Tala
Talang nagbibigay liwanag
Ningning mo'y nais pagmasdan
Di tulad sa araw kinakatakutan
Mata'y wari'y niyang binubulag kung siya'y titigan
Tala sana'y may tulay na aking mararaanan
Upang ikaw man lang ay mahagkan
At maibulong ko sa'yo ang aking kahilingan
Dahil sa layo kong ito'y tila di mo mapakinggan
Minsan kasing nais kitang pagmasdan
Pero di kita makita, di matagpuan
Kasi itong si ulap paborito kang takpan
Kaya minsa'y ganda mo'y di masilayan
Tala katulad mo'y ganda ng mga kababaehan
Ngunit ganda nila'y kumukupas, di tulad mo anyong hanggang bukas
Subalit ganda mo kaya'y panlabas lamang
Baka kasi sa dibdib mo'y may halimaw na pumapaslang
Tala dinggin ang aking hiling
At kung ikaw ay tunay di na kailangan pang sabihin
Alam mo na ang mga idinadalangin
Dahil ilang ulit ko nang ipinadala sa hangin
Sa panghuli nais ko nang magising
Mabuti pa yatang humiling sa buhangin
Ako'y nalulungkot tala, ako'y nalulumbay
Sa kadahilanang karamihan sa hiling ko'y di mo ibinibigay...
written: Feb. 19, 2000 @ 6:00 PM
Mysterious Aries
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro