Taghoy
Sa kulay ng dagat ako ay nanahan
Nakisabay ako sa tahol ng mga aso sa gabi
Pagkat tunay na may nais akong sabihin na di kayang punan ng letra
Tunay na may hiwaga na kay hirap kamtim
Kaya may silbi pa ba ang humiling sa tala?
Dabat bang may idiklarang dakila?
Hamak lang tayo't babalik sa wala
Kaya nakisayaw na lang ako sa mga isdang lumalangoy
Subalit tanto kung maging sila'y nagkukunwari
Pagkat tunay na sa puso nila'y may taghoy....
written: July 26, 2001
Mysterious Aries
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro