Pages 41-60
Page 40
Panel 1
Lumulutang si Berto sa ere at pulang-pula ang mukha habang pinapanood ang pag-alis ng dalawang kaibigan. May bukol siya sa ulo. Inaamoy niya ang kamay niya na nasa harap ng mukha niya.
Panel 2
Berto: Nakita mo yun, Lolo? (pagmamalaki nito) Nasapian ko si Marianne!
Pedro: (galit) Loko! Nakita ko'ng hinipuan mo si Marianne!
(show flashbcak on background, nakatayo si Marianne, nakangisi na parang manyak, pati mata manyakis, nakakapit ang magkabilang kamay sa bidbid, habang sa likod niya, nakaupo si Pao sa lapag at nagsusuot ng salamin.
Panel 3
SD ni Berto nakangisi at San Pedro galit.
Berto: Lolo naman, nabigla lang ako...
Pedro: (binatukan si Berto) Nabigla ka d'yan?!
Page 41
Panel 1
Berto: Hindi ko talaga inakala na masasapian ko si Marianne!
Pedro: May kakaibang koneksiyon kasi kayo kaya mo nagawa iyon.
Panel 2
Pedro: Pero, mukhang hindi pa rin ligtas ang mga kaibigan mo.
(may iba pang mga alipores na parating, nakita ng mga ito ang mga kasamahan nilang bagsak sa lapag)
Alipores8: Ano'ng nangyari dito?!
Panel 3
Berto: Kung ganon, pwede ko po ba gamitin uli ang katawan ni Marianne?
Panel 4
Pedro: Basta't wag mo s'ya'ng mamanyakin! (muling dinagukan si Berto na natatawa)
Page 42
Panel 1
Naglalakad na ang dalawa papuntang ospital.
Pao: Marianne... sigurado ka ba na okay ka lang?
Marianne: Oo naman, hindi na nga ako hinihingal, o!
Panel 2
Pao: Sumakay na kaya tayo ng tricycle?
Marianne: (napatignin sa labas ng isang eskinita, nakita niya ang ilang Alipores na nag-aabang sa main road) hindi puwede... mukhang hinahanap pa tayo ng mga alipores ni Bruno...
Panel 3
Pao: Sa bagay... malapit-lapit na naman ang ospital, kailangan na lang nating lumiko sa...
Panel 4
Nakasalubong nila ang mga alipores sa pag liko sa kanto. Pare-pareho silang gulat.
Page 43
Panel 1
Alipores8: Ayun sila!
Pao: Naku! Nakita nanaman nila tayo!
Panel 2
Hinatak ni Marianne si Pao papunta sa isang eskinita. Nagulat si Pao na nanlalaki ang mata.
Marianne: Dito tayo dumaan sa kabila!
Panel 3
Pao: Marianne, 'wag kang masyadong magpagod... baka...
Panel 4
Marianne: 'Wag mo akong alalahanin, ang importante, mapuntahan agad natin si...
Page 44
Panel 1
Bruno: Huli kayo, mga bubwit!
Panel 2
Natigilan sina Marianne at Pao. Nasa harapan nila si Bruno, may kasamang limang alipores.
Bruno: Wala ka nang matatakbuhan ngayon, Marianne, wala nang magliligtas sa 'yo!
Panel 3
Muling humarang si Pao sa harap ni Marianne.
Pao: (nanginginig sa takot) M-Marianne! Mauna ka na sa ospital! A-Ako na ang bahala rito! H-hindi ako papayag na s-saktan ka nila!
Bruno: Saktan? Ba't ko siya sasaktan? Gusto ko lang makipagkaibigan! (nakangisi nanaman nang labas ang dila, nakakatakot ang mukha)
Panel 4
Marianne: Kukukuku
(Napatingin ang dalawa kay Marianne na natawa, silhouette lang, her face is shadowed)
Pao: M-Marianne?
Page 45
Panel 1
Biglang humarap si Marianne sa kanila.
Marianne: (nakangisi uli ng tagilid) Ayaw ni Marianne makipagkaibigan sa 'yo, Bayawak!
(Nanlaki ang mga mata ni Pao at Bruno na kinilabutan pa)
Panel 2
Narrated: Imposible man, alam ko, si Berto ang nasa harap ko noon. Sa tagal naming magkakaibigan, kabisado ko na mga galaw n'ya.
(ipakita si Marianne, kinukwelyohan ang isang Alipores, nakaamba ng sapak, habang may nakabagsak sa paanan niya, nakaapak siya sa likod nito)
Panel 3
Narrated: Kahit pa madalas na n'ya kaming iwasan mula nang makaaway n'ya si Bruno...
(nadagdagan na ang mga bagsak sa lapag, kaaway naman ni Marianne si Bruno na namumula sa hiya at 'di makaganti)
Panel 4
Narrated: Alam ko, hindi niya kami pababayaan... lalo na si Marianne.
(sinapak ni Marianne si Bruno, worm's eye view of upper cut using left fist. Ipakita na kasabay humagis ni Bruno, napatid nanaman ang chain bracelet, pero 'wag masyadong ipahalata)
Page 46
Panel 1
Hinihingal si Marianne na nakatayo, magkahiwalay ang mga binti, bagsak na lahat ng siga sa paligid. (note: wala na ang chain bracelet sa left wrist nya, napigtas nanaman, pero wag gawing obvious, nakatalikod si Marianne kay Pao)
Pao: Marianne!
Pao: Hindi... Berto, Ikaw 'yan, 'di ba?
Panel 2
Dahan-dahan na lumingon sa kanya si Marianne, nakangisi ng tagilid.
Panel 3
Biglang naiba ang itsura ni Marianne, napakapit sa dibdib, mukhang nasaktan.
Panel 4
(sinalo ni Pao si Marianne na pabagsak)
Pao: Marianne?!
Page 47
Panel 1
Napalabas si Berto sa katawan ni Marianne nang 'di oras. Show bird's eye view with Pao and Marianne beneath him.
Berto: Aray! Ang dibdib ko.... ang dibdib ni Marianne! Napaka sakit!
Pao: (small text at the BG) Marianne? Marianne okay ka lang ba?!
Panel 2
Nawalan ng malay si Marianne, pilit siyang ginigising ni Pao na may kapit sa kanya.
Berto: A-anong nangyayari?!
Pedro: Nasobrahan ang katawan ni Marianne, hindi ito kinaya ng kanyang puso.
Pao: (small text at the BG, naluluha na) Marianne... please, gumising ka...!
Panel 3
Berto: Ha?! Ibig mo sabihin, yun ang sakit na nararamdaman lagi ni Marianne?!
Pedro: Oo. Kailangan siyang madala agad sa ospital.
Pao: (small text at the back, nakita ang kadena ni Marianne) Ah... ang kadena mo...
Panel 4
Lumapit si Berto kay Marianne, pero 'di s'ya makapasok dito.
Berto: Ba't 'di na 'ko makabalik?! Anong gagawin ko?! (hawak niya ang katawan ni Marianne na hawak din ni Pao.)
(sabay inaabot naman ni Pao ang kadena sa lapag)
Page 48
Panel 1
(Top Panel)
'Dub-Dub'
May parang tibok ng puso, naging negative image, on black BG, show Pao and Berto, nagkatinginan habang kapit ni Pao ang kadenang bracelet.
Panel 2
May tumatakbo
Panel 3
Si Pao, karga si Marianne
Panel 4
(small panel sa tabi) ipakita na kapit ni Pao sa kaliwang kamay ang pigtas na kadena.
Panel 5
Tumalon siya sa ere, dala ang kaibigan. Magulo buhok niya, walang salamin, and like all nerdy guys with glasses, ang gwapo pala ni loko.
Pao: UMALIS KAYO SA DAAN!!! (nag give-way ang mga tao sa tapat nang ospital)
Page 49
Panel 1
Sinipa ni Pao/Berto pabukas ang pinto sa ER, bitbit pa rin si Marianne. Gulat ang mga tao sa loob ng ospital.
Pao/Berto: Emergency! Tulungan n'yo ang kaibigan ko! May sakit siya sa puso!
Panel 2
Doctor: Si Marianne ba 'yan?!
Nurse: Ibaba n'yo po siya dito sa stretcher!
Panel 3
Ibinaba na ni Pao/Berto ang kaibigan sa stretcher.
Pao: Doc Albert! Kayo ang doktor ni Marianne, 'di ba? Kamusta siya?
Doc Albert: Hindi ko masasabi... pero kung kasing lala ito ng huling atake niya...
Panel 4
Closeup ni Pao, sa likod niya, nago-overlap ang kaluluwa ni Berto. Sa BG kasalukuyang itinatakbo sa ER si Marianne.
Doc Albert: Baka ikamatay niya ito kung hindi siya mabibigyan ng heart transplant asap!
Berto/Pao: H-Hindi...
Page 50
Panel 1
Berto tumatakbo
Berto: Mamamatay si Marianne kung hindi siya makakakuha ng heart transplant...
Panel 2-3-4
Mabilis na pagliku-liko sa mga corridors
Berto: ...hahayaan ko lang ba iyon?
Panel 5
Papalapit na sya sa OR sa dulo
Berto: ...kailangan ko'ng magmadali...
Page 51
Panel 1
Inside the operating room,
Doc: Tapos n'yo na ba i-disinfect ang area? Hand me the scalpel...
Nurse: Here, doc...
Panel 2
Biglang bumukas ang pinto sa OR, nandoon si Pao na pinipigilan ng dalawang kuya ni Berto na nakakapit sa braso at binti niya, pero kinaladkad lang niya ang dalawa.
Pao: Itigil n'yo ang operasyon!!!
(Tinuro nya ang doctor habang sumisigaw)
Panel 3
(nakikipag bunuan pa ang tatlo, nasa gilid ang ibang mga tao – nurses at doktor)
Kuya1: Ano ka ba naman, Pao?! Brain dead na si Berto!
Kuya2: Oo, kaya idinonate (give emphasis) na lang namin ang organs n'ya, para makatulong sa iba!
(ipakita ang orasan sa pinto sa BG, 7:09)
Panel 4
Pao: Mga hunghang! Hindi pa ako --
Page 52
Panel 1
Bumagsak bigla si Pao sa lapag, kasama ang 2 kuya ni Berto. Nakatingin ang lahat kay Pao.
Panel 2
Biglang bangon naman paupo si Berto sa operating table.
Berto: PATAAAAAAAY!!!!!
(napatitig ang lahat kay Berto, lahat gulat at takot)
Panel 3
Napasigaw ang mga tao, ang ibang nurse nagtakbuhan palabas, habang mukhang sakit na sakit naman si Berto sa katawan niyang bugbog at puro benda.
Berto: Araaaay!!! Ang sakit!!! (nakabenda ang mga braso n'ya kaya di makapitan ang ulo, nakaya lang niyang makaupo sa pagkakahiga sa kama)
Tatay: (nasa kwarto na rin ngayon) B-Berto! Buhay ka!?
Page 53
Panel 1
Berto: (tinuturo ang 2 kapatid at tatay gamit ang braso na naka bandage) Mga sira-ulo kayo! Ibinenta n'yo laman loob ko kahit buhay pa 'ko!!! (nagdudugo uli mga sugat niya, squirting)
Kuya2: Paano mo nala--!?
Kuya1: (tinakpan ang bibig ni Kuya2) Hi-hindi totoo yan!
Panel 2
Berto: At ikaw, Doctor Quack-quack! Wala ka'ng karapatan na kunin ang organs ko!
Doc: Pero may contrata na- (nawala ang papel na kapit niya, after image lang natira)
Panel 3
Pao: (hawak ang contrata at pinupunit ito) Hindi ko alam kung anong nangyayari, pero since buhay si Berto, hindi n'yo pwedeng galawin ang organs n'ya!
Berto: Tama! (SD art ni Berto na ulo lang, may nag s-squirt na dugo sa noo nya)
Panel 4
Galit na dinuduro ni Berto ang doctor at pamilya sa harap niya.
Berto: Walang pwedeng kumuha sa organs ko, lalo na sa puso ko! Dahil may nagmamay-ari na nito!
(natahimik ang silid)
Page 54
Panel 1
Show only half of Berto's face, pababa sa dibdib ni Berto, may heart beat sa back ground.
Berto: Makinig kayong lahat dahil sandali lang ako rito!
Panel 2
Berto: Ang puso ko ay para lang kay Marianne. Nasa emergency room s'ya ngayon at nangangailangan ng heart transplant.
(nagulat si tatay at sina kuya nang narinig ito)
Tatay: S-si Marianne?! Narito sa ospital?!
Panel 3
Berto: Oo, at handa ko'ng ialay ang pangalawang buhay ko para sa kanya!
Pao: B-Berto...
Panel 4
Berto: (humarap sa pamilya niya) Kaya mangako kayo... Tay... Kuya... Mangako kayo na ibibigay n'yo ang puso ko kay Marianne. Wala na akong paki sa ibang parte... basta ang puso ko ay para lang sa kanya!
Page 55
Panel 1
Hinawakan ni Tatay ang kamay ni Berto na patuloy ang tulo ng luha at dugo sa mukha.
Tatay: Nangangako ako, anak. Kay Marianne lang mapupunta ang puso mo.
Maaasahan mo ako.
Panel 2
Nangiti si Berto, for the first time, mukhang ang saya at ang payapa nito
Panel 3
Tumingin si Berto sa gilid ng silid. Napatingin din dito si Pao.
Berto: Lolo... Kunin mo na 'ko.
Panel 4
Bumagsak ang kamay ni Berto sa kama.
Page 56
Panel 1
Pinipilit ng mga doctor na buhayin uli si Berto. At the BG, nakalutang si Pedro at Berto, pinapanood sila.
Pedro: Sigurado ka ba na ibibigay mo ang bagong buhay mo kay Marianne? Pwede ka pang bumalik.
Panel 2
Pan-in on Pedro and Berto, blurry ang foreground na patuloy ang revival procedure.
Berto: (nagbuntong hininga) Sigurado na po, Lolo Pedro. Masaya na ko sa buhay ko, at sa kaalaman na mapapahaba ko ang buhay ni Marianne.
Panel 3
Berto: (kumapit siya sa balikat ni Pao na umiiyak sa tabi ng katawan niya) Ikaw na ang bahala kay Marianne, pare.
Panel 4
Napalingon si Pao sa kanyang tabi, pero wala na doon si Berto.
Berto: (boses na lang) Protektahan mo s'ya...
Page 57
Panel 1
(show operating room, mga doctor, nakalibot kay Marianne, top view)
Narrated: Tulad ng ipinangako, ibinigay nga ng pamilya ni Berto ang puso ni Berto kay Marianne. Agad siyang inoperahan matapos ang ilang tests.
Panel 2
Narrated: Ang ibang organs naman niya ay ipinamahagi ni Doc Albert sa mga bata'ng matagal nang naghihintay ng donor.
(show kids na kasama ni Doc Albert, nakangiti)
Panel 3
Narrated: Hindi na humingi ng malaking halaga ang pamilya ni Berto. Takot lang nila'ng multuhin ni Berto!
(show tatay ang 2 kuyas, nakaluhod sa simbahan, nagdadasal)
Panel 4
Narrated: At 'di nagtagal, nakalabas din si Marianne ng ospital.
(show Marianne, naka side view, may dalang bouquet ng bulaklak. Sa likod nandoon si Pao, pamiya ni Berto, at iba pang tao.)
Page 58
Panel 1
Show the two friends, nasa sementeryo, may dalang bulaklak si Marianne inilagay sa apartment, nakasulat ang 'Roberto Dela Cruz'.
Narrated: At kahit pa malungkot kaming lahat sa pagkawala ni Berto, ay 'di naman kami nagluluksa.
Panel 2
Nakatayo ang dalawa sa tapat ng mga apartment.
Marianne: (nakasuot ng uniform, senior high. Diretso na ang tayo niya) Salamat uli, Berto, talagang hinding-hindi mo kami pinapabayaan...
Panel 3
Kapit ng kaliwang kamay ang dibdib, suot ang kadena.
Marianne: Buhay na buhay ka pa rin sa loob namin.
Panel 4
Pao: (kumapit sa balikat ni Marianne, naka uniform din. Mas mataas ng konti sa kanya si Marianne na diretso na ang tayo) Halika na, Marianne, may pasok pa tayo. Daan na lang uli tayo mamayang uwian.
Marianne: Um...
Page 59
Panel 1
(small panel, kita lang ang SD na mukha nina Pao at Marianne, asiwa.
Boses: (may tumawag sa likuran) Ah-ah-ah, saan kayo pupunta, mga bubwit?
Panel 2
Nasa likuran si Bruno, nakabelat nanaman, pero wala nang studs at piercings sa mukha at nakasuot din ng school uniform. Bukas ang polo nito, tinatangay ng hangin, kita ang sando sa loob.
Bruno: Sa araw na ito, patutunayan ko sa iyo ang pag-ibig-
Panel 3
Ipakita si Marianne, nakatayo, nakatalikod, legs apart, nakataas ang kanang braso in an upper cut. Maalikabok ang lapag, may konting ihip ng hangin, tinangay ang buhok at palda ni Marianne to one side. Sa kaliwa niya nakatayo lang si Pao, naka face palm. Si Bruno nawala, pero may umiikot sa ere.
Bruno: (fade away) KOOOoooooooooo.....!!!!
Panel 4
Bumagsak si Bruno sa alikabok, may pasa at walang malay. Sa BG, nagpapagpag si Marianne.
Page 60
Panel 1
Marianne: (nakangiti ng sobrang tamis, tulad ng dati habang nagpapagpag ng kamay) Halika na, Pao, pasok na tayo.
Pao: (may sweat drop sa ulo) Halika na! (tumango)
Panel 2
Naglakad na paalis ang 2 magkaibigan.
Narrated by Pao: Hindi kami nagluluksa, dahil alam namin na kapiling pa rin namin si Berto.
Narrated, lower part of Panel: At kahit pa hindi ko matutupad ang hiling niya, at least ngayon, naipagtatanggol na ni Marianne ang kanyang sarili!
Panel 3
(pahaba sa baba) Show 2 hands, magkaakay, may kadenang bracelet ang isa
Narrated by Pao: Pati na rin ako!
- Wakas -
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro