Pages 21-40
Page 20
Panel 1
Pao: Marianne, gabi na. Mukhang 'di na darating si Berto, baka nag-aalala na magulang mo.
Marianne: (nag-aalala at kapit ang chain bracelet sa left wrist nya) Sandali na lang, Pao, nangako si Berto na makikipagkita s'ya sa atin ngayong. Hintayin pa natin s'ya.
Panel 2
Marianne: (may kagat ng isaw baboy on stick) Saka, parang kinakabahan talaga ako...
Pao: Sa bagay, matagal na rin natin s'ya 'di nakakasama...
Panel 3
(worm's eye view, na bulsa ni Pao, tumunog ang cellphone nya)
RIIIIINNG!!!
Marianne: Si Berto ba yan? (nakatingin sa cell na nilabas ni Pao)
Panel 4
Sabay nila itong tinignan, binasa pa ni Pao ng malakas;
Pao: 'Pao, kuya Bong ni Berto ito, nasa Sta. Clara hospital s'ya ngayon'
Marianne: Haa?! (nahulog ang isaw sa bibig)
Page 21
Panel 1
Pao: 'Nabundol sya, malubha... 'Wag mo sabihan si Marianne...'
Panel 2
Napatitig si Pao kay Marianne na nakakapit sa dibdib niya. Pareho silang nanlalaki ang mga mata.
Pao: (karugtong ng text:) '...baka atakihin...'
Panel 3
Pao: (nakakapit sa balikat ni Marianne, kinakabahan) Marianne, okay ka lang ba?!
Marianne: (namumutla) O-okay lang ako... (hinihingal) K-kailangan nating puntahan si Berto sa ospital!
Panel 4
Pao: Pero... Sigurado ka ba'ng okay ka lang?
Marianne: Oo... (hingal) 'Wag kang mag-alala, kaya ko to!
Page 22
Panel 1
Pao: sandali, mag te-text ako sa inyo...
Marianne: Dali, may parating na tricycle... (pinapara ang trike sa dilim)
Panel 2
Tumigil ang trike sa tapat ng dalawa. May laman pala itong tatlong lalaki.
Bruno: Kamusta na Miss Beautiful? (mohawk silhouette lang ang kita)
Panel 3
Lumabas sa liwanag, nakabelat si Bruno na puro bandaid sa mukha.
Bruno: Remember me?
Page 23
Panel 1
Lumulutang si Berto sa ere kasama si Pedro na bitbit ang kanyang manok
Berto: So, paano ko mahahanap sila Pao at pano ko sila mumultuhin?
Pedro: Isipin mo lang ng mabuti ang taong gusto mong makita. At hilingin mo ito mula sa kaibuturan ng iyong puso.
Manok: bok-bok
Panel 2
Pumikit si Berto at inisip ang taong pinaka gusto niyang makita.
Berto: Ang pinaka gusto kong makita...
Panel 3
Berto: Ay si... (nakita nya ang magandang ngiti ni Marianne)
Panel 4
Dumilat si Berto. Wala na si Pedro sa tabi niya, nasa eskinita siya.
Page 24
Panel 1
Napalingon si Berto sa kaluskos. Nakita n'ya si Marianne na tumatakbo papunta sa kanya, nasa likod nito si Pao na nagbagsak ng basurahan sa daan para harangan sila Bruno.
Pao: Marianne! Takbo, dali!
Panel 2 (fast paced a)
Naka-outstretch ang arms ni Berto para yakapin si Marianne.
Berto: Marianne!
Panel 3 (fast paced b)
Yakap ni Berto ang sarili, gulat ang itsura, nag phase-through sa kanya si Marianne.
Panel 4 (fast paced c)
Lumingon siya sa tumatakbong si Marianne.
Panel 5 (fast paced d)
samantalang nag phase-through din sa kanya si Pao na kasunod ni Marianne.
Pao: Takbo, Marianne! Takbo!
Page 25
Panel 1
Nanlaki ang mga mata ni Marianne nang marinig ang pamilyar na boses sa likod niya
Bruno: Sandali, Marianne!
Panel 2
Sa paglingon nya, nakita nya si Bruno na kasama ang tatlong alipores nito, nakangisi ito, mukhang psycho.
Bruno: Gusto ko lang makipagkaibigan sa 'yo!
Panel 3
Berto: (pilit pinipigilan si Bruno) Tarantado ka talaga Bruno! Lubayan mo si Marianne!
Panel 4
Nakatalikod na si Bruno, hinahabol ang dalawa.
Bruno: Hintayin mo ako! Kekekekeke!
Page 26
Panel 1
(malayo na sila Pao)
alipores1: Boss, mabilis palang tumakbo ang mga 'yun!
Bruno: Maghiwa-hiwalay tayo. Tawagan n'yo ang buong tropa!
alipores2: Eh, nagpapagamot pa 'yung iba!
Bruno: Basta't sabihan n'yo sila!
Panel 2
Bruno: Ngayong naospital ang tarantadong Berto na 'yun, pagkakataon ko nang malapitan si Marianne! (malaki ang ngiti labas dila)
Berto: Hayop ka talaga, Bruno!
Panel 3
Bruno: Hanapin n'yo na ang dalawa! Basta si Marianne, 'wag n'yong gagalawin!
(naghiwa-hiwalay na ang mga alipores ni Bruno)
Panel 4
Bruno: (close-up, namumula ang mukha) Dalhin n'yo siya sa akin!
Page 27
Panel 1
Open panel – no borders. Nakalutang si Berto, mukhang alalang-alala, bird's eye view ng lugar. Kita ang rooftops at mga eskinita, makikita ang mga alagad ni Bruno at sina Pao sa map-like view kung magaling ka maghanap – parang where's waldo.
Berto: Nasaan na ba ang dalawang 'yun?! Gabi na kasi nasa kalsada pa, eh!
Panel 2
Inaalalayan ni Pao si Marianne na nakakapit sa pader, hinihingal ito.
Pao: Mukhang nawala na ang humahabol sa atin!
Marianne: Masama talaga ang kutob ko, Pao!
Panel 3
Marianne: Pakiramdam ko, may masamang mangyayari pag 'di natin agad napuntahan si Berto!
Page 28
Panel 1
Pao: 'Wag ka'ng masyadong mag-alala, nasa ospital si Berto, siguradong ligtas s'ya doon.
Panel 2
Nag-phase through si Berto sa pader sa tabi ng 2, kita lang half body nya
Marianne: Pero...
Pao: Relax ka lang, mapupuntahan din natin si Berto, sa ngayon, pahinga ka na muna.
Panel 3
Berto at tao sa likod: Nakita ko rin kayo!
Panel 4
Napatingin si Pao, Marianne at Berto sa tatlong lalaki na palapit sa kanila.
Page 29
Panel 1
Dead end ang kanan nila Pao.
Panel 2
Tumingin si Pao sa kaliwa, pero may tatlo pang parating mula rito.
Pao: Naku, nalagot na!
Panel 3
Alipores2: Huli kayo ngayon! (balak hawakan si Marianne)
Berto: Mga walang-hiya kayo!
(sinugod niya ang alipores – to no avail)
Panel 4
Humarang si Pao sa harap ni Marianne.
Pao: 'W-wag n'yong galawin si Marianne!
Page 30
Panel 1
Alipores2: Umalis ka r'yan, lampa!
(hinatak ang braso ni Pao habang papalapit ang iba pang alipores)
Marianne: (galit) Huwag n'yo s'yang saktan!
Panel 2
Tinulak ni Alipores2 si Pao sa likod, sinalo sya ni Alipores3 and 4 at kanilang sinikmuraan.
Marianne: Pao!
Panel 3
Nawalan nang malay tao si Pao na kinapitan ng 2 sa magkabilang braso.
Alipores2: Amin ka na ngayon!
(nakangisi kay Marianne, inaabot niya si Marianne, malaki ang kamay na naka close up sa panel. May suot siyang dalawang itim na goma sa right wrist)
Berto: 'Wag n'yo s'yang hawakan!
Page 31
Panel 1
Kakapit na kay Marianne ang lalaki, natawag n'ya ang pangalan ni Berto.
Marianne: B-Berto!
(Tinaas niya ang kaliwang braso bilang panangga, nandoon ang kadena niya.)
Panel 2
Kinapitan ni alipores2 ang kaliwang braso si Marianne. (remember, may suot na itim na mga goma si alipores2.)
Alipores2: Wala na ang bantay mo! Nasusunog na 'yun ngayon sa impyerno!
Panel 3
Alipores2: Ngayon, sumama ka sa amin!
(Hinatak si Marianne)
Panel 4
Sabay napasigaw si Marianne at Berto. Kumapit si Berto sa left arm ni Marianne kung saan nandoon ang kadena.
Marianne: Hindi!!!
Berto: Hindi!!!
Page 32
Panel 1
'Dub-dub'
(May parang tibok ng puso, itim ang back ground, top Panel, parang film negative)
Panel 2
May kanang kamay na kumapit sa kamay ni Alipores2 na may suot na itim na mga goma (black goma is there to show/identify Alipores 2)
Panel 3
May nag-flip/hagis kay Aliperos2, kasalukuyan siyang nakalutang, umaarko sa ere.
Alipores2: Huh?!
Panel 4
Bumalibag ang katawan ng Aliperos2 sa sementadong kalsada
Alipores2: OOF!
Page 33
Panel 1
May mabilis na galaw, ipakita ang gulat na mukha ni Alipores3
Alipores3: Anong –
Panel 2
May palad na tumama sa panga ni Alipores3, napatingala ang ulo nito, kita ang butas ng ilong sa tuktok.
Panel 3
Mukhang takot si Alipores4, itinaas niya ang isang kamay
Alipores4: Sandali-
May paang tumama sa gilid ng leeg ni Alipores4
Panel 4
Humagis si Alipores4 ng paikot-ikot, tumalbog at tumama sa tambak ng basura.
Page 34
Panel 1
May braso na sumalo sa katawan ni Pao na kapit ng dalawang alipores kanina. napaungol ito pero wala pa rin malay.
Panel 2
Nakaturo si Alipores5, nanginginig ang kamay, takot, natigilan ang tatlong papalapit kina Marianne.
Alipores5: Te-teka... paano mo napabagsak ang mga kasamahan namin?!
Panel 3
Ipakita si Marianne na nakatayo ng diretso, patanggal na ang tali sa buhok niya na nakalugay ang kalahati. medyo wavy ito. Madilim/shadowed ang mukha niya, habang sa kaliwang braso ay inaalalayan niya si Pao na walang malay at walang salamin. Umiikot ang mga mata ni Pao – hilo.
Alipores6: Hi-hindi ba may sakit ka?!
Panel 4
Nasa paanan ni Marianne si Pao, nakaupo, yuko ang ulo at wala pang malay. Habang nakatayo si Marianne, legs apart, crackling her knuckles
Marianne: (naka-smirk sa pagsalita, na tulad ng smirk ni Berto sa 1st pages) Lumapit kayo rito para kayo ang masaktan!
Page 35
Panel 1
Natauhan na si Pao, wala siyang salamin, don't show whole face, kinukusot nya ang mata n'ya.
Pao: Ah! Marianne! Nasaan ka?!
Panel 2
Pao: (kumakapa sa daan, nakatalikod) nasaan na ang salamin ko?!
Panel 3
nahanap na ang salamin, malabo ang BG nya na parang may nakatayo sa harapan.
Pao: Naku! nasaan na si...
Panel 4
Nakasuot na ang salamin ni Pao, nakatalikod siya sa Panel. Nakatayo sa harap niya si Marianne, nakatalikod sa kanya, nakalugay ang buhok. Nasa sides ang magkabila'ng braso ni Marianne.
Page 36
Panel 1
Hindi gumagalaw si Marianne. Nakatayo pa rin siya ng diretso, pero wala na sa sides ang magkabilang braso – naka fold sa elbows na parang nakahalukipkip sa harap.
Pao: M-Marianne?
Panel 2
Lumingon na sa kanya si Marianne, nakakapit ang mga kamay sa dibdib, at sa ngisi sa mukha nito, parang nakita ni Pao si Berto na nag-ooverlap sa image ni Marianne. Natulala si Pao.
Panel 3
Marianne: Pao!
Parang natauhan si Pao, nakita na niya si Marianne na hukot ang pagkakatayo. Palapit na ito sa kanya. Nanginginig ito sa nerbyos.
Panel 4
Marianne: Pao, a-ano'ng nangyari?!
Page 37
Panel 1
Pao: H-ha?
Panel 2
Napatingin si Pao sa paligid, noon lang napansin ang 6 na mga siga bagsak lahat at duguan.
Pao: Wa-! A-anong nangyari?!
Panel 3
Marianne: (Mangiyak-iyak na) Ikaw nga ang tinatanong ko, eh!
Pao: H-hindi ko rin alam... kakagising ko lang!
Page 38
Panel 1
Marianne: (nag-aalala) Naku! Sinikmuraan ka nga pala ng lalaki kanina! Masakit pa ba tiyan mo?! (itinataas ang polo ni Pao na pilit namang binababa ng isa)
Pao: O-okay lang ako... (namumula ang mukha)
Panel 2
Pao: I-ikaw? Sinaktan ka ba nila?!
Marianne: Hindi, pero, parang ang sakit ng kamay ko!
Panel 3
Napatingin si Pao sa kaliwang kamao ni Marianne, namumula ang knuckles nito.
Panel 4
Napatingin si Pao sa mga lalaking nakakalat sa daan. Pinagpawisan siya at napalunok.
Page 39
Panel 1
Pao: Hindi na importante 'yun! Kailangan na nating puntahan si Berto sa Ospital!
Marianne: T-tama!
Panel 2
Inapakan ni Marianne ang lalaking nakaharang sa daan nila, napaungol ito.
Marianne: Halika na, dali!
Panel 3
Napatitig si Pao sa lalaking inaapakan ni Marianne.
Pao: O-okay...!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro