Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/11/ I know

Kabanata 11: I know


MAGKASAMA kami ngayon ni Taisei sa HQ ng Pluma.

Ikalawang linggo ng klase at tila binabahayan na ng gagamba ang lugar na 'to dahil walang ibang pumupunta kundi kami lang. Madalas magpakita si Reuben at si Rebecca naman ay hindi na muling sumulpot pa. Tama nga ang sinabi ni Taisei, mahina na ang pundasyon ng organisasyon na 'to at mukhang ang pagresolba sa Suicide Virus Case na lang talaga ang pag-asa upang maibalik sa dating 'angas' o reputasyon ng Pluma.

Malapit na ang tinatawag nilang CompEx o Competitive Exam para sa magiging bagong editorial board ng Pluma pero parang wala roon ang atensyon ni Taisei.

"May pupuntahan ulit tayo sa Huwebes." Saad niya habang abala sa pagla-laptop.

"Okay." Matipid kong sagot at nakita kong huminto siya at napatingin sa akin. "Bakit?" Napahinto tuloy ako sa pagta-type sa cell phone ko.

Kumunot si Taisei. Kay aga-aga, nakasimangot na naman ang taong 'to.

"Kanina ka pa busy na busy diyan sa cell phone mo, a."

Bigla ko tuloy itinago sa ilalim ng mesa ang kamay ko na hawak ang phone ko. Bigla akong napangisi sa 'di malaman na dahilan. Mas lalong umasim mukha ni Taisei.

"Ano 'yan?"

"Wala."

"Anong wala. May kalandian ka ano?" Parang nanay na sita niya sa'kin.

"Ano naman ngayon kung mayroon?" Pabalik kong sabi sa kanya. Hindi naman niya kasi alam na ka-text ko ngayon si Toby at ngumisi ako hindi dahil kinikilig ako—dahil alam kong malapit-lapit ko nang makuha kung anong gusto ko. Well, maninira lang naman ako ng relasyon kaya ngayon pa lang nagbubunyi na 'ko sa tuwa sa oras na mangyari 'yon.

Inirapan ako ni Taisei, dinaig niya pa ang irap ko, akala mo babae. Psh.

"Wala naman akong pake kung sampu pa ang kalandian mo, ang sa'kin lang, basta magawa natin nang maayos ang trabaho natin." Binalik niya ulit ang atensyon niya sa ginagawa niya.

"Trabaho?"

"Ang paglutas sa Suicide Virus Case." Sabi niya habang nakatingin sa laptop niya.

Sinilip ko ang phone ko at nakitang nag-reply na sa si Toby sa'kin.

Message from Toby

Sa'n ka mag-lunch later?Sabay ka ba sa'min ni Eriko?

Aba at balak pa niya 'ko gawing third wheel, pero napangiti lang ako.

Sure. Sabay ako sa inyo, miss na kita eh. :)

Sent.

Wala pang limang segundo nang mag-reply ulit ito.

Toby: I miss you den hahah.

"Hoy," Nagulat ako bigla kay Taisei. "Wala ka bang klase? Baka gusto mong pumasok na kaysa makipaglandian ka diyan."

Ako naman ang napakunot.

"Inaano ba kita?" Hindi niya 'ko sagot at mas lumakas lang lalo ang pagtipa niya sa keyboard, halatang naiirita. Bahala siya.

Nag-type ulit ako ng i-rereply pero biglang nag-message ulit si Toby.

Toby: I mean, miss ko na ung mga topics natin.

Haha, me too. Free ka ba mamayang uwian? Or baka may date kayo ni Eriko?

Toby: I'm free later, uuwing maaga si Eriko after class. May problem 'ata siya.

Problem? Bakit?

Toby: I dunno, she won't talk to me about it. After nang mawala siya sa locker area last week, bigla siyang nag-iba, parang napapaparanoid siya na ewan.

Don't worry, I'll try to talk to her.

Toby: Thanks. :)

Toby: So later? Same date?

Yep. See you. :) :) :)

Nagulat na naman ako kay Taisei nang mahuli ko siyang nakatingin sa'kin, masama pa rin ang titig, yung titig na nagdududa.

"Bye, may klase pa 'ko." Inayos ko ang bag ko at akmang aalis nang bumukas bigla ang pinto at may dalawang pumasok.

"Good morning!" Si Rebecca at kasama niya si Reuben. "Oh, look who's here." Masiglang bati ni Rebecca at makahulugang tumingin sa akin.

"Good morning, Ate Sari, Kuya Taisei!" Sinundan 'yon ni Reuben at umupo silang dalawa.

"Sino pa bang aasahan ninyo rito?" Masungit na sagot sa kanila ni Taisei.

"G-good morning." Nahihiya kong bati sa kanila.

"Sari, bakit ka nga pala nag-deactivate ng Facebook?" Nanlaki ang mata ko sa biglang tinanong ni Rebecca. "Noong sembreak ko pa napansin 'yon, what happened?"

"Uhm..." Napasulyap ako kay Taisei at saktong nakatingin din siya sa'kin at tila pinapasahan niya 'ko ng tamang isasagot kay Rebecca. "Gusto ko lang mag-focus muna sa pag-aaral." Saglit na katahimikan, nakita ko si Taisei na medyo umiling at tila nadismaya sa sinagot ko.

"Ah, ganon ba?" Tatangu-tanong saad ni Rebecca. "Balita ko kay Reuben parang 'di na kayo mapaghiwalay ni Taisei, a, nagseselos na 'ko." 'Di ko alam kung biro lang ba ni Rebecca 'yon o ano at hindi ko na naman alam isasagot ko.

Sa totoo lang, sanay na 'ko sa bago kong environment at 'papel' dito pero pagdating kay Rebecca, hindi ko pa rin matimpla kung anong dapat kong gawin. Siguro masyado lang akong kinakabahan.

"Reuben, kailan ka pa naging malisyoso?" Sermon agad ni Taisei na ikinagulat ni Reuben.

"Hala, Kuya Taisei, wala naman akong pinakakahulugan na ganon, si Ate Rebecca—"

"Joke lang naman! 'Di kayo mabiro!" Kaagad na bawi ni Rebecca. Biglang nag-ring ang bell at sa wakas ay nakaligtas din ako!

"Guys, may klase pa 'ko, bye!"

"Sari—"

Mabilis akong nakaalis doon at mabuti na lang ay nasalba ako ng bell.

*****

UWIAN.

Bago ako pumunta ng library, kung saan ang tagpuan namin ni Toby, nandito ulit ako ngayon sa dati kong pinagtataguan at pinagmamasdan silang dalawa sa locker area. Mukhang nagtatalo sina Eriko at Toby; hindi ko man marinig ang mga sinasabi nila ay nakatitiyak ako roon.

Nang makuntento ako sa nakita ko ay kaagad akong pumunta sa library. Doon din ako naghintay sa naging pwesto namin noong nakaraan at wala pang kalahating oras nang makita ko si Toby. Kumaway ako sa kanya at kaagad siyang kumaway pabalik.

"Sorry kung ngayon lang ako." Kaagad niyang hingi ng pasensya at halatang tumakbo siya dahil sa paghingal niya. "Sorry 'di ako tumupad sa oras. Nainip ka ba?"

Ngumiti ako nang ubod ng tamis sa kanya.

"Ano ka ba, ako ang may kailangan sa'yo kaya okay lang sa'kin na maghintay. Upo ka." Ngumiti na lang ulit siya at umupo sa tabi ko.

"So, saan na nga ulit tayo nahinto last time?" Masiglang tanong niya.

"Uhm, sa pagkakaala ko last time, nauwi sa conspiracy theories ang topic natin, kung talaga bang nag-land sila Neil Armstrong sa buwan." Natawa kami parehas sa sinabi ko. "Uhm, wait, si Eriko pala?"

Biglang nagbago nang bahagya ang mood niya nang banggitin ko ang pangalan ng kaibigan ko.

"Ah, dumiretso na siya ng uwi. Masama 'ata pakiramdam. Anyway..."

Nagsimula ulit kaming magkwentuhan hanggang sa umabot kami ng dalawang oras. Kung tutuusin, interesting naman talagang tao si Toby, at kung iniisip niya na nagkakataon ang lahat na magkasundo kami sa mga iba't ibang usapan ay nagkakamali siya. Siguro lang sadyang magaling lang ako magpanggap, kahit na noong una nag-aalangan ako na maging si Sari pero nitong mga nakarang araw ay tila naging normal na lang ang lahat. Siguro dahil dito ko lang tinutuon ang atensyon ko at nag-iisa na lang ako ngayon sa buhay.

Okay ka sana, Toby. Pero sinaktan ninyo ni Eriko ang kapatid ko.

Kung saan-saan napunta ang usapan namin ni Toby. Hindi na niya 'ko tinuruan tungkol sa subjects namin dahil mas interesado siyang pag-usapan ang mga bagay na hindi niya magawang buksan sa iba. Hanggang sa napunta sa malalim na aspeto ng buhay ang usapan namin.

"There's no such thing as free lunch, ang paborito kong natutunan sa Economics class natin, naalala mo pa ba?" Medyo hindi ako handa sa tanong na 'yon.

"Ah, oo." Pagkukunwari ko na naalala ko. "Sino nga ulit yung prof natin doon?"

Napalitan nang pagtataka ang itsura ni Toby.

"Hindi mo maalala? Si—" Bigla kaming nakarinig nang malakas na pagbagsak ng mga libro at nakita namin sa 'di kalayuan na nagkalat sa sahig ang mga libro. Nagkusa kami ni Toby na ipatong muli sa ibabaw ang mga nagkalat na libro.

"Sorry! Binabalik ko kasi sa shelf, ewan ko bat biglang nahulog." Paghingi ng pasensya nung Student Assistant. Bumalik kami sa kinauupuan namin at kaagad kong nilihis ang usapan dahil hindi ko talaga alam kung sino ang naging Economics prof namin noon at baka mahalata ako ni Toby.

"Alam ko ang theory na 'yon, ibig sabihin lang lahat ng bagay ay may kabayaran, tama ba?"

Nakuha ko naman kaagad ang atensyon ni Toby.

"Oo, parang ganon na nga, tama nga ang sinasabi nila na sa panahon ngayon ay wala ng libre. Kaya nga sinabi ng ni Robert Greene sa libro niya 'Despise the Free Lunch.' Dahil kadalasan ang mga libreng serbisyo na 'yan ay may lihim na agenda." Napatango ako sa mahaba niyang sinabi.

"Hindi ba't parang parehas lang 'yon ng konsepto ng Karma?" Saad ko.

"Hmm, parang ganon na rin, pero mas malalim ang Karma, Sari." Seryoso niyang saad na tila may naalala.

"Natatakot ka ba sa Karma?"

"H-huh, paanong natatakot?"

"Na paano kung anumang oras ay bumalik sa'yo yung mga bagay na ginawa mo dati?" Saglit na natigilan si Toby at hindi alam ang sasabihin, para siyang naestatwa.

"Guys, malapit nang mag-seven, baka gusto niyo nang umuwi?" Puna sa'min nung Student Assistant kanina.

Napatango lang kami ni Toby at sabay kaming lumabas sa library. Madilim na nga at wala na halos mga estudyante sa paligid.

"Toby," Tawag ko sa kanya at napahinto naman siya sa paglalakad. Kukurap-kurap ang ilaw sa hallway at kaming dalawa lang ang nandito ngayon. Ito na ang pagkakataon, Saru. Para kay Sari. Kahimanawari.

"Sari?"

"Pasensya ka na sa tinanong ko kanina, tungkol sa Karma."

"Ano ka ba, bakit ka humihingi ng pasensya?"

"Sa totoo lang," Humakbang ako palapit sa kanya. "Tanong 'yon para sa sarili ko. Ang takot sa Karma, kung kaya ko bang harapin ang takot."

"Bakit? May problema ka ba?" Nag-aalalang tanong niya.

"Alam kong hindi tama ang ginagawa ko, Toby. Boyfriend ka ng best friend ko pero nakikipaglapit ako sa'yo ng ganito." Nakayuko kong saad.

"Sari..."

Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ko ang mga mata niya, tinitigan ko 'yon, ang mabilog niyang mata na may ibang kahulugan.

"Gusto kong makipaglapit sa'yo dahil... gusto kita." Kitang-kita ko kung paano siya nagulat at lubos na hindi makapaniwala. "Pero alam kong pag-aari ka na ng iba. Kaya sa tingin ko hanggang dito na lang ako, ang maging masaya para sa inyo." Yumuko ako at hinihintay ang kung anong reaksyon niya.

"Kailan pa?"

"Hindi ko alam, pero ang alam ko matagal na, at ipinaubaya kita sa kaibigan ko dahil—" ako naman ang nagulat nang hawakan niya 'ko sa kamay.

"Masaya ako, Sari, na naging honest ka sa'kin ngayon."

"P-pero hindi na ko pwedeng makipagkita sa'yo—"

"Hindi naman siguro masamang maging kaibigan ka, 'di ba?"

Hindi ako nakapagsalita at hindi pa rin niya ako binibitawan.

"Kung bibigyan ng pagkakataon, bakit hindi?"

Napangiti ako sa sinabi niya at sabay kaming naglakad papuntang exit gate.

Boys are really stupid.

*****

HINDI natapos doon ang naging pag-uusap namin ni Toby. Dahil mula pag-uwi ko kahapon at ngayong umaga ay magkausap pa rin kami. The odds are in my favor, dahil kaunting-kaunti na lang ay makukuha ko na ang gusto ko.

Sari. Sana matuwa ka rin ngayon sa kung anong unang nagawa ko para sa'yo. Papunta ako ngayon ng college namin mula HQ ng Pluma habang ka-text si Toby. Pero automatic akong napahinto nang kaagad kong mapansin na may nakaharang sa daraanan ko. Nag-angat ako ng tingin at nakita ang isang matangkad na lalaki, medyo mahaba ang buhok niya na nakahati sa gitna at may matatalas siyang mata na parang pusa.

"Excuse me." Sabi ko at dadaan ako sa kabila pero humarang na naman siya. "Anong problema mo?" Kampante ako na hindi kilala ni Sari ang taong 'to dahil wala ang mukha niya sa P.T.U. Profile.

"Sarumi Sumiyaya." Biglang kumabog ang dibdib ko nang banggitin niya ang pangalan ko. "Ang Karma ay hindi konsepto ng paghihiganti, ang Karma ay isang batas, batas para sa mga mabubuti at masasama na walang sinumang makatatakas."

"S-sino ka?" P-paano niya... Bigla kong naalala ang eksena sa library kahapon, pinag-uusapan namin 'yon ni Toby! Ang laking kalokohan kung coincidence lang na sinasabi niya sa'kin 'to ngayon, tiyak kong nandoon siya! Nakikinig! Biglang nag-flash back sa'kin ang nahulog na mga libro, hindi kaya—

"My name is Kylo Manabat. And I know who you are, Sarumi Sumiyaya."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro