyang naglaho sa paningin ko. Kaagad kong tinawagan si Taisei at nanalig na sagutin niya iyon agad, para akong paralisado.
"Hello? Ba't ka ba tumatawag? May klase ako." Kaagad na sagot ni Taisei pero iritado ang boses.
"T-taisei..." Hindi ko alam kung paano ko sisimulan. May nakakaalam ng totoong pagkatao ko, na ako si Saru!
"Ano?"
"M-may sasabihin ako sa'yo bukas ng umaga."
"Ha?! Bakit 'di pa ngayon?"
Bago pa siya makapagsalita ulit ay pinutol ko na ang tawag. Lumitaw na naman ang mga message galing kay Toby.
'Sorry, I cant make it today, umuwi na ko kc masama pakiramdam ko.'
Iyon ang reply ko kay Toby sa text bago ako umalis sa lugar at tila umaalingawngaw pa rin ang mga salita ng misteryosong si Kylo Manabat.
*****
"HOY," Halos mapatalon ako nang makita ko siya na nakaabang sa may pintuan. "Ano ba yung sasabihin mo kahapon?"
"T-talagang inabangan mo pa 'ko rito sa labas?" Halatang nagulat siya sa tinanong ko at napatingala siya sa kisame.
"Kakarating ko lang, 'wag kang feeling."
"Sabi mo, e" Pumasok kaming dalawa sa loob ng HQ at tumambad ang silid na madalang puntahan ng mga sariling miyembro ng org na 'to.
"Sabihin mo na kung ano yung sasabihin mo." Iyon agad ang sinabi niya paglapag niya ng bag niya.
"May nakakaalam kung sino ako."
"Oh? Ano ngayon?" H-hah? Seryoso ba siya? Wala man lang siyang pake at umupo siya.
"A-anong ano ngayon? Taisei! May nakakaalam na nagpapanggap lang ako!" Sa inis ko ay hinampas ko ang mesa at napatingin siya sa'kin pero wala pa ring pakialam ang itsura. "At para sabihin ko sa'yo, ang taong nakakaalam na ako si Sarumi ay nag-iimbestiga rin tungkol sa Suicide Case Virus!"
Parang magic words ang nabanggit ko at bigla siyang napatayo, kitang kita ko ngayon ang matinding pagkabahala sa kanyang mukha. Aalis na sana 'ko pero kaagad niya akong tinawag.
"Sandali lang, Saru." Napalingon ako dahil tinawag niya ako sa tunay kong pangalan. "S-sino ang nakakaalam?"
"Kylo Manabat ang pangalan niya."
*****
ISANG malutong na sampal ang natanggap ko mula sa kanya. Sapu-sapo ko ang aking pisngi habang dahan-dahang tumingin sa kanya.
"Anong ibig sabihin nito Sari?! Akala ko ba kaibigan kita?!"
Kaibigan? Hindi ko mapigilang mapangisi sa tinuran ni Eriko. Magtatagpo sana kami ngayon ni Toby dito sa library pero imbis na siya ang makita ko ay si Eriko ang sumalubong sa akin, hawak niya ang cellphone ng boyfriend niya at mukhang nahulog din ako sa patibong niya.
"Magsalita ka, Sari! Inaahas mo ba ang boyfriend ko?!" Masyadong maaga para mabunyag ang ginagawa ko kay Toby pero alam kong darating din ang pangyayaring 'to. "B-bakit nakangisi ka lang?! Sumagot ka!" Kontrolado niya naman ang lakas ng boses niya pero damang-dama ko ang galit at gigil niya.
"Bakit hawak mo ang cellphone ni Toby?" Inosente kong tanong na mas lalo niyang kinainis.
"Ako ang nagtatanong kaya ako ang sagutin mo! Paano mo nagawa sa'kin 'to?! W-we're friends, right?" Biglang nagmakaawa ang kanyang tinig. "Tell me, you're just fooling us... Tell me... Kasabwat ka lang ni Toby para i-prank ako na kunwari i-break at i-surprise... Ne? Sari... Oshiete, Sari!" Pinipigilan kong matawa dahil nag-Nihongo na siya ng salita.
"E-Eriko?!" Sabay kaming napatingin sa boses at nakita namin si Toby na humahangos. "S-sari."
Napahinto si Toby nang makita ako at muling galit na binalingan ang ex-girfriend niya. Oo, ex, dahil kaninang umaga lang ay nabalitaan ko na nakipaghiwalay na siya kay Eriko.
"Toby! Sabihin mo sa'kin na prank niyo lang 'to ni Sari 'di ba?"
Hinablot muna ni Toby kay Eriko ang cellphone na ninakaw mula sa kanya. "Hindi 'to prank, Eriko. Just accept it, three years is enough. Ayoko na, maghiwalay na tayo."
"N-nande? Toby... B-bakit?" Maiiyak na anumang sandali si Eriko. Para akong nanunuod ng live drama at nakapamagitan sa kanilang dalawa. Nanlilisik na binalingan ako ni Eriko. "Kasalanan mo 'to!"
"Walang kasalanan si Sari rito, Eriko, ako at ikaw ang may problema, wala siyang kinalaman sa atin." Pumagitna si Toby sa'ming dalawa.
"Ano'ng wala? Ano'ng mga nakita ko sa inbox mo na magkausap kayo? At lagi kayong nagkikita dito pa talaga sa library?!"
"Aish! Tama na Eriko!"
"Hindi! Hangga't hindi mo binabawi ang sinabi mo, Toby."
"Eriko," Natigilan sila parehas at napatingin sa akin nang tawagin ko ang pangalan ni Eriko. "Kahimanawari." Napakunot sila nang sambitin ko ang salitang iyon nang walang kasamang tinig. Nakarinig ako ng mabibilis na hakbang, ang librarian, good timing, dahil mawawakasan na rin ang drama nilang dalawa.
*****
"KINAKABAHAN ka ba?" Ngayon ko lang narinig na nagsalita siya kahit kanina pa kami rito naghihintay sa lobby ng College of Science. Nakita ko sa gilid ng aking mata na sinilip niya bahagya ang mukha ko dahil sa namumula kong pisngi. "Napaano ka?"
Sasagot sana ako nang matanaw ko si Kylo na papasok sa loob at napatayo kaagad ako, maging si Taisei ay napansin 'yon at tumayo rin siya.
"Sorry to make you wait." Bungad ni Kylo Manabat nang makalapit siya sa amin. "You must be Taisei Zhuang, the Editor-In-Chief of Pluma." Inalok niya ang kanang kamay ni Taisei na tinanggap naman ng huli.
"Saru told me about you, Kylo Manabat." Wika ni Taisei habang nagsusukatan sila ng tingin. 'Di hamak na mas matangkad si Kylo kaya tila minamaliit niya si Taisei sa tingin niya.
"Let's talk somewhere private, follow me." Nagkatinginan lang kami ni Taisei bago sumunod kay Kylo. Pumunta kami sa third floor at pumasok sa isang bakanteng club room.
"The Hiking Club?" Narinig kong bulong ni Taisei. "This club is closed for ages."
"Yep, kaya ito ang room na nahingi ko para gawin kong private office." Sagot sa kanya ni Kylo na binuksan ang switch ng ilaw. Nang luminawanag ay tumambad sa amin ang isang luma at bakanteng silid. Dahil na rin siguro sa luma rin ang style ng architecture ng College of Science ay ganoon din ang mga silid nito—kahoy ang sahig, ang mga bintana ay may disenyo ng capiz, may mga antique bookshelf na walang laman at isang pahabang mesa na may anim na kahoy na upuan.
"Hiningi?" Nagtatakang sambit ni Taisei.
"Have a seat." Senyas ni Kylo at umupo naman kaming dalawa ni Taisei. "Magiging direkta na ko, tutal nasabi ko naman na sa'yo Saru. Uulitin ko ang gusto kong mangyari, cooperate with me to solve the Suicide Case Virus or else-"
"Or else?" Putol ni Taisei. "I-eexpose mo ang identity ni Saru?" Napatingin ako sa kanya. "How can we easily trust someone who has connections with suspicious people?"
"We have the same interest, Taisei, parehas lang natin gustong ma-resolba ang kaso. Wala akong nakikitang masama roon."
"Walang masama? How can you prove that to us?" Humalukipkip si Taisei. Gusto talaga niyang patunayan na hindi siya basta-basta kung sino lang.
Pero imbis na sumagot ay ngumisi lang si Kylo, may kinuha siya sa loob ng bag niya at nilabas mula roon ang mga photographs. Kaagad iyong kinuha ni Taisei upang tingnan.
"A-anong-"
"Too bad dahil mas nauna na akong mag-imbestiga sa inyong dalawa. And so far, sa apat na biktima na mabuti kong pagsisiyasat ay iyan ang nakalap ko."
Hawak pa rin ni Taisei ang mga larawan at kitang-kita ko ang pagkagulat niya sa nakita.
"S-sinasabi mo ba na ang Suicide Virus Case ay hindi suicide? I-isang murder." Katulad ng naisip ko noon ay nasambit iyon ni Taisei.
"Oo, Taisei, tama ka. Ang Suicide Virus Case ay hindi suicide." Hindi kumukurap niyang saad. "You can see that clearly in the photograph."
Tumingin sa akin si Taisei na may pangamba na ngayon sa itsura at saka inabot sa akin ang mga larawan. Pagkakitang-pagkakita ko rito ay bigla akong kinabahan.
Ang pahiwatig ng larawan... Wala namang kagimbal-gimbal dito maliban sa mga mukha at ng silid ng mga naging biktima at higit sa lahat... Mga note na may letra.
Katulad ng nakuha namin sa kwarto ni Hailey Espartero.
"Joyce Tuazon, the eighth victim, from PTU also, she got the note with the letter 'N'. Rayan Abuela, the seventh victim, from Eastern University, got the letter 'H'. Candice Cortez, the sixth victim, from EU also, got the letter 'A'. Ezekiel Gomez, the fourth victim, from St. Angelus University, got the letter 'A'."
"Hailey Espartero, the fifth victim, from St. Angelus University," Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ang titig ni Kylo. "Nakuha niya rin ang note." Tumingin ako ngayon kay Taisei. "Letter A."
At si Sari. Nakuha rin niya ang note! Ang pinagsulatan niya ng 'Saru. Kahimanawari.'
"Posibleng si Sari..." Subalit pinutol ako ni Kylo.
"Your twin sister, Sari, didn't commit suicide. She was murdered."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro