Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Pages 1-20

This is the comics manuscript for 'Kadena'


Page 1

Establishing point: Tapat ng tindahan/mini carinderia

May babae at nerdy na lalaki na naka upo. May kapit na plies ang nerd habang inaayos ang lock ng isang chain bracelet. Hindi pambabae ang bracelet at mukhang luma. Tutok ang babae na nanonood.

Maganda ang babae, nakatali ang buhok na wavy sa ponytail. Pero nakahukot siya lagi na parang nahihiya sa mundo at gustong magtago. Mas matangkad sana siya kung didiretso siya ng tayo. May hawak siyang siopao at kumakain.

Si nerdy guy naman at typical na lalaki na may salamin na di kita ang mata. Tipong pang-extra lang na walang mukha. Nobita hair, 2x3 ahit sa batok at gilid.

Panel 1

close-up sa kadenang inaayos with pliers. titig na titig ang lalaki rito.

Marianne: Maayos na ba, Pao?

Pao: Malapit na, Marianne... Bakit ba napigtas nanaman to'ng kadena mo?

Panel 2

Marianne: May nangbastos kasi sa akin kagabi, bigla'ng hinatak ang braso ko, buti na lang napadaan si Berto, tinulungan ako. Kaya lang napigtas nanaman ang bigay n'ya sa aki'ng bracelet.

Panel 3

Pao: Luma na kasi ito, eh, sira na ang lock, ang luwag pa sa 'yo.

Marianne: Oo, pero bigay 'yan ni Berto, kaya importante 'yan sa 'kin kahit pa pinaglumaan lang n'yan.

Panel 4

Ikinakabit ni Pao ang bracelet sa braso ni Marianne

Pao: O, eto, maayos na... Nasaan na nga ba si Berto?

Marianne: (nakangiti ng napaka inosente) May ime-meet lang daw s'yang mga kaibigan bago pumunta rito!

Page 2

Narrated by Pao: Sana nga, mga kaibigan lang...

Panel 1

(pahaba ang Panel) Ipakita ang lower half ng mukha ng isang lalaki na nakangisi ng tagilid. May earings siya, stud ring sa ilong at ring sa labi.

Berto: Bruno, alam ko'ng malaki galit n'yo sa akin...

Panel 2

(full page)

Establishing point: Bakanteng lote, nasa 10 am possition ang araw – basta not directly over head.

Scene: isang grupo ng mga sanggano nakapalibot sa lalaking nakatayo sa gitna. Mga dalawang dosena ang mga siga, nasa teens hangggang early twenties, may dalang mga armas na baseball bat, tubo, dos por dos at iba pa.

Berto: Pero, 'di ba't parang sobra naman 'to?

(naka flat top ang buhok ni Berto na medyo makapal ang tuktok, may mga hikaw sa tenga, kilay atbp., nakasuot ng itim na shirt na may design na rock band (slipNut). May kwintas sya na bakal, mga bracelet na bakal, singsing na bakal, at kadena sa tagiliran na nakakabit sa pantalon)

Page 3

Panel 1

Bruno: (lalaking matangkad na naka mohawk, marami rin bakal na accessories, nakalabas ang dila na may stud na bakal) Tama lang ang ganitong karami, Berto, dahil sa araw na 'to...

Panel 2

Sumugod na si Bruno at mga alipores, may dala ito'ng kadena.

Bruno: Sisiguraduhin namin na babaksak ka na!

(Nakangiti lang si Lalaki na nanlalaki mata, anticipating)

Panel 3

(sa baba)

Palapit na ang grupo, nangunguna si Bruno, nakatalon sa ere, nakaamba ng kadena na nakaikot sa kamao. Nakaamba ang kaliwang kamao ni Berto na may kadena ring nakapulupot (yung nasa pantalon niya). Nakangisi sya, mukhang handang mamatay at pumatay

*note: kaliwete si Berto.

Berto: Siguraduhin n'yo lang na babagsak ako!

Page 4

Panel 1

(worm's eyeview) Nasa tuktok na ang araw (12 noon). Bagsak na ang mga sanggano, ang natirang nakatayo ay si Berto na hinihingal at duguan. May tumutulong dugo sa noo, past his right eye.

Berto: (pasigaw) Ano!? Lalaban pa kayo?!

Panel 2

Nakaapak s'ya sa likod si Bruno

Berto: Sa susunod na harangin n'yo mga kaibigan ko, mas malala pa r'yan ang aabutin ninyo!

Panel 3

Scene: Naglalakad na si Berto, tumutulo pa rin ang dugo sa mukha. Mga siga, bagsak sa BG n'ya.

Berto: (bubulong-bulong, napadura) Mga lampa! Wala namang ibubuga.

Page 5

Panel 1

May mga batang napatingin kay Berto habang naglalakad pauwi. Tinuro s'ya ng mga ito

Bata 1: Uy! Tignan nyo 'yung mama o! Puro dugo!

Bata 2: ketsap lang 'yan!

Bata 3: Zombie yan! Zombie

Panel 2

Sinundan ng mga bata si Berto na nag-iiwan ng trail ng dugo. Kantyaw sila ng kantyaw at nagtatawanan pa. Mukhang naiirita na si Berto.

Bata 1: Hintayin nating bumagsak!

Bata 2: Dapat d'yan unahan na! Double tap!

Bata 3: Oo, bago pa mangagat!

Panel 3

biglang lingon si Berto sa mga bata, nakakatakot ang itsura at galit

Berto: Tigilan n'yo 'ko mga kutong lupa!!!

Mga Bata: Wahhh! Zombie nga!!!

(nagtakbuhan palayo habang tumatawa at tumitili)

Panel 4

Humabol si Berto, pinagtripan ang makukulit na mga bata.

Berto: Zombie pala ha?! RAAAAH!!!

Panel 5

Patuloy na hinabol ni Berto ang mga bata na nagtatawanan habang tumatakbo palayo

Berto: Bumalik kayo rito!! (mukhang dragon na bumubuga ng apoy)

Page 6

Panel 1 (fast paced a)

Hinabol nya ang isa na patawid ng kalsada. Napansin nya na may parating na trak.

Berto: Huy, ingat!

Bata: Wahhh! (tumatawa, 'di s'ya pinansin)

Panel 2 (fast paced b)

Berto: Sandali, bata!

Panel 3 (fast paced c)

Berto: Ingat!

(tinalon ni Berto ang bata para iligtas ito, pero natalisod ang bata at nadapa.)

Panel 4 (fast paced d)

(Lumampas si Berto sa batang napadapa sa gilid ng kalsada, napalakas pa man din ang talon niya. Napalingon siya sa batang naiwang nakadapa sa kalsada.)

Berto: Huh?

Panel 5

(whole bottom)

'BEEP'

Nasa ere pa rin si Berto (in mid air as he leapt). Nakaharap niya ang nguso ng track na rumaragasa palapit sa kanya.

Page 7

Panel 1

Nakataas ng bahagya ang kaliwang kamay ni Marianne, pabagsak ang suot niyang bracelet. Kumakain sila ng pansit at puto.

Marianne: Ah! Ang kadena ko!

Pao: Putol nanaman?

Panel 2

Marianne: Hindi naman siya sumabit... Ba't kaya siya napigtas?

Pao: Haay... marupok na talaga 'yan. Akin na, ayusin ko uli.

Panel 3

Napatingin si Marianne sa malayo habang inaayos ni Pao ang kadena.

Marianne: (may kagat na puto) ...Nasaan na kaya si Berto?

Page 8

Panel 1

Narrated: Sabi nila, kapag namatay ka, magf-flash sa isipan mo ang iyong nakaraan...

(1st person perspective ang mga susunod na panels, so 'di makikita ni Berto ang sarili nya, yung kamay lang niya ang kita sa panel.)

Marianne: (batang may wavy ponytails, 4 years old, maganda ngiti, chubby, may lollipop, sa tabi niya batang naka bunot hairstyle at nakasalamin) Ako si Marianne, eto si Pao, ikaw, ano pangalan mo?

Berto: A-ako si Berto...

Panel 2

Nakayuko si Pao habang hinihimas ang likod ng batang Marianne na naka-squat sa lapag. Nakakapit ang kamay ni Berto sa balikat ni Marianne. Nasa 8 years sila

Marianne: P-pahinga lang tayo sandali...

Pao: Mahina ang puso ni Marianne, kaya madali s'yang mapagod...

Panel 3

Nakalahad ang kamay ni Marianne, may bracelet na kadena rito. Nag b-blush ang kamay ni Berto na nagsusuot nito. Nasa tabi ni Marianne si Pao na nakangiti rin. Konti pa lang ang suot ni Berto, isang singsing lang at isang bracelet. Nasa 12 years old sila

Berto: E-eto... s-sira na ang lumang bracelet ko... sa 'yo na lang kung gusto mo!

Marianne: (malaki ngiti) Thank you Berto, iingatan ko 'to, promise!

Panel 4

Marianne, hinihingal, hawak ang kamay ni Berto na may ilang singsing at bracelet na. Sa tabi ni Marianne si Pao na puro sugat at madungis. Nasa 14 years sila.

Berto: Pasensya na... dahil sa akin, pati kayo napagtri-tripan...

Pao: (nakangiti pa rin kahit sugatan) 'wag kang mag-alala, wala ito!

Marianne: (hinihingal, naluluha) o-oo nga, basta't magkakaibigan pa rin tayo!

Page 9

Panel 1

(side Panel from top to bottom, no outline) Parang lumulutang ang hubad na katawan ni Berto sa ere, nakapikit s'ya, bahagyang naka-twist ang katawan to hide his manhood.

Berto: (naiisip lang) sila ang mga tunay ko'ng kaibigan. Pilit ko silang nilalayuan para 'di sila madamay sa mga kalokohan ko, pero...

Panel 2

Unti-unting dumilat si Berto

Berto: hindi ko sila kayang tiisin...

Panel 3

Biglang litaw ang mukha ng matanda, nanlaki ang mga mata ni Berto sa gulat

Matanda: Aba, Berto, napaaga ka ata?

Panel 4

Tuluyan nang napadilat at napaupo si Berto, nanlalaki mga mata. Nasa paanan sya ng matandang lalaki. Nasa open field sila. Suot nya ang damit niya kanina, pero malinis ito. Itinuro niya ang matanda sa harap niya na nakasuot ng puting kamisa tsino na short sleeved, at puruntong. Nakaupo ito sa bangko at may bitbit na manok na texas sa kaliwang kamay at yosi sa kanan.

Berto: Pucha! Nasaan ako?! Sino ka?

Page 10

Panel 1

Pedro: Ako si San Pedro. 'Di pa ba obvious sa manok?

Manok: Bok-bok

Berto: B-ba't ganyan ang itsura mo?!

Panel 2

Pedro: Dahil ito ang image na bigay mo sa akin – Isang matandang sabungero.

Berto: (small text) may punto ka... pero...

Berto: I-Ibig sabihin ba nito... patay na ako?!

(natigilan si Berto)

Manok: Bok-bok

Panel 3

Pedro: Gusto mo ng instant replay?

(may lumabas na replay buton sa tabi niya, nakalutang sa ere, nakaturo na rito ang daliri ni San Pedro)

Berto: Hindi... pero... (mukhang ang lungkot)

Pedro: Pero ano?

Page 11

Panel 1

Berto: (Nagwawala, sinasabunutan ang sarili) Pucha! Ang dami ko pang gustong gawin! Ba't namatay agad ako?!

(small texts:) Wala pa ko'ng syota! Virgin pa ko! Gusto ko pa kumain ng isaw at milktea!

(Napatitig si San Pedro kay Berto, mukhang asar.)

Manok: Bok-bok

Panel 2

Tumayo si san Pedro sa harap ni Berto, nakausli ang tiyan, payat na katawan, bitbit pa rin ang manok, hinihimas habang kagat ang yosi.

Pedro: Haay. 'Wag ka'ng mag-alala, dahil sa ginawa mong pagligtas sa bata kanina, ay bibigyan ka namin ng isa pang chance.

Panel 3

Berto: T-talaga, tanda?! (malaki ngisi sa mukha)

Pedro: Oo, panahon na dapat ng bata kanina. Mamamatay dapat siya sa aksidente habang naglalaro, pero dahil hinabol mo s'ya, nadapa siya at di nasagasaan.

Panel 4

Pedro: Eh, sayang naman 'yung effort mo kanina, kahit sablay. (nagpipigil ng tawa)

Berto: H-hoy! Pinagtatawanan mo ba ako?! (galit)

Page 12

Panel 1

balik ang composure ni Pedro

Pedro: (e-hem) Naisipan mo'ng iligtas ang bata, kahit pa ikaw mismo ang mapahamak. Dahil dito, ay bubuhayin ka uli ni Bosing sa taas.

Berto: Hay, salamat naman!

(Looks expectantly at San Pedro, kumapit sya sa balikat ng matanda.)

Panel 2

Pedro: Halika, sumunod ka sa akin.

Berto: Saan tayo pupunta? (mabilis ang lipad nila over a city scape na puro barong-barong sa baba)

Panel 3

Napunta sila sa isang ospital na naka Bird's eye view.

Note: walang paa si Berto, si San Pedro meron.

Pedro: Nandito na tayo

Panel 4:

front ng public hospital ang view

Pedro: Kasalukuyang nasa coma ka, pero magigising ka rin mamayang 7:10 ng gabi, kahit pa brain dead ka na ngayon. Isang himala ito galing kay Bosing.

Page 13

Panel 1

Nasa loob na sila ng ICU ng ospital, nakabenda ang ulo ni Berto na nakahiga sa kama. Puro benda rin ang mga braso at binti nito.

Berto: Mukhang masama nga nag pagkakabundol sa akin, ha?

Pedro: Anong bundol? Karamihan ng sugat mo dahil sa rambulan.

Panel 2

Show San Pedro, full body (legs over panels 3 and 4), left thumb up, pointing over his left shoulder. Naka-pause ang video, may tubo na humampas sa sentido ni Berto.

Si Berto mag sweat drop sa ulo habang nanunood.

Pedro: Sa katunayan nga, magiging baldado ka dapat. Masama ang pagkakahampas sayo sa ulo kanina.

Panel 3

Pedro: Bukas paggising mo, hindi mo na magagalaw ang katawan mo, kaya kung di ka nabundol, eh, magiging invalid ka naman.

Berto: G-ganon?! (nag-aalala)

Panel 4

Pedro: Pero 'wag kang mag-alala, dahil sa ginawa mo, pagagalingin ni Bosing ang buong katawan mo. Basta't siguraduhin mong magiging mabait ka na paggising mo 'uli!

Berto: Ehehe, opo, Lolo Pedro, pangako po yan!

Manok: Bok-bok

Page 14

Panel 1

Berto: (nakatayo sa may pinto, naka tingin sa orasan sa tuktok nito) Salamat at isang oras na lang ang hihintayin para magising...

Panel 2

(big Panel, middle)

Berto: ...ako--

(Bigla bumukas ang pinto. Natakpan ng pinto si Berto sa pagbukas nito. Since spirit siya, nag-phase through siya, pero ang nakalabas lang yung 2 braso nya ay 2 binti na walang paa – usok lang ang dulo)

Tatay: (malaking tao, mukhang siga rin) Nasaan si Berto?!

Kuya1: (malaki rin ang katawan at may mga tattoo pa) Berto! Kapatid ko!

Kuya2: (malaki rin, may mga tattoo at balbasarado) Berto! 'Wag mo kaming iwan!

Panel 3

(long pannel bottom)

Malungkot ang mukha ni Berto

Berto: A-ang... ang pamilya ko...

Page 15

Panel 1

Tatay: Sino nang magsasaing sa amin?!

Kuya1: Sino nang maghuhugas ng mga plato?!

Kuya2: Sino nang maglalaba?!

(SD art, nanlaki ang mga mata ni Berto at San Pedro sa BG)

Berto: Mga Bwiset kayo!!!

Panel 2

(Bumukas uli ang pinto, ang kaluluwa ni berto, SD form, nakasampa sa kuya1 nya, nakaikot ang binti nya sa leeg nito habang pilit nyang sinasapak ang mukha nito. May pumasok na doktor sa loob. Si San Pedro naman ay nasa tabi, binubugahan ng usok ang kanyang manok)

Panel 3

Doc: Kayo po ba ang pamilya ng pasyente? (closes door behind him)

Tatay: Oo, Doc, kamusta po kalagayan ng anak ko?

Page 16

Panel 1

Doc: Hindi na po ako magpapaliguy-ligoy pa... aside from the fractures in his arms and legs, I'm afraid, brain dead na ang pasyente.

Panel 2

Kuya2: (nakakapit sa kamay ni Berto na nakabenda, ngumangawa) Bunsoy!!!

Tatay: Si-sigurado po ba kayo, Doc?

Doc: Opo, wala na siyang brain activity at hindi na rin nagre-react sa external stimuli.

Panel 3

Muling nagsiiyakan ang tatlo. Malungkot silang pinanood ni Berto sa tabi. Show scene of room.

Kuya2: K-Kung ganoon... wala na siya'ng pag-asang magising?!

Doc: I'm afraid so... ang mga nakakabit na makina na lang ang bumubuhay sa kanya.

Panel 4:

Tatay: Kung ganoon... ano po'ng maipapayo ninyong gawin namin?

Doc: Iyon nga po ang dahilan kung ba't ko kayo gustong makausap...

Page 17

Panel 1

Nagsasalita si Doc, sa tabi niya ay may picture ng human anatomy.

Doc: Bagamat brain dead na ang pasyente at maraming fractures sa katawan, maayos at malusog naman ang mga organs niya.

Panel 2

Doc: Eh, nagkataon na may isa tayong... 'importante'ng pasiente'... na naghihintay ng kidney at heart transplant... (Napatitig ang tatlo sa doctor, pati na rin si Berto)

Panel 3

Nainsulto ang pamilya ni Berto na mega flex ng mga muscles nila sa galit.

Tatay: Ano kamo?!? Kukunin nyo ang laman-loob ng anak ko?!? (kinwelyuhan ang doctor)

Kuya1: Hindi kami papayag na babuyin ninyo ang katawan ng kapatid namin!

Kuya2: Tama! Paano kung magising si Berto at kulang-kulang na siya?!?

Berto: Tama! At magigising pa talaga ako!

Page 18

Panel 1

Kalmado na nagsulat sa mesa ang doktor. Nasa likod ng doktor ang 2 kuya, nanlaki ang mga mata nila. Sa BG si tatay at lumulutang sa balikat nito si SD Berto)

Doc: Nabanggit ko po ba na magbabayad ang pasyente?

Berto: Hindi mo kayang bilhin ang pamilya ko, hoy!

Tatay: Kahit na magkaano pa yan, 'di kami papayag!

Panel 2

Kuya: (nasa tabi na ni tatay, kinalabit si tatay) Tay... sandali...

Doc: Ito po ang ibabayad niya para sa puso...

Panel 3

(maliit lang na panel)

Iniharap ni Doc ang papel sa mukha ni Tatay na nanlaki rin ang mga mata.

Panel 4

Tatay: ... Eh... yung ibang mga parte, magkano?

Berto: (galit) ANO?!?

Page 19

Panel 1

Nakipagkamayan ang doctor kay Tatay. May mga papeles sa mesa sa likod nila. May sign na lahat.

Doc: Okay, we will have the operation at 7 pm sharp!

Berto: Walang hiya kayo! Mga walang kuwentang pamilya!!!

Panel 2

Pedro: Nakow, wala na tayong magagawa pag may nangyari sa katawan mo.

Kailangan mo sila'ng pigilan!

Berto: Eh, pano ko sila sasabihan kung 'di nila 'ko nakikita?!

Panel 3

Pedro: Wala ka bang ibang kakilala? Mga tao'ng malapit sa 'yo na pwede mo'ng multuhin?

(natigilan si Berto, napaisip)

Panel 4

Berto: (light bulb moment) Si Pao!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro